Chapter 53

376 13 0
                                    

Ella POV
Lahat kami ay natigilan sa sinabi ni Ashley. Biglang nablangko yung utak namin at hindi namin alam yung sasabihin namin

Nagsasabi ba sya ng totoo? O baka nagbibiro lang sya? Si Travis na nakasama namin ay isang prinsepe ng dark kingdom at may kapangyarihan na dark magic

"H-hindi yan totoo diba?" Naguguluhang tanong ko

Imposible! Kahit na walang emosyon lagi si Travis pero sa tingin ko naman ay hindi nya magagawa yon

Nananatili na nakayakap si Ashley kay Eshton habang patuloy itong umiiyak

"K-kinuha nya ako. Dinala nya ako sa mga dark magicians. Pinahirapan. Kinuha nila yung kapangyarihan ko!"

What? Kinuha nila yung kapangyarihan nya?!

"What the hell?! Hayop sya! Papatayin ko sya!"sigaw ni Eshton

Ramdam na ramdam ko yung galit nya kasi lumalamig na yung paligid namin at ang matindi pa non ay nakaramdam din kami ng matinding init na nagmumula naman kay tito

Para na silang papatay!

Pero ang pinagtataka ko ay yung sinabi ni Ashley na kinuha nila yung kapangyarihan nya.

"Paano nila nakuha yung kapangyarihan mo?" Takang tanong ko sa kanya

"m-may m-machine. Nilagay nila ako don tapos sobrang sakit don. P-parang pinupunit yung laman ko. Pa-parang bi-binabali yung buto ko at sinusunog ako ng buhay. Nanghina ako at naramdaman ko na unti unting kinukuha yung kapangyarihan ko"

Hindi ko na naman napigilan ang umiyak dahil sa sinabi nya. Naghirap sya don. Sa dalawang araw na nawala sya ay naghirap na sya agad

Paano kung ako yung nandon? Siguro hindi ko na makakaya. Siguro patay na ako

Naaawa ako sa kanya. Kaya pala ganon yung itsyura nya nung makita namin sya kasi pinahirapan sya

Hindi ko man alam yung sakit na naramdaman nya non pero alam ko na mahirap yon

"Sa tingin ko ay hindi ka nila naubusan ng kapangyarihan kasi buhay ka pa anak. Natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo na kapag nawalan ng kapangyarihan yung isang magicians ay mamamatay sya"sabi ni tita Elliza na niyakap si Ashley

Agad na yumakap din naman si Ashley dito habang patuloy na naiyak

"Mommy, ang sakit. Pinagkatiwalaan ko sya" sumbong nya na parang bata

Demonyo yang Travis na yan! Paano nya nagawa kay Ashley ito? Pinagkatiwaan namin sya!

"Anak, magiging maayos din ang lahat. Babalik din ang lahat ng kapangyarihan mo. Lalakas ka ulit. Kailangan mo lang ng pahinga"pagpapakalma ni tita sa kanya

"Sya po. Hindi naman po sya babalik eh. Mommy, minahal ko lang naman sya eh pero bakit ginanon nya ako?"

"Maghanda kayo. Aalis tayo. Magbabayad ang taong gumawa nito sa kakambal ko"sabi ni Eshton na galit na galit

Nagsitanguhan kaming tatlo nila Rhea at Chen. Aalis na sana kami ng magsalita si tita

"May dark magic yung makakalaban nyo. Hindi nyo sila kakayanin" sabi nya

"Mom, hindi kami pwedeng manatili dito na walang gagawin. Nakikita nyo naman yung nangyari sa kakambal ko diba? Kailangan namin sya ipaghiganti"hindi napigilan ni Eshton na magtaas ng boses sa mommy nya kaya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa balikat at tiningnan sya na parang nagsasabi na kailangan nya huminahon

"Hindi kami bulag. Wala kaming balak na pigilan kayo kasi alam namin na malalakas kayo. Makakaya nyo"nakangiti nyang sabi

Nagtaka ako ng magpalabas sya ng light magic nya at saka itinutok sa aming apat at parang may pumalibot sa amin

"Yan ang magsisilbi nyong gabay para kung sakaling makalaban nyo ang may hawak ng dark magic ay hindi kayo matatamaan. Pero magingat din kayo at iwasan sya dahil maaaring mawala yan kung lagi nyong ginagamit"

Nagpalabas ulit sya ng light magic sa kamay nya. Para lang syang liwanag na nakapalibot sa kamay nya

"Itaas nyo ang kamay nyo" utos nya na agad naming ginawa at nagulat kaming apat ng bigla ring may pumalibot sa kamay namin na light magic

"Limitado lang ang kapangyarihan na ipinasa ko sa inyo kaya siguraduhin nyo na magiingat kayo at sa tama gagamitin yan"

Lahat kami ay nagsitanguhan at nginitian sya saka kami lumapit kay Ashley at niyakap sya

"Ipaghihiganti ka namin kambal ko" sabi ni Eshton

"Sisirain namin ang machine na nagpahirap sayo"sabi naman ni Chen

"Sisiguraduhin namin na magsisisi yang si Travis na yan"sabi ko sa kanya

"Mahal ka namin"sabi naman ni Rhea

"Magiingat kayo"ramdam ko pa yung panghihina ni Ashley don sa boses nya

Mas lalong tumindi ang galit ko sa mga dark magicians. Ang makita na nasa gantong kalagayan si Ashley ay nagpapatindi ng galit namin

Sisiguraduhin ko na magsisisi si Travis!

Hindi namin sya magagawang patawarin sa ginawa nyang pagtratraydor sa kaibigan namin

"Aalis na po kami" paalam namin sa kanya at kila mom at dad

"Magiingat ka anak" sabi ni mom

Nagsilapitan kami sa magulang namin at saka yumakap sa kanila. "babalik po kami ng buhay, pangako po yan" sabi ko sa kanila

Nagtinginan kaming apat at saka sabay sabay na naglaho papunta sa mga dark magicians

Nakalabas kami agad kasi may pahintulot kami ng mga magulang namin

Tiningnan namin yung paligid namin at nakita ko na may mga sira pang gamit dito at alam ko na si Ashley ang may gawa non

Nagtinginan ulit kaming apat at saka sabay sabay naming itinaas yung kamay namin

Napalibutan yung kanang kamay ko ng hangin at sa kaliwa naman ay kuryente

Napalibutan naman yung kamay ni Rhea ng tubig at mga lupa. Kay Chen ay mga metal at yelo at kay Eshton ay ang lahat ng kapangyarihan nya

"Mga light magicians!" sigaw nung isang lalaki

Ipaparanas namin sa kanila ang sakit na pinaranas nila kay Ashley!

"Sa pagbilang ko ng tatlo. Isa.....dalawa.......tatlo!" Sigaw ni Chen

Sabay sabay kami lumipad sa hangin at ginawa ang nais naming gawin

Itinutok ko sa langit yung kaliwa kong kamay at nagpakabas ng kuryente don. Agad na nagkaroon ng kidlat at sinigurado ko na tatama yon sa mga dark magicians

Sunod kong iginalaw ay yung kanang kamay ko at ipinaikot ikot ko yon habang kinokontrol ang hangin kaya nakagawa ako ng ipo ipo

Tiningnan ko yung paligid at nakita ko kung gaano na ito kagulo

Hindi pa kami tapos!

--------------
Kahapon ko pa po talaga sinulat ito at isang chapter lang nagawa ko kahapon kasi nabusy ako manood sa YouTube tapos nung gabi ay hindi din ako nakapagsulat kasi nanood naman ako sa TV non kaya ngayon ko lang ipopost ito

Try ko mamaya maggawa ng iba pang chapter

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now