Chapter 43

274 12 0
                                    

Ashley POV

"light magician!" Sigaw nung isa

Agad silang nagtinginan sa akin at nagsikuhanan ng mga armas nila

"Ano na naman ang ginagawa ng walang kwentang prinsesa dito sa aming tirahan?"bigla nalang lumitaw sa harapan ko ang pinuno ng mga dark magicians kaya napaurong ako

Inaamin ko na medyo kinakabahan ako pero kailangan ko sila makausap para sa mga light magicians

Kailangan ko magpakatatag!

"Mukha atang nawalan na ng dila ang bisita nating prinsesa"tumawa pa sya ng malakas

Tumuwid ako ng tayo at saka seryosong tinitigan sya "nakikiusap ako na tigilan nyo na ang pagsugod sa academy namin"matapang na sabi ko kahit sa loob ko ay nanginginig na ako

Tumawa sya ulit ng malakas "nagpapatawa ka ba?" Tanong nya

Hindi ko napigilan ang magtaas ng kilay habang nakatingin sa kanya

"Mukha ba akong nagpapatawa?" Sarkastiko kong tanong

Mukha syang nainis sa tanong ko at inangat ang kamay nya at saka may lumabas don na bpack fire

"Ano? Ipatatama mo sa akin yan? Masyado kang pikon! Baka nakakalimutan mo na mas marami ang kapangyarihan ko sayo"nakangising sabi ko

Nagpalabas ako ng spikes at balls gamit ang kapangyarihan ko ng hindi ginagalaw ang mga kamay ko at saka ko ito itinutok sa kanya

"Isang maling galaw mo lang ay tatama lahat yan sayo kaya kung ako sayo ay tigilan mo ang pagpapadala ng mga tauhan mo sa paaralan namin"

"Sa tingin mo ba ay mapipigilan mo ako. Kayo ang nagsimula nito at kami ang tatapos"

"Nagpapatawa ka ba? Kayo ang laging sumusugod sa aming nanahimik na buhay tapos ngayon ay sasabihin mo na kami ang nagsimula"

"Yang mga magulang mo ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito!"

Itinaas ko ang dalawa kong kamay at saka ako nagpalabas ng tubig na bumalot sa mga dark magicians na nasa likod nya dahil sa tangkang paggamit ng mga ito ng kapangyarihan laban sa akin

"Huwag kayong mangialam sa usapan namin. Pagako nainis sa inyo ay babawian ko kayo ng buhay ngayon din!"sigaw ko sa mga ito na pinipilit na sirain yung barrier na ginawa ko

Naramdaman ko na may black fire na palapit sa akin kaya agad kong itinaas ang kaliwang kamay ko at ginamit ang kapangyarihan ng hangin upang bumalik ang blaco fire sa kanya

Sunod kong itinaas ang kanang kamay ko at nagpalabas don ng sunod sunod na blue fire na agad nya naman iniwasan

Magpapalabas pa sana sya ulit ng black fire pero agad kong itinapat sa kanya ang kanang kamay ko at nagpalabas ng light power don

"Sige, subukan mong ipatama sa akin yang black fire mo ng maramdaman mo ang pakiramdam ng mamatay. Alam mo naman siguro na wala kang laban sa light power"pananakot ko

"Sa tingin mo ba ay matatakot mo ako sa kapangyarihan na meron ka? Tingin mo ba ay wala kaming laban diyan?"tumawa pa sya kaya nagtaka ako

Pero nagulat nalang ako ng bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at may bigla nalang lumitaw na lalaking nakamaskara sa harapan ko at sinakal ako

"Maaaring walang laban si Alezander sayo pero ako ay siguradong may laban sayo"

Mas lalo pa akong nagulat ng magpalabas sya ng dark magic sa kamay nya

Sya? May dark magic sya na inakala namin na wala ng mayroon pa

Naramdaman ko na mawawalan na ako ng hininga dahil sa higpit ng pagkakahawak nya. Wala akong magawa! Hindi ako makagalaw sa hindi ko malaman na dahilan

Napapikit nalang ako ng makita ko na itaas nya ang kamay nya na may dark magic at itapat sa akin

Inintay ko na may tumama sa akin pero naramdaman ko nalang na bumagsak na ako sa lupa at nakakahinga na ako ng maluwag

"Hinahanap mo talaga ang kamatayan mo"

"Bihagin yan!" Rinig kong sabi ni Alexander

Narinig ko ang pagkabasag ng shield na ginawa ko sa ibang dark magicians na sa tingin ko ay si Alexander ang may gawa

Naramdaman ko na may papalapit sa akin kaya agad akong tumayo

"Metal sword!" Sabi ko at may lumabas na espada sa kamay ko

Agad nagsisugudan sa akin yung iba na agad ko naman nilalaban

Alam ko na hindi pantay ang laban pero hindi ako susuko kahit gaano pa sila karami

Madami na akong natalo pero sila ay parang hindi nauubos. Masyado silang marami

Napaatras ako ng maramdaman ko na nahiwa ako sa balikat ko kaya hinarap ko yung gumawa non at gamit ang kaliwa kong kamay ay binato ko sya ng water ball

"Anong tinutunganga nyo diyan? Sugudin nyo sya! Babae yan pero hindi nyo matalo!"sigaw ni naman ni Alexander nung mauubos na yung kinakalaban ko

Agad nagsisugudan din yung iba kaya ginamit ko yung kanang kamay ko sa espada at yung kaliwa naman ay sa kapangyarihan

Pero agad akong napatigil ng bigla nalang akong tumalsik dahil sa dark magic na hindi ko nakitang papalapit pala sa akin

Lumapit sa akin yung lalaking nakamaskara at nilabit nya ang bibig nya sa tenga ko

"Ang tanga mo para pumunta dito"

Itinaas ko yung kamay ko at saka nagpalabas ng light magic don at itinutok sa kanya saka inihagis na naging dahilan ng pagtalsik nya pero imbis na masaktan ay nakatayo parin sya ng tumalsik sya na parang walang nangyari

Yung boses nya, narinig ko na yon! Pero hindi, hindi, hindi! Imposibleng sya yon, kaboses lang siguro. Meron namang ganon!

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo!" Sigaw ko at sunod sunod na nagpalabas ng light ball at hinagis sa direksyon nya

Inilagan nya ang mga yon pero may isang tumama sa bandang tiyan nya at nakita ko ang pag-agos ng dugo don

"Nakiusap na ako na tigilan nyo ang pagsugod sa amin pero tumanggi kayo. Ngayon, ipaparanas ko sa inyo ang mga bagay na siguradong hindi nyo nanaisin na maranasan!"

Naglagay ako ng shield gawa sa pinagsama sama kong kapangyarihan upang hindi agad ito masira

Itinaas ko yung kamay ko at kinontrol ko ang hangin upang gumawa ito ng malaking ipo-ipo

Agad na nasira ang ibang mga bagay sa paligid at meron narin na mga dark magicians na napapasama sa ipo-ipo

Sunod akong nagpalabas ng blue fire at itinutok ko sa mga bahay dito at sa ibang kagamitan na agad namang nasunog

"Itigil mo yan!" Sigaw ni Alexander na nasa loob din ng ipo-ipo

Hindi ko alam kung nasaan na yung lalaking nakamaskara pero wala na akong pakialam

Ipinadyak ko ang paa ko ng dalawang beses at agad namang lumindol ng malakas kaya nilabas ko ang light wings ko at lumipad pero hindi pa ako tapos

Itinutok ko yung kamay ko sa baba at gumawa ng metal na harang sa paligid ng lugar na ito para hindi lumabas ang tubig na gagawin ko

Nagpalabas naman ako ng tubig sa kamay ko at pinuno ko ng tubig ang lugar at saka ko pinagyelo

Sunod na ginawa ko ay ang kidlat sa langit na ikinangisi ko

"Una palang ay nakiusap na kami ng mga kasama ko pero hindi kayo nakinig kaya magdusa kayo ngayon sa kinalalagyan nyo at magisip ng paraan kung paano kayo makakaalis diyan!"

Tiningnan ko yung paligid ko. Sobrang wasak wasak na ito, yung ibang dark magicians ay patay na, yung iba ay nagdudusa parin sa ipo-ipo,yung iba ay nanigas na kasama nung tubig na pinagyelo ko at yung iba ay nananatiling matatag

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now