Chapter 54

376 17 1
                                    

Eshton POV
Ang saya makita ang mga dark magicians na naghihirap! Sinaktan nila ang kakambal ko at kinuha ang kapangyarihan nya

Ngayon, hindi lang kapangyarihan nila ang kukunin namin kundi ang buhay nila

Kanina ko pa talaga iniintay ang Travis na yon na lumabas at naiinip na ako

Sobrang gulo na dito. May mga ipo-ipo, kidlat, baha, nasusunog, yelo, nalindol at ang nga magicians na natatamaan ng mga metal spikes

"Nasaan ang prinsepe nyo?!" Sigaw ko sa mga nasa baba na naghihirap

"Bakit mo ako hinahanap, Eshton?"

Agad tumindi ang galit ko ng marinig ko yung boses na yon kaya galit ko syang tiningnan at nakita ko na nakangisi pa sya

"Demonyo ka!" Sigaw ko

Nagpalabas ako ng metal sword at saka lumipad palapit sa kanya at sinugod sya

Malapit na ako sa kinatatayuan nya ng bigla nalang syang nawala kaya nilibot ko ang paningin ko

"Nakapagsumbong na siguro sa inyo ang mahina mong kakambal" naririnig ko yung boses nya sa paligid ko pero hindi ko sya nakita

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa kanya! Nagsisisi ako na ipinagkatiwala ko sayo ang kakambal ko!"

Itinaas ko yung kaliwang kamay ko at saka nagpalabas ng red fire at pinatama yon sa inuhan ko

"Siguraduhin mo na pagbabato ka ay tatama sa akin"tumawa pa sya

Nagulat nalang ako ng bigla syang lumitaw at saka napaluhod pero agad din syang tumayo

"Siguraduhin mo rin na hindi lang isa ang kalaban mo. Nandito pa kami oh" nakangising sabi ni Chen

Nagsilapitan yung tatlo sa akin na mga nakangisi

"Ang mga mangmang na prinsesa at prinsepe" nakangisi nyang sabi

Ngayon ako nagsisisi na hindi ko muna sya kinilala bago ko sya kinaibigan. Akala ko mabait sya yun pala hindi

"Ang traydor na prinsepe ng kadiliman" nakangising sabi ko din

"Tingnan mo yung mga kasama mo, naghihirap na sila dahil sa ginawa namin. Nasaan na nga pala yung lider nyo. Naduduwag na siguro sya sa amin"mapangasar na sabi ni Chen

"Ako? Maduduwag sa inyo? Asa kayo" bigla nalang lumitaw yung lalaking hinahanap namin sa tabi ni Travis

"Kamusta, kapatid?" Tanong nya kay Travis

"San ka galing, Alexander?"tanong ni Travis

Magkapatid sila? Bakit pa nga ba ako magtataka eh parehas na parehas sila ng ugali

"Eshton, Chen. Kami na ang bahala sa isang lalaki kayo na ang bahala kay Travis."sabi ni Ella

Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo "No, paano kung mapahamak kayo sa kanya?" Nagaalala kong tanong

"Dalawa kami at isa lang sya. Remember, tigdalawa kami ng kapangyarihan ni Ella tapos may light magic pa na galing sa mommy mo at sa tingin naman namin ay black fire lang yung magic nya kaya kayang kaya namin sya"matapang na sabi ni Rhea

"Siguraduhin nyo lang na maigaganti nyo si Ashley sa Travis na yan, okay?"sabi naman ni Ella

Napilitan kaming tumango ni Chen at saka humarap sa magkapatid na walang emosyong nakatingin sa amin

Magkapatid nga! Laging walang emosyon!

"Siguro naman nakapagplano na kayo? Handa naba kayong mamatay?" Tanong ni Alexander

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now