Chapter 7

866 37 0
                                    

Ella POV
Nandito kaming lima sa hospital nitong academy, sumama sa amin si Travis kaya lima kami ditong nagbabantay kay Ashley

Ginagamot pa sya ng mga healer dito sa hospital habang kami ay nanonood lang sa kanila

Nagaalala na kami sa kaniya kasi hindi pa sya nagising simula nubg mahimatay sya kahapon

"Hindi talaga namin magamot ang mga sugat nya, may pumipigil sa amin"napatingin kami sa babaeng healer ng sabihin nya yon

"Diba kayo ang healer dito kaya dapat nyong gamutin ang mga studyante pero ngayon ay sasabihin nyo sa amin na hindi nyo sya kayang gamutin, manggagamot ba talaga kayo?!"nagulat kami sa sigaw na yon ni Eshton

Halatang galit na sya kasi hindi magamot yung sugat ni Ashley. Alam kong nagaalala sya sa kapatid nya kasi mahal nya ito at maaring sinisisi nya ang sarili nya dahil sya ang gumawa ng mga sugat ni Ashley

"Hindi na po talaga namin kaya, kahit anong gawin namin ay may pumipigil na magamot yung sugat"nakayukong sabi nung healer

"Ano pong pumipigil sa inyo?" Ako
na ang nagtanong kasi baka masigawan na naman sila ni Eshton

"Hindi po namin alam"

"Teka ano ito" napatingin kami sa isang healer na nakatingin sa bandang leeg ni Ashley kaya lumapit din kami

Nagtaka kami ng makakita ng malaking bilog na nakadikit sa leeg ni Ashley

"Sa tingin ko ay yan ang pumipigil sa atin sa paggamot sa kanya, sa pagkakatanda ko ay nabasa ko na yan sa libro at galing ya sa mga taga dark kingdom"sabi nung isang lalaking healer

Napatingin kami sa kanya na bakas ang gulat sa mukha namin at may halong pagtataka

Dark magicians? Sa pagkakatanda ko ay patay na silang lahat at imposibleng may nabuhay pa sa kanila kasi isinakripisyo ni tita Elliza ang buhay nya para mawala na ang mga dark magicians

"Paano mangyayari yon eh wala nang dark magicians ang nabubuhay?" Gulat na tanong ni Rhea

Walang nakasagot sa amin kasi hindi din namin alam ang sagot sa tanong nya

"Pumunta tayo kila mommy, kailangan natin sila" sabi ni Eshton na nakatingin kay Ashley

"Sino ang magbabantay kay Ashley kung pupunta tayo sa inyo?" Tanong ni Chen

Hindi pwedeng maiwan dito magisa si Ashley kasi baka mapahamak sya ulit

"Ako nalang ang magbabantay sa kaniya" napatingin kami sa likod namin at nakita namin si Travis na nakaupos sa sofa

Lumapit si Eshton sa kanya "sige, ikaw na ang bahala sa kapatid ko. Babalik din kami agad" sabi nito at saka nagteleport na at nagsunudan naman ang iba pati narin ako

Nung makarating kami kila tito Dark ay agad namin silang hinanap at natagpuan namin sila sa dining area

"Mom, dad" tawag ni Eshton sa mga ito

Agad na humarap sila sa amin at napangiti ng makita kami kaya ngumiti din kami sa kanila

"Bakit kayo nandito?" Tanong ni tita Elliza

Lumapit kami sa kanila at saka naupo sa tabi nila "mommy ayaw pong magamot nung mga sugat ni Ashley" sabi agad ni Eshton

"Bakit sya nagkasugat?"tanong ni tito Dark at napayuko naman si Eshton

"Kasi po naglaban po sila ni Eshton tapos ayaw po magamot nung sugat ni Ashley tapos nahimatay po sya. Sinubukan po namin na ipagamot sya sa mga healer pero hindi din po magamot"sabi ko sa kanila at nakita ko na nagtaka sila

"Imposibleng hindi magamot ang mga sugat nya" nagtatakang sabi ni tita Elliza

"May nakita po kaming bilog na marka sa leeg nya at sabi po nung healer ay nabasa nya daw po yun sa libro at mga dark magicians daw po ang may gawa non"sabi ni Chen

Nakita namin na nagbago ang emosyon sa mulha nila at para silang may malalim na iniisip

"Tita, is it possible na may mga dark magicians pa?" Sa tanong nayon ni Rhean ay napatingin kami sa kanya at inisip ko ang sinabi nya

Kung may marka sa leeg ni Ashley at ang mga dark magicians ang gumagawa non, posible nga kaya na may mga dark magicians pa?

"Namatay na ang lahat ng dark magicians dito sa mundong ito dahil sa ginawa ko, maaaring may natirang dark magicians dito kung wala sila nung mga panahon na ginamit ko yung kapangyarihan ko. Maaring may natira sa mundo ng tao"sa sinabing yon ni tita ay lahat kami ay napatigil

Ibig sabihin ay hindi pa kami ligtas dahil may mga natitira pang dark magicians at maaaring magkaroon pa ng paglalaban

"Maghanda kayo, hindi tayo nakakasiguro kung nandito na ang mga dark magicians"sabi ni tito Dark

"Si Ashley po"sa sinabi kong iyon ay bumalik ang pagaalala sa mukha nila

"Sasama kami sa academy, ako ang magtatanggal ng marka na iyon. Halina kayo baka mapahamak pa ang anak ko"sabi ni Tita at nagteleport na sila ni tito kaya nagsunudan na kami

Nung makarating kami sa hospital nitong academy ay agad naming nilapitan si Ashley at nagalala ako ng makitang may mga dark circles narin sa mga braso nya

"What happened to her?" Tanong ni Eshton kay Dane

"I don't know, nakita nalang namin na kumakalat yung mga black circles sa katawan nya"sagot nito havang nakatingin kay Ashley

Nakita ko na parang sinusuri ni tita yung mga black circles sa katawan ni Ashley "lumabas muna kayo, ako na ang bahala sa kanya"sabi nya kaya nagsilabasan kaming lahat pwera sa kanila ni Tito

"Shit, paano nagkaroon non si Ashley?" Nagaalalang tanong ni Eshton sa sarili nya

Kung nalagyan non si Ashley ay posible na may nakalapit sa kanya na dark magicians, tumingin ako kay Travis na walang emosyon habang nakatingin kay Eshton

"Diba ikaw ang naiwan kasama ni Ashley sa cafeteria kanina, may nakalapit ba sa kanya?"tanong ko dito at napatingin naman ito sa akin

"I don't know, nakatulog din ako kanina" sagot nito saka nagiwas ng tingin

Kung ganon ay mahihirapan kaming malaman kung sino ang naglagay non sa kanya. Kung dito nailagay kay Ashley yon ay ibig sabihin lang non ay may dark magicians dito sa academy

"Maayos na ang lagay nya" napatingin kami sa mga lumabas ng pinto at nakita namin don si tita Elliza na nakangiti sa amin kaya napangiti din kami

"Gising na po ba sya?" Tanong agad ni Rhea

"Hindi pa pero maya maya lang ay gigising narim sya"

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now