Chapter 5

954 45 5
                                    

"itutuloy natin ang discussion natin kahapon"sabi ni prof at nakinig nalang ako kahit alam na alam ko na ang mga tinuturo nya

Marunong parin akong rumespeto kahit mas mataas yung katungkulan ko sa iba kasi pinalaki kami ni mommy at daddy na marunong rumespeto

"Nagkaroon ng anak ang mga reyna at hari na ngayon ay alam kong kilala nyo dahil classmates nyo sila. They are Prince Eshton and Prince Chen then Princess Rhea, Princess Ella at Princes Ashley"napayuko nalang ako ng tumuon ang tingin nila sa amin

I hate attentions. Gusto kong ituring nila kami na parang normal na studyante lang at hindi mga prinsepe at prinsesa kasi dito sa academy ay dapat pantay pantay

"Pinaniniwalaan rin na wala ng nabubuhay na taga-dark kingdom dahil wala ng nakita mula ng matapos ang huling digmaan"

Kung wala na talagang taga-dark kingdom edi ang ibig sabihin ay hindi kalaban yung naramdaman ko kahapon. Baka tama si Eshton na stalker ko lang yon.

"Tsk" narinig ko sa likod ko kaya tiningnan ko ito at agad akong nabwisit ng makita na sa Dane yon

Wala na, sora na ang araw ko kasi nakita ko na naman sya

"Tingin?"masungit na tanong nya ay agad akong nainis don

"Masama ba tumingin huh?!" Inis na bulong ko kasi baka marinig ako ni prof

"Oo" sagot nya na mas ikinainis ko

Magsasalita pa sana ako ng marinig ko na tumunog na yung bell namin na hudyat ng labasan na

"Ashley tara na" yaya ni Eshton kaya tumayo na ako sa pagkakaupo ko

"Travis tara na kumain" yaya ni Chen at tumango lang ito at hindi nagsalita

Sabay sabay kaming lumabas ng room saka dumiretsyo sa cafeteria at pagpasok namin ay narinig na naman namin yung tilian ng mga studyante dito

"Chen ang gwapo mo"

"Eshton, be mine"

"Ang ganda talaga ni Rhea"

"Oo nga pati si Ella"

"Ang ganda mo, Ashley. I love you" gulat akong napatingin dun sa lalaking sumigaw ng pangalan ko na nagsabi din sa akin ng I love you

Nakita ko yung isang studyante na nakaupo kasama ang isang kumpol ng kalalakihan at nakangiting nakatingin sa akin kaya naiilang na nginitian ko rin sya

Napatingin ako kay Eshton ng maglabas sya ng apoy sa kamay nya at pinalutang ito sa ibabaw non saka tumingin don sa lalaki

"Gusto mo bang sagutin nitong apoy ko ang I love you mo huh?"tanong nya dun sa lalaki na parang natakot naman at saka umayos ng pagkakaupo at umiwas ng tingin

"Yan kasi dapat kay Ella o Rhea ka nalang, maganda rin naman sila eh"sabi nung isang lalaki na tinapik pa yung lalaking nagsabi sa akin ng I love you

Nagulat nalang kami at yung mga lalaki na nakaupo sa table ng biglang may dalawang kapangyarihan ang bumagsak sa table nila dahilan para mabutas ito at ng tingnan ko kung kanino nanggaling ay napangiti nalang ako

Kay Eshton at Chen

Haysss..... Napaghahalataan talaga sila, selos agad eh

"Tama na yan" awat ko sa dalawa kasi baka magkaroon pa ng away dito. Mukhang galit na galit pa naman si Eshton at Chen

"Tara na kumain" sabi ni Rhea at hinila na si Chen palapit sa counter kasi nanatili ang masamang tingin nito sa mga kalalakihan

Nung makita kong sumunod na sila Ella at Eshton ay napailing nalang ako kasi hindi man lang ako niyakag!

Tumingin ako sa mga kalalakihan na ngayon ay lumipat na ng lamesa"sorry sa nagawa nila kasi naman eh nagselos ang mga yon kaya wag nyo nalang pansinin sila Ella at Rhea para hindi na ulit yon mangyari"sabi ko at nginitian naman nila ako

"Eh ikaw pwede?"

"Oo nga"

"Wala namang may gusto sayo sa dalawang iyon kasi imposible naman kaya baka ikaw nalang ang pwede namin pansinin"

"pwede ba manligaw?"

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa mga pinagsasabi nila habang sila ay nakangiting nakatingin sa akin pero nagtaka ako ng tumingin sila sa likod ko at agad na nagsiiwasan ng tingin

"Wag na pala"

"Di bale nalang mahal ko pa ang buhay ko"

"Oo nga, marami pa akong misyon dito sa mundo"

Nagtaka ako sa mga pinagsasabi nila kaya napatingin ako don at nakita ko si Dane na nakatayo sa likod ko at walang emosyon

Anong problema ng mga lalaking ito at parang natakot? Wala namang nakakatakot sa likod ko ahh kasi si Dane lang yon nandoon

Hindi na ako takot kay Dane kasi napalitan na yon ng inis ko sa kanya, siguro nakakatakot yung awra nya pero narealize ko na bakit ako matatakot sa kanya eh ako ang pinakamakapangyarihan dito

"Ashley, pumunta ka na dito at qag ka ng makipag-usap sa mga yan"rinig kong sabi ni Eshton kaya lumapit na ako sa kanila at nagorder narin ng pagkain ko

Nung makaupo kami ng kagaya ng pwesto namin kahapon ay isinandal ko yung ulo ko sa braso ni kuya saka ako humikab

"Eshton, inaantok ako" sabi ko sa kanya at saka pumikit

Hindi kasi ako nakatulog ng ayos kagabi dahil sa kakaisip nung nangyari kagabi kaya halos magdamag akong gising

"Kumain ka muna bago ka matulog, matagal pa naman bago ang klase natin" sabi nya

Umayos ako ng upo at saka nagumpisa kumain at nung matapos ako ay sumadal na ulit ako sa braso ni Eshton saka pumikit para matulog

Nagising ako ng pakiramdam ko ay may tumatapik sa mukha ko"wake up"rinig ko kaya iminulat ko yung mata ko at saka umayos ng upo saka tumingin kay Eshton

"Esh--Dane?" Gulat na sabi ko ng malaman hindi si Eshton ang nasa tabi ko at sinandalan ko para makatulog

"What?" Tanong nya

"Why are you here?" Inilibot ko yung mata ko sa paligid at kami nalang yung natira dito sa cafeteria kasi kahit sila Eshton ay wala dito

"Where's Eshton?" Tanong ko pa pero tiningnan nya lang ako saka tumayo sa pagkakaupo tapos ay lumabas na kaya sumunod nalang ako

Iniwan ako ni Eshton?! At kay Dane pa talaga? Nakakahiya kaya!

Akala ko kay Eshton parin ako nakasandal pero nagising ako na kay Dane na ako nakasandal

'Lagot ka sa akin Eshton!' sabi ko gamit ang telepathy at sigurado akong narinig na yon ni Eshton

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now