Chapter 64

445 17 3
                                    

Kitang kita ko ngayon kung paano tumutulo yung luha nya habang patuloy parin na nanonood

Ipinapakita ko lahat ng kasamaang ginawa ng tatay nya sa mundong kinalakihan ko

Ipinakikita ko yung naganap na digmaan kung saan nagsakripisyo si mom para mabuhay ang mga light magicians. Kung paano sya namatay dahil sa ginawa nya

Buti nalang talaga, may kakayahan ang tubig magpakita ng mga alaala sa nakaraan

Kusa nalang nawala yung tubig ng matapos nito ipakita ang lahat. Tumingin ako kay Dane

"Ngayon na nakita mo na. Alam mo na ang tunay na nangyari. Alam mo na na yung tatay mo ang may kasalanan ng lahat. Sya ang may kasalanan kung bakit sya namatay"

Hindi sya sumagot, nananatili lang syang nakatulala sa kawalan habang yung luha nya ay tumutulo

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko habang nakikita ko sya na lumuluha

Pakiramdam ko ay maiiyak narin ako habang nakatingin sa kanya

Ngayon ko lang sya nakitang umiyak. Malimit na wala syang emosyon o nakangisi lang sya pero hindi ko alam na magiging masakit pala na makita syang naiyak

Kahit kaaway ko sya ay hindi ko napigilan na lapitan sya saka yakapin sya. Kaaway ko man sya pero mahal ko sya

Naramdaman ko rin na yumakap sya sa akin "a-akala ko ma-mabait sya. A-akala ko yung ma-magulang mo yung ma-masama. A-akala ko.....akala ko--"

Pakiramdam ko ay hirap na hirap sya magsalita habang umiiyak sya. Nararamdaman ko na gumagalaw yung balikat nya at nababasa yung damit ko kaya hindi ko rin napigilan ang umiyak

Kumawala ako sa yakap nya at saka ko sya hinawakan sa mga pisngi nya at tiningnan sya ng diretsyo

Sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Paano ko sasabihin sa kanya na ayos lang ang lahat kung alam ko naman na hindi. Paano ko sasabihin na magiging maayos lang ang lahat kung hindi ko naman alam kung paano ito magiging maayos

"Nandito lang ako" hindi ko alam kung akma ba yon sabihin sa sitwasyon namin ngayon

Magkaaway kami, nagmula kami sa magkaibang palasyo. Nagmula kami sa magkaaway na pamilya. Yung magulang ko ang pumatay sa tatay nya

Umalis sya sa harapan ko at saka tumalikod sa akin "nakagawa ako ng masama. Nakasakit ako ng mga mabubuting magicians. Pinagtangkaan ko ang buhay ng mga magulang at kaibigan mo. At higit sa lahat ay sinubukan kitang patayin" humarap ulit sya sa akin at kitang kita ko kung paano sya manlumo "sabihin mo sa akin ngayon na nandito ka lang sa tabi ko kung alam naman natin na kaaway kita. Ashley, sinubukan kitang patayin! Dapat magalit ka sa akin"

Paano ako magagalit sayo kung alam ko na lagi kitang gustong makita? Paano ako magagalit sayo kung ikaw lagi yung hinahanap ko? Paano ako magagalit sayo kung makita lang kita ay nawawala na yung galit ko

"Paano ako magagalit sayo kung mahal kita?"tanong ko sa kanya at nakita ko naman na natigilan sya

"Alam mo ba na gustong gusto ko magalit sayo ngayon. Sinong tanga ang handang magpatawad sa taong gustong patayin ang magulang at kaibigan nya? Sinong tanga ang kayang patawarin ang kaaway nya na muntik ng pumatay sa kanya? Dane, ako lang yon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lagi nalang ako umaasa na magiging mabait ka sa akin. Lagi nalang ako umaasa na magagawa mo akong mahalin kahit ipinamukha mo sa akin na hindi mo ako mahal at nagpapanggap ka lang"

Desperada na kung desperada pero gagawin ko ang lahat para magbago sya

Hindi ko sya kayang patayin at kalabanin sa digmaan. Mahal ko sya!

"Hindi ako nagpanggap"agad akong napatingin sa kanya nung sabihin nya iyon at ayon na naman yung pagbilis nung tibok ng puso ko dahil sa kaba

"Oo, nung una sinubukan ko na magpanggap pero hindi ko magawa nung nakita na kita. Hindi ko kayang magkunwari tungkol sa nararamdaman ko sa iyo. Hindi ko kayang magkunwari na hindi kita mahal kung alam ko naman sa sarili ko na mahal kita higit pa sa buhay ko"

Muli akong napaluha dahil sa narinig ko. Hindi ko alam ngayon ang gagawin ko. Gusto ko syang yakapin. Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ako

Sobrang sobrang kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon. Sino ang hindi magiging masaya kung maririnig mo yung taong mahal mo na sabihin na mahal ka din nya

Mas nagulat ako ng bigla nalang syang lumuhod sa harapan ko at hinawakan yung kamay ko

Tumingin sya sa akin ng diretsyo habang patuloy na umiiyak "patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko. Patawarin mo ako kung sinubukan kitang patayin. Patawarin mo ako kung ginusto kong patayin ang magulang mo"

Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Yung makita ko syang nakaluhod ngayon sa harap ko at nagkikiusap na patawarin sya ay parang napakasakit para sa akin

"Mahal kita" sagot ko sa kanya "pinapatawad kita kasi mahal kita pero hindi ko alam kung mapapatawad karin ng mga kaibigan ko at ng mga light magicians dahil sa ginawa mo"

Magkakaiba ang pagiisip ng bawat magicians dito at hindi ko masasabing mapapatawad din nila si Dane lalo na at hindi basta basta ang ginawa nito sa kanila

Tumayo sya at niyakap ako "Pangako. Magbabago ako, hindi na ako gagawa ng masama. Hindi na ako mananakit ng walang kasalanan"

Napahiwalay agad ako sa kanya nung may maalala ako "dark magician ka, may kapatid ka. Kaya mo ba silang iwan? Kaya mo ba silang kalabanin?"

Kitang kita ko kung paano sya natigilan, kung paano sya napaisip. Sa nakikita ko ay ngayon nya lang naalala na sya ay prinsipe din ng mga dark magicians

"Dane, alam naman natin na may darating na digmaan. Magkalaban tayo. Magkaaway. Hindi natin kayang pigilan yung digmaan. Isang grupo lang ang pwedeng manalo. Isa lang sa mga light magicians at dark magicians. Alam ko na hindi nyo hahayaan na may mabuhay pang light magicians kapag kayo ang nanalo, pero Dane kasama ako sa mga light magicians. Kaya naming light magicians na mabuhay na kasama kayo hanggang sa walang gulong mangyayari pero kayo ay hindi. Hindi natin kayang pigilan ang digmaan pero anong gagawin mo?"pagpapaintindi ko sa kanya

"Hindi ko alam. Dark magicians ako pero hindi ko na kayang manakit ng mga light magicians. Kapatid ko si Alexander at hindi sya kayang patayin pero hindi rin kita kayang patayin kasi mahal kita"

-------
Last update bago ang module. Hindi ko alam kung kelan ang next update kasi may darating na module at kailangan ko na mag focus don

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now