Chapter 33

411 16 0
                                    

Hayyysss!!!! Ang aga aga pero ginising na ako ni Eshton dahil kailangan na daw naming umalis

Natatamad pa akong bumangon eh. Alas kuwatro palang ng umaga pero nandito na kami sa gate agad

Nakakairita naman kasi eh! Inaantok pa talaga ako kaya eto, papikit pikit pa kami

Actually, hindi pa kami naalis kasi iniintay pa namin si hm para buksan ang gaye na ito

Sinara kasi nila para hindi din agad makapasok yung mga dark magicians

Hindi ko nga alam kung paano nakapasok yung mga dark magicians, may barrier naman kaming nilagay dito

Nilibot ko yung tingin ko sa paligid at huminto yon sa itaas ko, tinitigan ko iyong mabuti hanggang sa may mapansin ako

"Wala na ang barrier" nasabi ko nalang

Ginamit ko ang hangin para makalipad ako at makumpirma kung tama ba ang hinala ko at hindi naman ako nagkamali

"Ibig sabihin ay nabasag nila yung barrier nung sumugod sila dito"sabi ni Ella pagkababa ko

"nandito na pala kayo" napatingin kami sa likuran namin at nakita namin don si hm na kasama si Dane

"Kanina pa nga po kami nagiintay sa inyo dito eh" hindi ko naitago ang inis ng sabihin ko yon

"Naiinis ka na naman" sabi ni Dane na lumapit pa sa akin

Tiningnan ko sya "bakit ka nandito?" Takang tanong ko

"Para magpaalam sa mahal ko" walang emosyon nyang sinabi pero pakiramdam ko ay mukhang kamatis na ang mukha ko

"Tsk" nasabi ko nalang at saka tumingin kay hm

Binuksan nya na yung gate kaya naglakad na kami papunta don pero hindi pa kami nakakalabas ng mapatigil ako kasi may humawak sa braso ko

"Magiingat ka" sabi nya

"Nasabi mo na yan kahapon" sabi ko

"Alam ko pero kailangan kong sabihin ulit kasi uto uto ka pa naman, ang dali mong maniwala"ikinataka ko ang sinabi nya

Ako uto uto? Hindi naman ako madaling maniwala ahhh, hindi nga ba?

"Oo na, aalis na kami" sabi ko at saka sya tinalikuran na para sumunod kila Eshton pero hindi pa ako nakakalayo ng hilahin nya na naman ang braso ko at ngayon ay yakap nya na ako

"Kung pwede nga lang talaga ako sumama don para mabantayan kita" bulong nya pa

Kung pwede nga lang kita isama, edi sinama na kita. Pakiramdam ko ay mas kumportable akong kumilos kung kasama ko sya kaso hindi pwede eh. Hindi ko kayang hayaan na may madamay pang iba

"Magiging ayos lang ako" tiningala ko pa sya at saka tinitigan sa mata nya

"Kapag bumalik ka dito ng may sugat ka, lagot ka sa akin" nagulat nalang ako ng halikan nya ako sa labi saka ako itinalikod sa kanya saka bahagya akong itinulak palakad

Pero pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa nya pero dahil sa hiya kay hm na nakakita ng nangyari ay naglakad nalang akong palabas

"Bakit ka namumula?" Tanong ni Rhea

"Ahhhh wala, naiinitan lang ako" sabi ko at nanguna maglakad kahit hindi ko naman alam kung saan kami pupunta

Ito ang hirap sa misyon na ito eh, hindi namin alam kung saan kami pupunta kaya hindi namin alam kung kailan kami matatapos

Ilang oras na kaming naglalakad pero wala parin kaming nakikita kahit isang lugar dito, nangangalay na nga ang paa ko eh

"Ang sakit na ng paa ko" reklamo ko at umupo na talaga ako sa damuhan dito

"Tumayo ka na diyan, baka abutin tayo ng gabi dito" sabi ni Eshton na inalalayan pa akong tumayo

"Hindi ko na kaya"reklamo ko sa kanya

"Pero kailangan natin makahanap ng maayos na tulugan, hindi tayo makapagtatayo ng tutulugan natin dito kasi puro puno dito"sabi nya

"Buhatin mo nalang ako"pakiusap ko pa sa kanya at saka ako ngumuso

"Ayoko nga, ang bigat bigat mo. Lumipad ka nalang" napangiti ako ng makita ko na tumingin sya kay Ella na mukhang pagod narin

Kagaya ng sinabi nya ay ginamit ko nalang ang kapangyarihan ko, gumawa ako ng bubble at saka ako pumasok don at naupo habang lumilipad

Bakit ba hindi ko naisip agad ito, edi sana hindi ako napagod agad...tsk

"Ayaw nyong lumipad?" Tanong ko sa kanila

Mas madaling lumipad nalang kasi hindi na nga kami mapapagod, nakikita pa namin ng ayos yung pinupuntahan namin

Kung alam ko lang talaga kung saan kami pupunta edi sana nagteleport na ako kanina pa

"Hayssss pagod na nga rin ako eh" sabi ni Ella na bigla nalang lumutang at alam ko na ginamit nya yung air power nya

"Ako rin" sabi ni Rhea at katulad ko ay gumawa din sya ng bubble saka pumasok don at naupo

Si Chen naman ay pinalabas nya ang ice wings nya at saka lumipad

Si Eshton naman ay ginamit din ang air power nya para lumutang at pumantay pa talaga kay Ella at saka hinawakan ang kamay nito

"Para paraan talaga itong si Eshton eh" sabi ko

"Kung sinama mo kasi si Travis edi may kasama ka sana sa bubble mo"pangaasar ni Rhea kaya inirapan ko sya

"Eh kung papasukin mo din kaya si Chen diyan sa bubble mo edi sana magkatabi na kayo at sweet kagaya ni Ella at Eshton"pangaasar ko rin at nakita ko ang pagpula ng mukha nya

"Tigilan mo nga ako" sabi nya pero nginisian ko lang sya

"Bakit kasi hindi mo pa sagutin?" Pangaasar ko

"Ahhh kasi..... Kasi.....wala lang"

"Wala lang o hindi mo alam kung paano mo sya sasagutin?"

"Ano ka ba? Kakaumpisa pa lang nya manligaw kaya maghirap muna sya. Diba sabi nga ng iba na ang babaeng pinaghihirapan ay hindi pinakakawalan"

"Naniniwala ka naman kasi sa paniniwala ng iba eh kung sinasagot mo na yan kasi parehas naman kayong may feelings sa isa't isa"

Buti nalang talaga at medyo malayo sa amin yung tatlo kaya hindi kami naririnig

"Hindi ko pa rin naman kasi alam kung seryoso sya sa akin eh"

"Kung hindi ka naniniwala sa kanya edi sa akin ka maniwala, alam ko na seryoso sya sayo. Sa paraan pa nga lang ng pagtingin nya sayo ay halata na na may gusto sya sayo eh"

Hayysss. Eto na naman ako, nagiging si cupid na naman ako pero ako mismo ay walang love life

Nagulat ako ng biglang lumabas ang mukha ni Dane sa isip ko kaya napailing ako ng sunod sunod

Anong ibig sabihin non?

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now