Chapter 45

303 16 0
                                    

Ashley POV
Masaya akong umuwi sa dorm namin dahil hindi ko man napapayag yung mga dark magicians sa pagtigil sa pagsugod sa amin ay naiganti ko naman yung mga namatay na light magicians

Nakangiti ko silang tiningnan pero ng humarap sa akin si Eshton ay nagtaka ako ng galit nya akong tiningnan

"ASHLEY XAREIN STEVE, YOU'RE GROUNDED FOR TWO MONTHS!!"

Unti unting nawala yung ngiti ko sa sigaw nyang yon at napaupo ako sa sofa namin at pagod silang tiningnan

"Ano na naman ang nagawa ko para magrounded na naman ako?" Nakasimangot na tanong ko

Napapagod ako tapos yan yung isusulubong nya sa akin. Hindi man lang nya tinanong kung okay lang ba ako

May mga sugat pa ako oh! Hindi man lang ba nya nakikita! Imbis na gamutin ako, ganyan ang sasabihin nya

"Tinatanong mo kung anong ginawa mo? Gusto mo isa isahin ko pa! Una, umalis ka ng walang paalam. Pangalawa, hindi man lang namin alam kung saan ka pumunta. Pangatlo, pinagalala mo kaming lahat. Pangapat, pinaghanap mo kami maghapon. Panglima, pinagod mo kami sa paghahanap. At panghuli sa lahat ay napagbintangan kang pumatay kay Mitch dahil sa pagbabanta mo sa kanya. Ngayon sabihin mo na wala kang naga--"

"What?! Patay na si Mitch?"gulat na tanong ko

Sa lahat ng sinabi nya ay yon lang ang nakakuha ng pansin ko. Patay na si Mitch at ako ang may kasalanan

"Oo. Natagpuan syang patay at ikaw ang sinisisi ng halos lahat ng studyante dito"sagot ni Ella

Napatayo ako at saka sila seryosong tiningnan "wala akong alam sa pagkamatay nya. Hindi ko nga sya nakita ulit simula ng magtalo kami. Pumunta ako sa mga dark magicians ngayon at sigurado ako na hindi ko sya nakita kaya hindi ako ang pumatay sa kanya!"sigaw ko

Aba! Pumunta lang ako sa tahanan ng mga dark magicians tapos paguwi ko ay napagbintangan na agad ako na pumatay

Oo, pumapatay ako pero yung mga kaaway lang at para narin iligtas ang mga kakampi namin. Hindi ko magagawang pumatay ng kakampi namin!

Naging kaaway ko sya pero hindi sapat yon para patayin ko sya dahil kakampi parin namin sya

"Alam namin pero hindi naniniwala sayo ang ibang studyante dito" sabi naman ni Rhea

"Galing ka sa mga dark magicians?!"galit na tanong ni Eshton at nanghihina naman akong tumango at umupo ulit

Ano na ang gagawin ko? Hindi ako ang pumatay sa kanya! Wala akong alam pero ako ang napagbintangan

"Pumunta ka don ng hindi namin alam at hindi ka manlang nagpapaalam! Ano bang klaseng isip ang meron ka?! Paano kung napatay ka don? Paano kung napahamak ka?!"

Inis kong tiningnan si Eshton dahil sa pagsigaw nya. Kanina nya pa ako sinisigawan. Hindi man lang muna ako gamutin

"Ano naman kung hindi ko sinabi sa inyo?! Nakauwi naman ako ng buhay diba? May mga sugat lang ako pero buhay pa ako kaya wag mo akong sigawan ng sigawan na para bang may nagawa akong napakalaking kasalanan!"sigaw ko rin sa kanya

Ewan ko ba kung bakit ko sya sinigawan. Pagod lang siguro ako at ayaw ko makarinig ng kung anu-ano ngayon lalo na't may problema na naman ako

"Nagaalala lang naman kami sa iyo. Maghapon kaming naghanap kasi nagaalala kami sa iyo pero wala naman kaming nakita"sabi ni Rhea

Inis ko syang tiningnan "Bakit sinabi ko ba na hanapin nyo ako? Wala naman akong sinabi na magalala kayo sa akin at hanapin ako. Kasalanan nyo na na napagod kayo dahil sa paghahanap kaya wag nyong isumbat sa akin yan!"

"Ano ba Ashley. Yung bibig mo. Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo"

Tiningnan ko si Ella "Bakit? Wala na ba akong karapatan na magsalita ngayon? May bibig ako kaya may karapatan ako magsalita ng kahit na akong gusto ko. Kung ayaw nyo na magsalita ako ay wag nyo akong kausapin!"

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Nagaalala lang naman kami sayo!"

"Sinabi ko ba na magalala kayo huh Chen? Inutos ko ba yon sa inyo?!"

"Ashley. Manahimik ka na hindi na ako natutuwa sa iyo. Hindi mo na ata iniisip yang sinasabi mo bago ka magsalita!"sabat ulit ni Eshton

"Ikaw ba inisip mo din yung mga sinasabi mo? Pagkadating na pagkadating ko dito ay sinalubong ko kayo ng may ngiti pero anong sinabi mo? Grounded ako? Binungangaan mo ako ng hindi mo manlang iniisip yung kalagayan ko! Hindi mo ba nakikita na may mga sugat at nanghihina pa ako?! Hindi mo nga manlang ako tinanong kung okay lang ba ako kasi inuna mo muna na pagalitan ako! Naiintindihan ko naman na nagaalala kayo sa akin eh pero sana inisip nyo muna yung kalagayan ko! Hindi nyo ba naisip na nagaalala rin ako sa mga studyante dito kaya pumunta ako sa dark magicians para makiusap sa kanila pero hindi sila pumayag kaya napilitan akong makipaglaban para sa inyo. Pagkadating ko dito ay papagalitan nyo ako tapos malalaman ko na pinagbintangan na pala ako na pumatay kay Mitch kahit wala akong alam sa nangyari. Hindi ko sinabi sa inyo na pupunta ako sa mga dark magicians kasi alam ko na sasama kayo. Ayaw ko lang naman kayo sumama kasi natatakot ako na baka mapaano kayo. Natatakot ako na madamay pa kayo pero ito ang dinatnan ko sa inyo! Yung mga sermon nyo na hindi ko kailangan! Hindi mo nga manlang naisip na gamutin muna ako kasi nanghihina pa ako ngayon kaya hindi ko magamot ang sarili ko."mahabang sabi ko ng hindi ko namamalayan na tumutulo na pala yung luha ko

Hindi kami malimit na nagaaway kasi lagi kaming nagkakaintindihan at nagdadamayan pero ngayon ay hindi ko napigilan ang sarili ko

"Ashley" sabi ni Eshton na parang hindi alam ang sasabihin nya

"Grounded ako ng two months? Sige. Kung yan ang ikasasaya mo"

Tinalikuran ko sila lahat at saka pumasok sa kwarto ko at nilock yon

Kumuha ako ng damit ko at saka naligo habang nililinis yung mga sugat ko

Hindi ko pa kayang gamutin yung mga sugat ko kasi nanghihina pa ako. Kailangan ko muna magpahinga kaya lilinisin ko nalang muna

Naligo narin ako at inantay na matuyo yung buhok ko at saka ako nahiga sa higaan ko para matulog

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now