Chapter 36

373 15 0
                                    

Ilang oras na nga ba ulit kami naglalakbay? Kanina pa kami paikot ikot sa mundong ito pero wala parin kaming nakikita

San ba kasi nakatira ang mga dark magicians? Napapagod na kaya ako

Ayun!! May nakita akong dark magician, sigurado akong dark magician ito kasi nakaitim sya. As in naka-all black sya

Lumipad ako pababa para lapitan yung dark magician

"Hoy san ka pupunta?" Tanong ni Eshton na sumunod sa akin

"May naisip na akong paraan" sabi ko

Bumaba ako sa likod ng dark magician saka sya kinulbit at nung humarap sya ay nginitian ko sya pero agad nawala yon ng itapat nya ang espada nya sa akin

"Sino ka? Sino kayo?" Galit na sabi nya

Agad kong itinaas ang dalawa kong kamay na parang sinasabing sumusuko ako. Nakahighblood naman kasi nya eh

"Kami ang prinsesa ng iba't ibang kaharian" nakangiti kong sabi at medyo umatras ako habang nakataas parin ang kamay

Aba! Baka saksakin ako nyan!

"Anong kailangan nyo sa akin?"

"Maaari bang samahan mo kami sa inyong tirahan, nais lang namin makausap ang inyong pinuno"

"Wala kayong mapapala sa akin. Hinding hindi ko kayo dadalhin don kahit ano pa ang gawin nyo sa akin"matapang na sabi nya habang nakatutok parin sa akin ang kanyang espada

"Umatras kayo" utos ko kila Eshton na agad naman nilang ginawa

Umatras din ako ng tatlong hakbang saka nagpalutang ng mga spikes gamit ang ibat ibang uri ng kapangyarihan ko sa paligid ko habang hindi ginagalaw ang katawan ko

"Naisin ko lang na itusok lahat yan sayo ay magagawa ko ng hindi ginagalaw ang anumang parte ng katawan ko at hindi napapagod. Sinisigurado ko sayo na mamamatay ka kapag ginawa ko iyon. Dadalhin mo ba kami sa pinuno nyo o itutusok ko lahat ng ito sayo?"nakataas ang kilay na tanong ko

Actually, wala naman talaga akong balak na saktan sya, tinatakot ko lang sya pero kapag may ginawa sya na hindi kanais nais ay hindi ako magdadalawang isip na itusok ang mga spikes sa lahat ng parte ng katawan nya

"Da-dadalhin ko na ka-kayo" parang takot na takot na sabi nya kaya napangisi ako at saka pinaglaho lahat ng spikes ko

"Maglakad ka na" utos ko dito na agad naman nitong ginawa kaya sumunod kami

"Ang galing mo mangkumbinsi ah" sabi ni Rhea at Ella na pumapalakpak pa at tatawa-tawa ko naman silang kinindatan

Nagumpisa ang paglalakbay ulit namin hanggang sa makarating kami sa malawak na lugar na hindi ko maintindihan kung anong lugar ito

Magulo. Sobrang gulo. May mga nagaaway at yung iba ay nagpapatayan na. May mga nanonood sa kanila na parang tuwang tuwa pa.

May mga nagiinuman pa na tuwang tuwa habang nanonood sa mga babaeng halos maghubad na dahil mga nakapanty at bra lang

Agad kong iniiwas ang paningin ko don pero halos pagsisihan ko yon ng mga dark magicians naman ang nakita ko na nag.... My innocent eyes!!!

"Wag mo silang tingnan, lagot ka kay Travis" bigla nalang dumilim ang paningin ko at narinig ang boses ni Eshton

"Mga kaaway" agad kaming napaatras ng biglang sumigaw yung lalaking kasama namin at lahat ng atensyon ng mga dark magicians ay napunta sa amin at sobrang sama ng tingin sa amin

Agad nagsipaglabasan ng espada ang mga ito at lumapit sa amin kaya agad akong gumawa ng water shield palibot sa aming lima

"Anong ginagawa nyo dito?" Galit na tanong nung isa na nakikipaginuman kanina

"Wala kaming balak na masama sa inyo. Kailangan lang namin makausap ang pinuno nyo" sabi ko dito

"Anong nais nyo sa akin?"sabay sabay kaming napatingin sa lalaking biglang sumulpot at sabay sabay din namang yumuko ang mga tao dito

Sya? Kilala ko sya!

"Anong ginagawa dito ng mga hangal na prinsesa at prinsepe ng mga kaharian sa mundong ito"agad na naginit ang ulo ko dahil sa sinabi nya

"Wag na wag mo kaming tatawaging hangal" galit na sabi ko kaya nabaling ang atensyon nya sa akin

"Ang mahinang prinsesa, muli tayong nagkita"nakangisi nyang sabi

Nagkita na kami dati, sya yung lalaking nagtangka sa buhay ko ng kasama ko si Dane para gumawa ng gamot

"Ikaw pala ang pinuno ng mga dark magicians na laging nanggugulo sa aming nananahimik na buhay"sabi ko

"Ako nga, anong kailangan nyo at naparito kayo?"nakangising sabi nya

"Nandito kami para makipagusap ng maayos sa inyo" sabi ko

Tumawa sya ng malakas pero halatang peke "Ano naman ang paguusapan natin?"

"Itigil nyo ang ginagawa nyong panggugulo sa mga light magicians"seryosong sagot ni Chen

"Nagpapatawa ba kayo?"seryoso ding sagot nito

"Mukha ba kaming nagpapatawa?"nakataas ang kilay na tanong ni Ella

"Umalis na kayo dito bago pa kayo masaktan"nagpalabas sya ng black fire kaya nagpalabas din kami ng mga kapangyarihan namin

Aba! Eh kung basta nalang ibato yan sa amin. Mabuti na ang handa

"Mangako ka sa harap namin at sa harap ng mga tao dito na hindi mo na muling guguluhin ang mga naninirahan dito at hindi na muling sisirain ang kapayapaan dito"sabi ni Rhea

"Ano ako hangal? Ang mga magulang nyo ang may kasalanan kung bakit kami nagkaganito at kayo ang mananagot. Hindi hindi namin kayo titigilan hanggat hindi nauubos ang lahi nyo!"inihagis nya sa amin ang black fire nya kaya agad akong gumawa ng water shield

"Teleport" utos ko at sabay sabay namin itong ginawa

Nakarating kami sa harap ng gate ng academy at wala kaming nagawa kundi ang pumasok don

Bakit ayaw nila ng matahimik na buhay? Bakit sa magulang namin sinisisi ang nangyari sa kanila?

"Ashley" napatingin ako sa tumawag sa akin at napangiti ako ng makita ko sya

Tumakbo si Nate palapit sa akin at akmang yayakap na sya ng biglang may humawak sa braso ko at ang alam ko nalang ay nasa garden na kami

"Dane" sabi ko ng makita ko sya

"Balak ka pa talaga yakapin ng panget na yon"nakakunot ang noo na sabi nya pero napakunot din ang noo ko ng iikot ikot nya ako

"Ano bang ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko

"May sugat ka sa braso mo!" Gulat kong tiningnan ang braso ko at nagtaka ako ng makita na may maliit na sugat nga don

Baka hindi ko naipakita kay Eshton nung ginamot nya yung sugat ko

"Ang liit liit lang naman nyan eh" itinapat ko yung kamay ko sa sugat at pinagaling ito

"Diba sabi ko ay wag kang babalik dito na may sugat!"

"Bakit ka naninigaw? Katawan mo ba ang nasugatan?!"

"Hindi pero akin ka kaya kailangan mong ingatan ang sarili mo dahil mananagot sa akin ang ibang mananakit sayo"

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now