Chapter 68

462 21 0
                                    

"Gawin na natin ang dapat pa nating gawin" sabi ni Ella

Naghawak hawak kami ng kamay at saka sabay sabay na pumikit

"We are the royalties
From the powerful families
We lived in the world where we belong
We lived in this world where power exist"sabay sabay naming sabi

Nararamdaman ko ang kapangyarihan na lumalabas sa mga katawan namin at namumuo sa gitna namin

Naririnig ko ang sigawan ng mga studyante na tinatawag kami pero hindi namin yon pinapansin para matapos namin yung ginagawa namin

"Gods and Goddesses
We are here--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng makaramdam ako ng kirot na galing sa likod ko at bigla nalang akong napatumba

"Ashley!" Sigaw nila at saka mabilis na tinulungan akong tumayo

Ramdam ko ang init sa likod ko at alam ko na apoy ang tumama don

"Alexander" mahinang sabi ko

Nakirot yung likod ko at alam ko na may paso don dahil sa apoy pero agad din yong nawala ng ginamot ni Eshton ang likod ko

Tumayo ako at hinanap ko agad si Alexander pero nagulat ako sa nadatnan ko

Si Dane at Alexander, naglalaban sila

"Traydor ka! Wala kang kwenta" sigaw ni Alexander habang patuloy na nakikipaglaban sa kapatid nya

"Sawa na ako! Sawang sawa na akong gumawa ng masama at magpauto sa mga kwento nyong wala namang katotohanan"sigaw din ni Dane

Nakaramdam ako ng kasiyahan dahil alam ko na kami ang pinili nya. Pinili nya ang tama at kabutihan. Pinili nya ako

Tumakbo kaming lima at saka lumapit sa kanila para tulungan si Dane

"Ang mga hangal na prinsesa at prinsepe" sabi ni Alexander habang nakatingin sa aming tatlo

Tiningnan ko si Dane at kitang kita ko yung lungkot sa mga mata nya habang nakatingin kay Alexander

Hinawakan ko yung kamay nya "magiging okay lang ang lahat" sabi ko

Tumingin sya sa akin at saka pilit na ngumiti "ikaw ang pinili ko, kayo ang pinili ko."

"Thank you" sabi ko

Alam ko na mahirapa ng ginawa nyang desisyon pero proud akk sa kanya kasi pinili nya ang tama

Kung ako ang nasa katayuan nya ay baka mabaliw ako kung sino ang pipiliin ko

"Tingin nyo ba ay matatalo nyo ako?" Nakangisi nitong tanong

Nagpalabas sya ng mga kapangyarihan nya pati narin yung kapangyarihan na inagaw nya sa akin

"Sa tingin mo rin ba ay matatalo mo kami sa pamamagitan lang ng mga yan? Nagiisa ka nalang dito oh. Anim kami"sagot ko sa kanya

"Wala akong pakialam kung anim man kayo. Nasa akin ang kapangyarihan mo"

"Papatawa ka ba? Bulag ka ba para hindi mo makita na may kapangyarihan pa ako at sigurado ako na mas malakas payon sa meron ka ngayon"

Parang mas lalong nainis sya at bago pa ako makakilos ay nagpalabas sya ng black fire at binato sa direksyon ko

Iiwas na sana ako pero nagulat nalang ako ng may biglang humarang sa harapan ko at sya ang natamaan ng black fire

"Kiara!" Sigaw ko at agad ko syang nilapitan

Inangat ko yung ulo nya at saka inihiga iyon sa hita ko "bakit mo ginawa yon?" Umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa kanya na nanghihina

Nakikipaglaban na yung lima kay Alexander habang nakaupo ako dito at si Kiara ay nakahiga

"K-kasi yon nalang ang k-kaya kong g-gawin para m-makabawi sayo"nanghihina nyang sabi

"Pero wala ka namang kasalanan sa akin eh. Oo, dark magicians ka pero alam ko na hindi ka nila katulad"

Itinapat ko yung kamay ko sa tiyan nya at pilit na ginagamot yung sugat nya pero walang nangyayari

"H-hindi na yan tatalab, i-iligtas nyo yung pa-pamilya ko"sabi nya at dahang dahang pumikit yung mata nya at bigla nalang syang naglaho

Pinahid ko yung luha ko at saka ako tumayo at lumapit kay Dane.

"Wala na sya, ikaw nalang ang makakatulong sa akin para matalo natin ang kapatid mo. Tulungan mo ako please"naiyak na sabi ko

Bigla nalang nya akong niyakap at habang hinahaplos yung buhok ko

"Tutulungan kita" sabi nya

Humiwalay ako sa yakap nya at saka ko hinawakan yung kamay nya at bigla nalang kaming lumutang

Patuloy na nakikipaglaban yung apat kay Alexander habang kami ay nagkalutang

Biglang nagbago ang kasuotan namin, naging puting dress ang suot ko at si Dane naman ay nagbago din. Naging maayos ang itsyura nya at nagkaroon sya ng kapang kulay itim

Hawak ko ang kanang kamay nya at hawak nya naman ang kaliwang kamay ko at sabay kaming tumingin sa baba

Itinaas ko ang kanang kamay ko na may light nagic at sya naman ay ang kaliwang kamay nya na may dark magic

Pinagtapat namin yung kamay namin habang nakatingin kami sa isa't isa

Parang hinihigop yung kapangyarihan ko dahil kusa itong lumalabas sa katawan ko at napupunta sa gitna ng magkatapat naming kamay kung saan nagsasama yung kapangyarihan namin

"Ashley, anak wag mong gagawin yan!" Bigla nalang sumulpot si mommy sa baba kasama sila dad at ang mga tito at tita ko

"Hindi nyo pwedeng gawin-"

Sabay kaming tumungin ni Dane kay Alexander na napatigil sa pakikipaglaban at nakatingin sa amin ng may takot sa mata

"Travis, wag na wag mo yang gagawin" sabi nito

Hindi nakinig sa kanya si Dane at sabay lang namin na itinutok sa kanya ang kamay namin na may magkasamang light at dark magic

Tumama ito sa kanya at bigla nalang syang nagliwanag ng sobrang liwanag at ng mawala ang liwanag ay nakita nalang namin sya na nangingitim yung buong katawan nya

Nagkatinginan kami ni Dane at pilit na ngumiti sa isa't isa pero agad nawala yung ngiti ko ng may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko

Sabay kaming napatingin mga magkahawak naming kamay at parehas kaming nagulat ng biglang may itim na liwanag ang mabilis na bumalot sa braso ko at sa kanya naman ay puting liwanag

Ella POV

Sabay sabay kaming nakaramdam ng tuwa ng makita namin na naglaho na si Alexander at agad kaming napatingin kila Ashley at Travis pero nagtaka kami sa nakita namin

Nabalutan ng puting liwanag si Dane at si Ashley naman ay itim at ng mawala yon ay biglang nalang silang bumagsak sa lupa pero magkahawak parin yung mga kamay nila

"Ashley!" Sigaw ni tita Elliza at biglang lumapit dito

Naguguluhan kami na kinakabahang lumapit din sa kanila

Hinawakan ko yung kamay ni Elliza at nagulat ako ng malamig yon, agad kong hinawakan yung pulsuhan nya at saka kinapa yon pero wala akong nararamdaman na tumitibok don

"Wala na sila" umiiyak na sabi ni tita Elliza

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now