Double-Date

8.6K 336 3
                                    

Double-Date

(Just imagine na si Grey yang nasa picture XD.)

"GISING NA!!!" Pambubulahaw ni Ate Jasmine sakin isang umaga.

"Naman eh.. Anong oras na ba?" Irita kong sabi na kumakamot pa sa ulo ko.

"Nine! At February 14 ngayon!" Sabi niya.

"WHAT?!" Sabi ko sabay baling sa alarm clock na nasa bedside table ko.

"May dalawang date ka kaya sige, tunganga pa more!" Sabi ni Ate Jasmine.

Pabalikwas akong bumangon mula sa bed ko. Hayy.. Ayoko pang bumangon ngayon.. Pero di ko maikakaila ang katotohanan na February 14 ngayon, at kailangan kong bumangon at um-attend ng dalawang date..

Napatitig na lang ako sa emerald green coat na nasa loob ng cabinet ko.

Ringtone.

Good morning! See you later. Excited na ko. :) I love you.

Si Grey..

"Hoy, Kito, breakfast na. Tsaka ano yang nginingiti-ngiti mo diyan?" bungad ulit ni Ate Jasmine sa pinto ng kwarto ko.

"W-wala," sabi ko naman sabay bura ng ngiti sa mukha ko.

"Asus. Ilang I love you ang nakuha mo mula kay Grey?" Tanong niya habang nakasunod sakin pababa ng hagdan.

"Wala! At hindi si Grey ang rason nang-" Pero natigilan ako bigla pagkakita ko sa sala.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!!"

Si Grey, may dalang life-size teddy bear, isang box ng chocolates, at isang pagkalaki-laking bouquet ng roses. Sa dami at laki ng mga dala niya eh halos hindi ko na siya makita.

"Inaasikaso yung date ko," sabi ni Grey sabay lapag ng chocolates sa sofa.

Lumapit siya sakin sabay abot ng bouquet ng rosas at ng teddy bear. "Para sa'yo oh."

Alanganin akong tumingin sa dala-dala niya. Yung teddy bear tsaka chocolates eh okay pa, pero ba't kailangang may kasama pang roses? It was just… a bit awkward..

"Uhm, thanks," sabi ko naman sabay kuha ng dala niya. Dinig na dinig ko naman ang pigil na tili ni Ate Jasmine mula sa likod ko.

"I came here to give you that and maybe we can go to the mall?" sabi ni Grey.

"Alam mo ba na date natin mamaya? So that means magiging busy-"

"I know. I know. Uuwi naman tayo after lunch. Pwede?" Sabi ni Grey.

Tinitigan ko siya ng ilang segundo. "Fine, I'll go. Kakain lang ako," sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Ate Jasmine, can you please bring this teddy bear to my room and please do something with these- with these roses," baling ko kay Ate Jasmine.

Kumindat naman si Ate Jasmine bago kinuha yung mga dala ko. Pinulot ko naman yung box ng chocolates at dumiretso ako sa ref, sumunod naman sakin si Grey.

"Ba't nag-abala ka pa? Alam mo naman na may date tayo tapos nagdala ka pa nito?" Tanong ko sa kanya sabay upo.

"Eh sa gusto ko ba. Tsaka iba yung date gift, sa valentine gift," sagot ni Grey.

"Hayy.. Oo na. Tara kain," aya ko sa kanya.

Umupo naman si Grey sa tapat ko at tumitig lang sakin. Sinubukan kong magpaka-casual pero panay titig pa rin siya. Grr.. Di na ako nakatiis..

"Pwede wag mo kong titigan?!" Irita kong sabi sa kanya.

"Bawal? Di ba pwedeng titigan yung taong mahal ko?" Sabi ni Grey na nakangiti.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now