palusot.com

9.4K 352 12
                                    

palusot.com

Keith's P.O.V.

Gusto ko na mamatay..

Loading..

Loading..

Loading..

Nag-cram na lahat sa utak ko yung mga salitang "mahal", "ligaw", "manhid" at kung ano-ano pa.

At heto ako sa kwarto ko, hawak hawak na naman ang tiyan ko. Nag-evolve na yung paniki, agila na to ngayon na lumilipad sa tiyan ko.

Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na panaginip lang to, na nag-iilusyon lang ako, pero wala, kahit anong gawin ko eh kailangan kong i-admit ang katotohanan..

..na mahal ako ni Grey..

Aaarghh!! Ano ba yan.. Mas okay sana kung pinagtitripan lang ako ni Grey pero seryoso siya kanina. Humiga ako at tumitig sa kisame ng kwarto ko.

For the first time in my whole life eh naguluhan ako nang sobra-sobra.

Okay, aaminin ko na, hindi ko talaga ini-expect na yun ang sasabihin ni Grey. Kasi ang akala ko talaga eh dahil dun sa promise niyang walang iwanan at sa utang na loob niya kina Daddy ang dahilan kung bakit kahit pinagtatabuyan ko na siya at lahat lahat eh nandito pa rin siya sakin, nangungulit. Nakikita ko si Grey as a friend or as an older brother, no more, no less..

Sure ka ba?

Aaaarrrgghh!! Okay! Sagarin ko na tong monologue..

Naguguluhan ako. Swear. Napaisip din ako. Akala ko rin lahat ng actions ko sa kanya eh ginagawa ko dahil gusto ko magbago at maibalik yung dating masayahin na ako. Akala ko ginagawa ko yun kasi you know, grateful lang ako na nandiyan si Grey.

Pero yun nga, maging ako ay naguguluhan na din.

Ang akala ko eh kapatid na halos ang turing ko kay Grey, no lies. Kapatid talaga ang turing ko sa kanya. Or akala ko lang?

Grrrrr... Mababaliw na ako..

At ang kapaaaaal ng mukha niyang sabihin na gagawin niya ang lahat para lang mapasabi niya rin ako ng "I love you"- oh sinabi ko na nga- sa kanya. Hah!!! In his dreams!!!

TSAKA WE'RE BOTH GUYS!!!!! ANONG AKALA NIYA SAKIN??!!!

"Hoy Kito.. Maghapon ka nang nakahilata diyan.. Asawahin mo na kaya yang kama mo," reklamo sakin ni Ate Jasmine.

"Ayoko na magising.." Sagot ko naman.

"Oh sakto.. May dala akong kutsilyo. Saan, sa leeg o sa pulso?" Irita niyang tanong.

Bumangon naman ako na kumakamot sa ulo, naupo ako sa gilid ng bed ko.

"Ate Jasmine naman eh! Di ka nakakatulong!" Singhal ko sa kanya.

"Hoy Kito!! Mas lalong di nakakatulong yang ginagawa mo! Kung gusto mong kalimutan yung sinabi ni Grey gumawa ka ng something productive!! Dahil kung nganganga ka diyan eh wala ka talagang ibang maiisip kundi siya!" Sabi niya sabay wagayway ng kutsilyong hawak niya.

"Ano namang gagawin ko dito?" Naiinis kong sagot.

"Ako pa magsasabi? Ibuka mo yang mata mong singkit marami kang makikitang pwedeng gawin! Nagtataka nga ako minsan kung kadugo ba kita, tanga tanga mo kasi," sabi niya sabay alis.

"Hoy, ang sakit mo magsalita!" Habol ko sa kanya.

"Dun ka kay Grey! Tatawagin ka niyang baby, sweetie, Keith my loves-"

"Aaaarrrgghhh! SHUT UUUUPPPP!!" Sigaw ko naman.

Naglakad lang palabas si Ate Jasmine with her devil laugh.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now