Smile

8.5K 367 8
                                    

Smile

The next day eh hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Birthday na ni Grey at kung stress lang naman ang pag-uusapan eh meron akong sandamakmak.

Kinuha ko yung phone ko at nag-type.

To: Grey

Happy Birthday. Di ako makakapunta. May sakit ako-

Napatigil ako. Panigurado susugod yun dito kapag nalaman niyang may sakit ako.

Happy Birthday. Di ako makakapunta. Sumama ako kay Ate Jasmine. Have a nice day.

Send.

Wait.

Wait.

Wait.

Delete. Delete.

Hindi na lang ako magpaparamdam. Magmumukmok na lang ako dito sa kwarto ko buong araw.

But still, birthday to ni Grey..

At isa ako sa mga ini-expect niyang babati sa kanya at magbibigay sa kanya ng regalo.

Wala pa si Ate Jasmine para tulungan ako. Ano pa ang point na ipagluto siya?

No. Wala akong gagawin.

•••

"I hate myself," sabi ko habang nasa harapan ako ng Mall.

Wala akong ibang nagawa kundi tumakbo palabas ng bahay at sumakay ng taxi papunta sa Mall. Nagtext kasi si Grey na pupunta siya sa bahay para sunduin ako.

Never akong nag-dare na pumunta sa supermarket na malapit samin. Baka bigla na lang akong maabutan dun ni Grey na namimili ng mga lulutuin ko.

Buti na lang at nahablot ko pa yung recipe book bago ako nagkukumahog na lumabas ng bahay. Sa pagmamadali ko eh suot-suot ko pa yung tsinelas ko.

Ringtone.

From: Grey

Asan ka? Dinaanan kita sa bahay niyo wala ka naman dun. Di mo pa ni-lock yung pinto.

Napahawak na lang ako sa ulo ko. Ano ba yan. Baka nanakawan na ako sa pagmamadali kong maka-alis.

Naisip ko na mas mabuting hindi na lang ako mag-reply kaya pinatay ko na yung phone ko. Baka tumawag pa siya ng wala sa oras.

Namili na ako ng mga kakailanganin ko sa pagluluto. Lahat na ng santo eh tinawag ko na para naman maganda ang resulta ng kung ano mang lulutuin ko.

Nasa counter na ako nung biglang may sumagi sa isip ko.

Cake.

After kong mabayaran yung mga pinamili ko eh agad naman akong nagpunta sa isang cake shop dito sa loob ng Mall. Bumili ako ng isang Black Forest cake. After nun eh nagmamadali na akong lumabas ng Mall. Panigurado wala na dun si Grey sa bahay. Halos tanghali na kasi nung lumabas ako.

Sinabi naman sakin ni Tita Jessica na gabi sila magce-celebrate ng birthday ni Grey. Simpleng salo-salo lang naman daw ang gagawin nila. Invited yung mga classmates namin, pati si Bianca at Jade. Nakipag-kasundo naman ako kay Tita na ako na lang magdadala ng Adobo. Kaya hindi na ako pwedeng umatras pa.

Nakarating na rin ako sa bahay. Dahan-dahan akong pumasok, baka nagtatago lang sa gilid si Grey. Pero pagkapasok ko sa sala eh nakakita ako ng note sa sofa.

Pumunta ka na lang sa bahay at around Six. Pupunta dun sina Bianca and Jade. Nasabihan na ako ni Ate Jasmine na di siya makakapunta. I'm hoping to see you there! :)

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now