Ninja!!!

9.2K 333 7
                                    

Ninja!!!

"Di ko alam kung ano ang itatawag ko sa'yo, gwapo o mahaba ang hair," sabi sakin ni Ate Jasmine nung sinabi ko sa kanya yung magkasunod kong date.

Pinadaanan ko siya ng matalim na tingin.

"Pwede wag mo kong bwisitin? Namomroblema na nga ako," sabi ko sabay himas sa sintido ko.

"Swerte mo pa nga, double-date ka sa 14," sabi ni Ate Jasmine.

"Swerte? Ano magiging hitsura ko sa magkasunod na date?" Sagot ko.

"Asus. Parang hindi fashion designer tong pinsan mo. Don't worry. Ako na bahala," sabi niya sabay kindat.

"Okay thanks. Salamat at pasensya na sa abala," sabi ko naman.

"No probs Kito, basta para sa happiness mo, game ako parati," sagot naman ni Ate Jasmine.

Sa mga nakaraang Valentine's Day kasi eh wala naman akong ginagawa aside sa kumain. I just treat February 14 as a normal day. Hindi ako bitter, hindi ko lang talaga nirerecognize ang February 14 as a "special day."

Pero ngayon, mukhang napasubo pa ata ako. Tig-dalawa kaming date ngayon ni Grey, at kailangan ko pang i-manage ng maayos ang oras ko kundi malilintikan ako nito kay Grey.

Ate Jasmine suggested many types of clothes. Pero sinabi ko sa kanya na I will be satisfied with just a coat and a t-shirt. Casual lang ang gusto kong suutin. Kaya naman hinalungkat ni Ate Jasmine ang buong shop na pinuntahan namin.

At swerte naman namin at nakahanap na kami ng coat na susuutin ko. It was emerald green in color.

"Look. Sabi ko na nga ba't bagay yan sa green eyes mo. Mas lalo nang halata ang kulay ng mata mo oh," sabi ni Ate Jasmine.

"Oo na. Oo na. Yan na kukunin ko," sabi ko naman sabay kamot sa ulo ko.

"Good. For sure mai-inlove niyan lalo sa'yo si-"

"SHUT UP."

•••

FIRST MONDAY OF FEBRUARY.

"Happy Valentine's Day!" Bungad sakin ni Grey pagkalabas ko ng gate ng bahay.

"Dos pa lang ngayon, wag kang aligaga," sabi ko naman sabay lakad.

Pero isang box ang biglang binato sakin  ni Grey.

"Ano na naman to?" Irita kong tanong sa kanya.

"Cupcakes. Ako nag-bake niyan," sabi niya sabay kindat.

"Okay. Thanks," sabi ko naman.

Pero bigla na lang siyang lumapit sakin sabay nakaw ng halik sa gilid ng pisngi ko.

"GREY!!" Napatalon ako sa gulat, hawak hawak yung pisngi ko.

"Oh ano?" Painosente niyang sabi sabay tingin palayo.

"FIRST RULE!!!" Sigaw ko

Huminga siya ng malalim. "Oh, pwede po ba kitang halikan sa pisngi?" Sabi niya na nakangiti.

Ngumiti naman akong nakakaloko.

"Akala mo makakadalawa ka? Style mo bugok!" Sabi ko sabay tawa.

Pagkarating namin sa school eh nagulat ako sa nakita ko.

DI NAMAN SILA EXCITED?!

Puno na ng Valentine's Day-inspired decorations ang buong school. Nagliliparan na ang mga pula. I just rolled my eyes.

"Ganda na ng design dito oh!" Sabi ni Grey na lumilinga pa sa paligid.

Hah.. Alam niyo kung ano nakikita ko?

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now