Keith's Three Laws of Courtship

9.5K 335 5
                                    

Keith's Three Laws of Courtship

Sa lahat ng pinaka-weirdong bagay na pwedeng gawin ni Grey, yung pagbibigay niya sakin ng bulaklak na ata ang pinaka-nakakahindik sa lahat.

Mas matindi pa yung reaksyon ni Ate Jasmine pagkakita niya sakin.

"Hey, what happened?" Bungad niya sakin pagkauwi ko kagabi.

"Bati na kami," sagot ko sabay upo.

"Oh, congrats. What's that?" Sabi niya sabay turo sa bulaklak na dala ko.

"Binigay ni Grey sakin," sabi ko naman.

Kasunod nun ay ang nakakabinging tili ni Ate Jasmine.

"Oh my! Oh my!! How sweet naman.. So, ano na? Pinayagan mo na siyang manligaw?" Tanong pa niya.

"Yeah," sagot ko naman.

"Sabi na nga ba't bibigay ka rin. I'm very happy for you bunso! Ngayon pa lang I will congratulate you na," sabi niya sabay yakap sakin.

"Hey, hey, pumayag lang ako na magpaligaw, hindi pa ko magpapakasal. At hindi lahat ng ligawan nauuwi sa oo," sabi ko naman.

"Eh kahit na. Pinayagan mo siyang manligaw so that means may chance siya. And knowing Grey, alam ko na sasagutin mo agad yun," sabi niya.

"Hah.. Maghirap muna siya," sagot ko naman.

"Hoy, baka naman literal mong pahirapan si Grey ah, maawa ka dun sa tao," sabi niya naman.

"Don't worry Ate Jasmine, I have a plan," sabi ko naman sabay ngiting makahulugan.

So yun nga. Alam na ni Ate Jasmine yung totoo. Ay ewan, kahit ata di ko sabihin malalaman at malalaman niya pa rin, magkakuntsaba ata silang dalawa ni Grey..

Nagising ako ng usual na tunog ng alarm clock ko. Alas-sais ng umaga. Maaga nga akong nagigising pero parati namang fifteen minutes before eight ako umaalis ng bahay. Wala lang, nakasanayan ko na kasi..

Pagmulat ko ng mata ko eh nagulat ako sa nakita ko.

"Good morning," si Grey, his face was inches from mine.

"Hey! Anong ginagawa mo rito?!" Sabi ko sabay takip ng kumot sa katawan ko,  naka-boxers nga lang ako pag natutulog.

"Di'ba payag ka nang magpaligaw? So ibig sabihin, dapat ngayon, yung "oo" mo naman ang tatrabahuhin ko," sabi niya.

"Di'ba may sakit ka?" Irita kong sabi.

"Okay na ko. Tsaka pinagluluto kita sa baba. Ika nga nila, the way to a man's heart is through his stomach," sabi niya sabay kindat.

"Eh kung sikmuraan kaya kita?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ang harsh mo naman.. Umagang-umaga.. Maligo ka na, or gusto mo paliguan pa kita?" Sabi niya sabay padaan ng tingin sakin mula ulo hanggang paa.

"Manyak! Of course kaya kong maligo mag-isa!" Sabi ko naman sabay balibag ng unan sa kanya.

"Okay. Baba ka na lang pag tapos ka na," sabi ni Grey sabay labas ng kwarto ko.

Ano ba to.. Umagang-umaga nanggambala agad si Grey sa katahimikan ko..

Pero kahapon patay na patay kang makita si Grey.. Bulong ng utak ko.

Oo na! Na-miss na kung na-miss! Di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yung mga sinabi ko sa kanya kahapon..

Kasi nga maha-

No way! No! I will make sure na lulunukin ni Grey yung sinabi niyang in the end, makukuha niya yung "I love you" niya mula sakin.. Asa..

After kong makapag-palit at makapag-ayos ng sarili, bumaba na ako. Dun ko naabutan si Grey na naka-uniform na rin at nakaupo na sa mesa..

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now