Sampal

7.6K 303 24
                                    

Sampal

Keith's P.O.V.

It's almost nine in the evening. Nandito ako sa harap ng counter ng isang bar, umiinom nang mag-isa.

Gusto ko munang malayo ngayon sa bahay.. dahil lahat nang nakikita ko dun eh nagpapaalala lang sakin kung ga'no ako nagpakatanga.. kung ga'no ako umasa sa wala.

How I wish na sana panaginip lang tong lahat nang nangyayari sakin. Pero wala akong magagawa dahil totoo ang lahat nang ito, at hindi lang isang panaginip ang nangyari sakin, bangungot ang nararanasan ko ngayon.

So yun nga, halos dalawang oras na akong nakatunganga dito sa bar at umiinom. Of course light lang ang iniinom ko, pero dahil halos dalawang oras na akong nandito, medyo nagkakatama na rin ako.

"You're not going anywhere," naalala ko na naman yung sinabi sakin ni Grey.

Nagkuyom ako ng palad sa inis. How dare him to dictate me on what I shall do. Wala siyang karapatan na utusan ako.. siya na mismo ang nag-alis sa kanya ng karapatan niyang utusan ako..

Huminga ako ng malalim. Di pa rin ako makapaniwala na ginawa sakin yun ni Grey. Buti na lang pala at di ko siya sinagot agad, ano na lang magiging sitwasyon ko nun? Magmumukha akong katatawanan.

"Argh.. I hate you!" Sabi ko pa.

Then biglang may tumabi sakin. Nung una di ko siya pinansin, pero nararamdaman ko na nakatitig siya sakin kaya pinadaanan ko rin siya ng tingin.

Well, lalaki yung tumabi sakin.. After ko siyang madaanan ng tingin eh bumalik na ako sa pag-inom ko.

"Hello." Sabi ng isang boses sa tabi ko.

Paglingon ko eh nagulat ako, sakin pala nakaharap yung lalaki kanina. Kumunot yung noo ko.

"What do you want?" Irita kong sabi sa kanya.

Medyo na taken-aback siya sa sinabi ko, but still, he smiled at me.

"Napansin ko kasi na mag-isa ka lang.. May problema ka ba?" Tanong nito sakin.

"Sinabihan ba kita na makialam sa personal life ko?" Tanong ko na di sa kanya tumitingin.

"Well.. I'm sorry for invading your privacy.. Now, may I ask why are you here? May problema ka ba?" Tanong niya ulit sakin.

"I have problems yeah. So many problems, at wala kang maitutulong. I don't entertain strangers so back off!" Sabi ko at tinalikuran ko siya.

"Well I'm Kyle. Kyle Ramirez," pakilala niya sakin.

Tinitigan ko siya ng masama. "Wala akong pake."

"Hey, I'm just trying to help-"

"I don't need your help," sagot ko naman.

"Maybe you need someone you can talk to?" Tanong pa nito.

"I don't need anyone. Iniwan na ako ng lahat!" Sabi ko pa.

"Sorry- okay? Sorry- now, can I just know who you are?" Tanong nito sakin.

Tinitigan ko ulit siya ng ilang segundo.

"Keith Ivan Seki Kun. 17," sabi ko naman.

"Japanese?" Tanong nito.

"Half Japanese, Half Korean. Pure Filipino at heart," tipid ko namang sagot.

Ngumiti siya sa sinabi ko.

"I'm 17 also. Nice to meet you," sabi niya sabay abot ng kamay.

"Ibaba mo yang kamay mo. I still don't trust you," sabi ko naman.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now