Medyo Awkward

9.9K 356 8
                                    

Medyo Awkward

Butterflies in your stomach.

Eh paniki na tong lumilipad sa tiyan ko eh.

Nakaupo lang ako sa gilid ng bed ko. Nakahawak sa tiyan ko. Alam ko may mali sa mga nangyayari, pero bakit ganito? Alam ko hindi ko dapat to nararamdaman but I can't help it. Kahit mismong pagkalabit sakin ni Grey eh awkward na sakin.

At ang nakakainis, casual lang siya makitungo sa akin. Parang wala siyang ginagawang katripan sakin kung itrato niya ako. Then dun na ulit papasok sa isip ko yung idea na baka wala lang yun sa kanya. Na ako lang tong overreacting. Pero deep inside me may konting frustration akong nararamdaman everytime na maiisip ko yung ideang wala lang yun sa kanya.

At mas kinilabutan ako dun sa ideang biglang lumabas sa isip ko nung birthday ni Grey.

So, wala pala akong pag-asa Grey kasi Kun din ako? Hanggang ngayon eh kinikilabutan pa rin ako kapag naiisip ko yun.

Napahawak na lang ako sa ulo ko at inuntog-untog yun sa bed ko.

"You're both guys! You're both guys! Kaya wag kang masyado overreacting!" Sabi ko.

"Keith? May kausap ka?" Napatalon ako sa gulat, si Ate Jasmine.

"Ah wala.. Kumakanta lang ako," sabi ko naman agad sabay ayos sa sarili ko.

Tinitigan niya ako for a moment. "Nakahanda na yung breakfast. Sunod ka na lang," sabi niya.

Well, its Monday again. At malapit na namang matapos ang first month ng taon. Medyo nagiging busy na ako ng konti dahil patapos na ang school year, tambak na ng projects at mga exams.

Nakaligo na ako kaya dumiretso na ako sa kusina. Medyo nagtaka ako kasi naka pambahay pa si Ate Jasmine.

"Wala kang trabaho?" Tanong ko habang kumakain na.

"Yeah. Wala naman akong gagawin ngayon sa kumpanya. But I'm reviewing the designs na binigay sakin," sabi niya. Alam ko kasi eh Head Designer na siya sa clothing company na pinapasukan niya. Agad agad ngang na-promote eh. Iba na talaga pag may experience.

"So, kumusta ang birthday ni Grey?" Tanong niya sakin bigla.

"Well, it went fine naman," tipid kong sagot. Trying hard na ako magpaka-casual sa tono ng boses ko.

"Kumusta yung adobo?" Tanong ni Ate Jasmine.

"Sabi ni Grey, masarap naman daw," sabi ko naman.

"Ayiieeeeh! Sweet niyo talaga!" Sabi niya.

"SWEET?!"

Di niya ako pinansin.

"Sabi ni Grey dito daw siya natulog," sabi ni Ate Jasmine.

"WHAT?! Sinabi niya yun?!" Gulat kong tanong.

"Yeah. May dapat ba akong malaman?" Tanong niya. Pero bigla siyang tumitig sakin at nanlaki ang mga mata. "OH MY GOD KEITH! DON'T TELL ME-"

"Shut up! Kung ano man yang iniisip mo tanggalin mo na yan. Walang nangyaring something samin-"

"Wala nga ba?" Sabi ng isang boses sa likuran ko.

Sa gulat ko eh agad akong yumuko para itago yung mukha ko. Kaso hayun, sa mesa ako naumpog.

Aray..

"Hello Grey! We're just talking about your birthday! Pasensya na wala ako ah. So, kumusta?" Sabi ni Ate Jasmine.

"Ah. Yun ba? Well nag-enjoy naman ako. Masarap naman yung luto ni Keith na adobo and as always, mas nag-enjoy ako sa after-party," sabi ni Grey sabay hampas sa batok ko.

Committed to Love You [Part 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon