Seventeen

9K 327 5
                                    

Seventeen

Keith's P.O.V.

Buong February ata balak mag-celebrate ng school namin ng Valentine's Season.

Eh pa'no ba naman? Tapos na yung February 14 ang dami pa ring pakulo dito sa school namin na related sa Valentine's Day. Nakakarindi na.

At ngayong araw nga eh pagkapasok ko sa school eh may inabot sa akin yung isa sa mga officers ng Student Council.

"What's this?" Tanong ko sabay taas ng pulang papel na binigay nila sakin.

"That's a half-heart. Kailangan mong hanapin yung kalahati niyan at pag nahanap mo, punta kayo sa office for the reward," sabi naman nung officer.

"Okay. Thanks," sabi ko naman sabay titig sa kalahating puso na nakuha ko. Hayy.. Basura pa more.

Dumiretso na ako sa classroom namin. Naabutan ko dun yung mga classmates ko na may kanya-kanya ding hawak na kalahating heart.

"Oh? Meron ka rin pala Keith. Hanapin mo na pair mo. Sayang ang prize," sabi ng isa kong classmate.

"Okay lang. Maabala pa ako," sabi ko naman sabay pasok ng papel sa bag ko.

Sakto naman nun yung pagpasok ni Grey sa room. Agad naman siyang lumapit sakin. "Hey, good morning. Sorry if di kita nasabayan sa pagpunta rito, may inasikaso lang ako," sabi naman ni Grey.

"Its okay," sabi ko naman.

"Guess what? Wala tayong pasok ngayon," sabi bigla ni Grey.

"What?" Gulat kong sabi.

"Wala tayong pasok. Puro ngayon activities tsaka may program mamaya," sabi naman ni Grey.

Huminga ako ng malalim.. "Nagsayang lang pala ako ng oras dito," sabi ko naman.

"Wala ka bang balak na sumali sa mga games?" Tanong ni Grey.

"Wala. Pupunta na lang ako ng library," sabi ko naman sabay pulot sa bag ko.

"Okay," sabi naman ni Grey sabay sunod sakin.

•••

Jasmine's P.O.V.

It was again another usual day dito sa trabaho ko. Puro lang reviewing ng designs, sketch dito, sketch doon.. Kuskos dito, ngudngod doon..

Kaya naman pagsapit ng hapon eh kamay ko naman yung pagod na pagod..

Napatitig ako sa relo na nasa ibabaw ng desk ko.. Tsk.. Thirty minutes past four na pala.. Kailangan ko nang maghanda na umalis..

Ringtone.

Hey, I'm sorry, di kita masusundo ngayon.. May kailangan lang akong gawin kasi. Ingat ka.

Si Hanz. Nagtext kasi siya dati na susunduin daw niya ako. Pero yun nga, mukhang di naman ata tuloy na. Buti nga yun eh, walang abala sakin.

Pagkalabas ko ng office eh nag-taxi na muna ako papunta sa pinakamalapit na Mall. Kailangan kong dumaan sa supermarket dahil may mga ilang supplies sa bahay na paubos na..

Bumaba ako sa may parking lot ng supermarket.. Pero papasok na ako sa loob nung bigla akong may namukhaan sa mga taong nasa parking lot..

"Hanz?" Sabi ko at sinipat ko ng maayos yung lalaking nakasandal sa isang kotse sa di kalayuan..

Lalapit sana ako pero biglang may lumapit sa kanya na babae na agad namang humalik sa kanya.. Pumasok na sila sa loob ng kotse.

Niyugyog ko yung ulo ko. No, nag-iilusyon lang ako... Imposible naman na si Hanz yun.. Dumiretso na lang ako ng pasok sa supermarket..

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now