Loner Or Nagpapaka-loner?

9.1K 338 12
                                    

Loner Or Nagpapaka-loner?

Naunang umuwi si Bianca habang nanatili pa ng ilang minuto si Grey, kaya agad akong umakyat sa kwarto ko, nag-lock ng pinto at nagkulong. Dun ako tumambay sa balcony dahil gusto kong makita si Grey na umalis bago man ako bumaba sa sala ulit.

Maka-ilang beses na kumatok si Grey at si Ate Jasmine sa pinto ng kwarto ko. Pero hindi ko sila pinagbuksan. Ayokong makausap si Grey ngayon.. Buti na lang at may metal lock sa pinto ng kwarto ko kaya hindi sila talaga makakapasok unless na pagbuksan ko sila..

Humilata ako sa bed ko, sinubsob ko ang mukha ko sa unan..

"Keith! Buksan mo yung pinto," Tawag sakin ni Grey after niyang maka-ilang beses na kumatok mula sa kabilang side ng pinto.

Di ako sumagot.

"Hayaan mo na Grey. Baka pagod lang," sabi naman ng boses ni Ate Jasmine.

"Pasabi na lang Ate Jasmine na umalis na 'ko," dinig kong sabi ni Grey.

Huminga ako ng malalim.

Tumakbo ako papunta sa balcony at sa gitna ng malakas na ulan eh nakita ko si Grey na naglakad na palabas ng bahay namin.

Saka naman may sumigaw sa kabilang side ng pinto ng kwarto ko.

"May hawak akong martilyo Kito! Bubuksan mo ang pinto o hindi?!" Si Ate Jasmine.

Pumunta naman ako sa pinto at binuksan yun. Tumambad sakin si Ate Jasmine, may bitbit nga talagang martilyo.

"Ano?" Tanong ko naman, slightly frowning.

"Anong kaartehan yan?" Iritang tanong ni Ate Jasmine.

"Di ako nag-iinarte," sagot ko naman.

Pinagtulakan ni Ate Jasmine yung pinto para makapasok siya. Humilata ako ulit sa bed ko samantalang siya eh panay dada.

"Nga pala, nakalimutan ko, pinapasabi ni Grey na I love you daw," sabi ni Ate Jasmine na umupo sa study table ko.

"Urgghh.. Pasabi nakakadiri," sagot ko naman na di nagtataas ng mukha.

Naningkit ang mga mata ni Ate Jasmine.

"You're so unfair Kito," sabi niya.

"Unfair? Ako na nga ang harassed dito ako pa yung unfair?!" Di-makapaniwala kong sabi.

"Ikaw naman kasi eh.. Gusto ka lang i-confort nung tao, gusto niyang tanggalin yung bad mood mo, ikaw naman panay iwas ka," sabi ni Ate Jasmine.

"For your information Ate Jasmine, may iba pa siyang motibo! Do you think binigay niya yun sakin na cake dahil gusto niyang maalis yung bad mood ko? NO. Kasi ayaw pa niya akong tigilan sa kumag na ligawan na yan!" Sagot ko naman.

"Okay! Okay! Sorry! Pero akala ko ba iiwasan mo na siya?" Tanong pa niya.

"I'm trying. Pero maiiwasan ko lang si Grey nang tuluyan kapag nagkaroon na ng seedless rambutan. For long, IMPOSIBLE ko na siyang maiwasan dahil kung kakulitan lang naman ang pag-uusapan eh JIAN GREY YAP ISERI ang pangalan na una kong naiisip!" sabi ko.

"Pero seryoso naman si Grey sa'yo ah," sabi ni Ate Jasmine.

"Pwes ako hindi!" Sagot ko.

"Mahal ka nung tao-"

"Hindi ko siya mahal."

"Sigurado ka?"

" YES!"

"Asus. Ewan ko sa'yo Kito. Ang gulo-gulo mo," sabi niya na kumakamot pa sa ulo.

"Ang bottom line kasi dito, HINDING-HINDI KO MATATANGGAP NA NILILIGAWAN AKO NI GREY. We can be friends, but lovers? Uugghh.. Its so horrible," sabi ko.

Committed to Love You [Part 1]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ