Acceptance

7.6K 286 5
                                    

Acceptance

Dumating na rin yung May. Halos nagsayang lang ako ng isang buwan ng bakasyon sa Pilipinas.

Nandito ako ngayon sa Japan. Its almost two weeks matapos akong umalis ng Pilipinas. Dito na ako mag-aaral at dito ko na rin aayusin ang sarili ko.

Naglalakad ako sa isang park dito sa Japan. May ngayon kaya naman nagliliparan ang cherry blossoms dito sa paligid. Huminga ako ng malalim. Napangiti ako habang nakatitig sa mga cherry blossoms.

Naalala ko yung nangyari bago ako umalis ng Pilipinas.

"Pinapatawad na kita Grey. Yes, maybe nasaktan mo man ako pero hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob," sabi ko.

"Aanhin ko pa pagpapatawad mo kung aalis ka na man lang?" Umiiyak na tanong sakin ni Grey.

Napangiti naman ako. Para akong nagpapaalam sa isang bata.

"Jian Grey Yap Iseri, una sa lahat please wag kang umiyak dahil nakakarindi ka tingnan. Second pinapatawad na nga kita kaya tanggapin mo na lang. And last, babalikan naman kita. Wag ka nang magmukmok," sabi ko.

"Pero ba't kailangan mong umalis?" Tanong pa ni Grey.

Ngumiti ako ng malamlam.

"Kailangan ko lang ayusin ang sarili ko. Mahal kita Grey. Mahal na mahal na mahal kita. Pero hindi ko pa kaya ibigay sayo ang sarili ko nang buong-buo. Marami akong napagdaanan na masasakit, and I'll admit na nabasag nun ang pagkatao ko. Bubuuin ko lang ang sarili ko then babalik na ako. Hindi mo kayang mahalin ang isang tao nang buo kung ikaw mismo ay may kulang sa sarili mo," sabi ko.

Tumango naman si Grey.

"At hindi ako gagaya sayo na kinalimutan ako nung nandun ka na. Oo mawawalan tayo ng communication pero di naman kita kakalimutan," sabi ko naman.

"Kasalanan ko to eh. Kung di ko yun ginawa sana di ka aalis," sabi ni Grey.

"Nah. Wag ka ngang ganyan. Smile ka na. Bukas na ako aalis gago. Gusto ko makita yung smile mo bago ako umalis," sabi ko.

Di pa rin ngumiti si Grey.

"Pa'no ba kita mapapa-smile?" Tanong ko.

I smiled at him.

Wala.

"Hmmm.."

Hinalikan ko siya sa gilid ng pisngi niya.

Wala.

Tinaas ko nang paunti-unti yung t-shirt ko. Biglang nanlaki yung mga mata ni Grey.

"No way. Manyak ka talaga," sabi ko sabay baba ulit nun.

Then biglang pumasok sa isip ko ang isang idea.

"Grey!"

"What!"

Ngumiti ako ng matamis sabay sabing. "I love you."

Natigilan si Grey. Nakatitig sakin. Then maya-maya, bigla na lang na gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya.

"Arte," sabi ko sabay talikod.

"I love you too Keith!" Sabi ni Grey.

"Oo na." Sabi ko naman at naglakad na ako palayo.

"Pwede paulit?" Tanong ni Grey.

"No way. Nakakadalawa ka na. Di ka naman ata bingi." Sabi ko.

"Argh.. Sige na. Isa pa," sabi niya.

"Ayaw nga," sabi ko.

Makulit pa rin talaga si Grey. Pero yung kakulitan niyang yun ang naging dahilan kung bakit ako napamahal sa kanya.

I fell in love with my most stubborn PA. PA na sakit din sa ulo at the same time. Aalis ako ng Pinas para lang naman sa kanya. Kahit papano nasaktan ako sa ginawa niya, kaya naman I'm starting again. Gusto ki kalimutan ang mga nangyari sa nakaraan at gusto kong mahalin ang present-day Grey na handang gawin ang lahat para sakin.

At bago ko nga yun magawa, kailangan ko na munang ayusin ang sarili ko. At kapag handa na ako, babalik ako. Babalik ako para mahalin siya ulit.

Nagmulat ako ng mata. Tumitig ako sa paligid.

Kahit nung bata pa ako at dito kami sa Japan nakatira eh paborito ko parati ang cherry blossoms. Wala lang, emotionally attached lang ako sa kanila. Kumakalma kasi ako kapag nakikita ko ang mga nagliliparang cherry blossoms sa hangin.

"Hoy. Kito. Senti pa more!" Tawag sakin ni Ate Jasmine. Kasama niya si Kuya Charles dito.

"May namimiss ka?" Tanong pa niya sakin.

"WALA." Sagot ko naman agad.

"Lokohin. Alam ko na namimiss mo si Grey-"

"Alam mo naman pala nagtanong ka pa," sabi ko naman.

"Ba't kasi sumama ka samin? Pwede ka namang magpaiwan dun sa Pinas?" Tanong niya sakin.

"Para saming dalawa lang naman tong ginagawa ko. Kailangan ko munang lumayo to start again. Buburahin ko yung mapapait na nakaraan to live happily in the future. And my futur belongs to Grey," sabi ko.

"Nakss. Oo na. I know you have your own reasons for doing things. Tiwala naman ako sayo. Though minsan nagmumukha ka talagang tanga," sabi niya.

"Hayy.. Parati naman akong mukhang tanga sa paningin mo," sabi ko naman.

"So pag bumalik ka sa Pilipinas-"

"Grey and I can start again!" Sabi ko naman na nakangiti.

Tumango naman si Ate Jasmine.

"Goodluck. And sana mahanap mo na agad ang sarili mo para makabalik ka na agad sa Pilipinas," sabi pa bi Ate Jasmine.

Ngumiti naman ako.

Hindi ko alam kung kelan darating ang araw na yun. Isa lang ang alam ko, kailangan kong maghanda para sa araw na yun. Para naman kapag handa na ako, makakabalik na ako sa Pilipinas para naman makapagsimula agad kaming dalawa ni Grey.

Maybe that will happen tomorrow, the next day, next month, next year, hindi ko alam. I will just enjoy the present, dahil katulad ng sinabi ko kanina, nakalaan na ang future ko para sa iisang tao lang, si Grey.

"Hey, Keith!" Tawag sakin ng isang panilyar na boses.

Lumingon ako, at sa tindi ng gulat ko eh halos napatalon ako sa gulat.

"Sino mag-aakala na dito tayo magkikita?" Sabi nung lalaki sabay lapit sakin.

Lumunok ako at napatitig dun sa lalaki. No. This can't be..

"Kyle!?"

Committed to Love You [Part 1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora