From the Beginning

6.6K 294 19
                                    

From the Beginning

(Pagtatagpi-tagpiin ko na po yung mga clues na iniwan ko sa mga naunang chapter. Medyo malapit na po kasi tayo sa ending ng story. Alam ko na magugulat kayo pagkatapos niyong mabasa ang chapter na to. And please, don't hate me because of this chapter.  AND I'M REALLY SORRY. XD)

Kasalukuyang nakahiga sa hospital bed si Keith, walang malay dahil inatake pa lang siya ng systolic heart failure na sakit niya.. Nasa loob ng room sina Tita Karla at Tita Jessica pati na rin si Grey..

"Is there anything Doc that we can do?" Tanong ni Tita Karla sa doktor na tumingin kay Keith.

"Of course we can do something about it. Una ninyong dapat gawin is to provide him with a friendly and loving environment, nang sa gayon ay maiwasan natin ang stress na maaaring mag-trigger sa systolic heart failure niya," sagot naman nung doktor.

"Sige po. Thank you Doc," sabi naman ni Tita Karla.

"Magpapaalam na po muna kami Ma'am Karla," paalam ni Tita Jessica kay Tita Karla na kasama nila sa ospital.

"Pwede po ba ako magpa-iwan Mama? Gusto ko po bantayan si Keith," sabi naman ng ten-year old na si Grey.

"Jian.. Nandito naman ang Tita Karla mo, tsaka kailangan mo ring magpahinga.. Gusto mo ba na magkasakit ka?" Tanong ni Tita Jessica kay Grey.

"Ayaw po. Pero gusto ko pong makitang gumising si Keith, ilang oras na po kasi siyang tulog oh," sabi naman ni Grey.

Ngumiti naman si Tita Karla.. "Gigising siya Jian.. And don't worry, sasabihin naman namin agad sayo kapag gising na siya. But in the meantime, magpahinga ka na rin, ayaw diba ni Keith na pinapagod mo ang sarili mo?"

Tumango naman si Grey.

"Sige po," sagot pa niya.

"Mauna na po kami," paalam ni Tita Jessica kay Tita Karla.

"Mama? Kelan po ba magigising si Ivan?" Tanong ni Grey kay Tita Jessica habang nasa jeep na sila pauwi.

"Hindi natin alam anak.. Pero sigurado ako na magigising din si Ivan, basta pray ka lang," sagot naman ni Tita Jessica.

"Sige po," sabi naman ni Grey.

"Tsaka narinig mo yung sinabi kanina ng doktor? Kailangan ni Ivan ng mga kaibigan.. Kaya dapat nandiyan ka parati sa tabi niya.. Kasi kapag may kaibigan siya, hindi na siya aatikihin ng sakit niya, okay ba yun?" Dagdag pa ni Tita Jessica.

"Okay po. Tsaka magkaibigan naman po kaming dati ni Ivan eh," sagot naman ni Grey.

"Oo alam ko. Basta wag mo lang siyang iiwan. Ayos ba yun?"

"Sige po," sagot ni Grey.

•••

"What are we going to do now?" Tanong ni Tita Karla kay Tito Iñigo. Kakalabas lang ni Grey sa office nila after nitong masabi na mahal pala nito si Keith.

"Yung pagpayag niyang mag-aral sa Japan is the first step. I can sense na gustong kalimutan ni Grey ang nararamdaman niya para kay Keith. I hope it goes well," sagot naman ni Tito Iñigo.

"Pa'no kung hindi pa rin ni Grey makalimutan ang nararamdaman niya para kay Keith?" Tanong pa ni Tita Karla.

"Well, magagawan natin yan ng paraan, hindi na natin pwedeng ilayo si Grey for the second time, si Keith ang ilalayo natin kung sakaling mangyari man yan," sagot ni Tito Iñigo.

"Naalala mo yung sinabi nung doktor diba? We shall provide a happy and friendly environment kay Keith. Tapos ilalayo natin si Grey?" Tanong ni Tita Karla.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now