Stubborn as a Pimple

27.2K 680 27
                                    

Committed To Love You•

Stubborn as a Pimple

Naglalakad na ako pauwi sa bahay ko isang hapon. Medyo malamig ngayon kaya naman naka-jacket ako. Medyo may kaingayan pa kasi rush hour na. Pag-check ko sa relo ko eh fifteen minutes past five na pala.

Napadaan ako sa supermarket, kailangan ko kasing bumili ng something for my dinner.

Ano ba mabibili ko dito?

Hindi naman ako marunong magluto kaya naman sa mga instant foods ako pumunta.

Kasalukuyan akong tumitingin sa mga Japanese cup noodles nung bigla na lang may nagsalita sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Sa gulat ko eh nabitawan ko pa yung cup noodles na hawak ko. Paglingon ko eh wala akong nakita maliban sa isang lalaki na nakatitig sakin gamit ang mga inaantok niyang mga mata.

"Hindi mo naman pag-aari ang supermarket na to Grey," sagot ko sabay pulot sa cup noodles.

"You're not answering my question," sagot niya.

"I came here to buy something for dinner," sagot ko naman sabay distansya sa kanya.

"Cup noodles? Kahit Japanese yan, wala yang pinag-kaiba sa mga cup noodles dito," sagot naman niya.

Tinitigan ko siya ng masama. "Wala kang pake."

Tiningnan ko yung dala niya. May shopping basket siyang dala na may mga gulay at seasonings din sa pagluluto. Naka-uniform pa nga siya. Sa bagay kahit ako nga rin. Same high school lang kami na pinapasukan, pareho kaming fourth year, classmates pa.

He's Jian Grey Iseri. My "PA" kuno. Malay ko ba. Si Daddy lang naman ang may gusto nun. Kung di lang sila naghiwalay nina Mommy eh di sana di ako babagsak sa ganitong sitwasyon. At sa dami pa ng pwede kong bagsakan, talagang sa asungot pang to.

And ako nga pala si Keith Ivan Kun. I'm 16 and the only child and son of Mr. and Mrs. Kun, may-ari sila ng isang publishing house. At wala rin akong pake kung ano ang property nila o pag-aari nila.

"I have to look after you. Nangako ako sa Daddy mo na I'll take care of you. Kaya kapag may masamang nangyari sayo, ako ang masisisi," sagot naman niya.

Nanginig ang kamay ko na nakahawak pa rin sa cup noodles. Hindi ko maiwasang di mainis kapag naririnig ko ang pangalan ng parents ko..

"Uhh.. Sorry," sabi naman niya agad.

"Di na lang ako magdi-dinner," sagot ko naman sabay talikod sa kanya.

Pero di pa ako nakakarating sa exit nung pinigilan niya ako sa braso ko.

"Balak ko sanang bisitahin ka this evening. Ipagluluto kita ng dinner if gusto mo. Actually namimili na nga ako. It was supposed to be a surprise," sabi niya na may konting ngiti sa labi.

Agad namang napako ang tingin ko sa mukha niya. It was unusual na makita siyang may kahit konting smile sa mukha niya. Mas okay siyang tingnan na nakangiti kahit konti lang. Dun ko lang narealize na..

.. totoo pala ang End of the World.

"Okay. Pumunta ka kung gusto mo. And thanks!" Sagot ko naman sabay lakad palabas.

And he is the most stubborn PA I ever had. Naka-ilang PA na kasi ako. Walang tumagal ng isang buwan. Hindi kasi nila kinakaya ang attitude ko eh. Ako na mismo ang nagpaparamdam sa kanila na rejected sila. Wala akong sinisante na PA, nag-resign silang lahat.

Pero itong kumag na Grey na to eh tumagal sakin at kita niyo naman na walang sign na magreresign siya. Lahat na ginawa ko para lang mapalayas siya pero wala eh, immune ata to sa pagtataboy ko.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now