Promise? Promise.

10.8K 450 5
                                    

Promise? Promise.

Masakit yung umasa ka lang. Masakit yung akala mo eh may pinanghahawakan ka pero wala lang palang halaga yun sa kanya. Unfair naman di'ba? Nagmahal lang tayo, pero bakit ganito ang napapala natin? Bakit kailangan pa nating masaktan? Kasalanan bang magmahal?

Pero sa kaso ko? Ang pinakamasakit sa lahat eh yung sinaktan ka na nga at lahat lahat, pero hindi mo pa rin magawang makalimutan yung nanakit sayo. Gusto mong magalit, gusto mong iparamdam sa kanya yung sakit na naramdaman mo rin, pero hindi mo magawa. Dahil kahit ilang libong beses ka niyang saktan, mahalaga pa rin siya sa'yo.

Di'bale nang ikaw ang masaktan, wag lang siya. Sa kanya ka humuhugot ng lakas eh, kaya pag nakita mo siyang nasasaktan eh wala ka nang panghuhugutan pa ng lakas ng loob para lumaban.

His weakness is your weakness, his strength is your strength..

Nandito pa rin sa kwarto ko si Grey.. Halos ala-una na ng madaling araw pero gising pa rin ako.. Siya naman ay nandun sa couch nakahiga..

Tumitig ako sa kanya for a few moments..

"Ayokong masaktan lang kita kaya nilalayo ko na ang sarili ko sa'yo.."

3 Years Ago..

"Think of it anak, its a once in a lifetime opportunity. Malaki ang maitutulong nito sa kumpanya natin. And may Tita and Tito ka naman dun sa Japan. Just four years anak, you can do it," sabi sakin ni Dad.

"Pasensya na po talaga Dad but I really don't want to go in Japan. Ayoko pong mahiwalay sa inyo," sabi ko.

Ayokong mahiwalay kay Grey..

Huminga ng malalim si Dad.

"Well, if that's your decision, wala na akong magagawa," sabi niya.

Pagkalabas ko ng office niya eh sinalubong naman ako ni Grey.

"Ano sabi niya?" Tanong niya sakin.

"Gusto niya akong papuntahin sa Japan, dun niya ako gusto pag-aralin para makatulong daw ako sa publishing company," sabi ko.

"Pumayag ka?" Tanong naman ni Grey.

"No. Di'ba sabi natin walang iwanan?" Sabi ko sabay ngiti.

Ngumiti naman sakin pabalik si Grey.

Malapit na kami nun mag-first year high school. Kaya nga ayaw kong pumunta sa Japan kasi baka ma-bully na naman si Grey sa bagong school na papasukan namin.. Baka may umalipusta na naman sa kanya at wala ako sa tabi niya para protektahan siya..

Pero akala ko tutupad siya sa promise namin.. Akala ko hindi niya ako iiwan.. Akala ko parati lang siyang nasa tabi ko..  Akala ko..

"Sige po Tito, thank you po," dinig kong sabi ni Grey.

"Thank you rin Grey, aasikasuhin ko na ang papers mo para makapunta ka na ASAP sa Japan," sagot ni Dad.

Nagkuyom ako ng palad ko. Sakto naman na papaalis na ako eh lumabas si Grey mula sa office ni Dad.

"Keith!" Tawag niya sakin pero di ko siya pinansin at tumakbo ako palabas ng bahay.

Umupo ako dun sa may bench sa garden namin at dun ako umiyak..

Aalis siya ng ganun-ganun na lang? Iiwan na lang niya ako basta-basta? Akala ko ba nag-promise siya sakin..

"Keith.." Tawag sakin ni Grey mula sa likuran ko.

Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Hindi ako makatanggi kay Tito Iñigo. Gusto kong kasama ka pero gusto ko rin naman na makatulong sa kumpanya niya eh. Tsaka babalik lang ako agad. Tsaka baka pwede na tayong dalawa yung magkasamang pupunta, kausapin natin si Tito," sabi niya.

Committed to Love You [Part 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon