Da Moves

10.7K 421 6
                                    

Da Moves

Pa-epal si Author:

Happy 2015! Bilis lang ng panahon di'ba? What things are you looking forward to do this year? Ako ewan, malay, wala akong idea. XD Thanks nga pala bro Khiel for letting me stay in your house nung Christmas vacation.

Wish ko na sana this year, HINDI MO NA PAPAKIALAMAN ANG WATTPAD ACCOUNT KO. Kilala mo na kung sino ka. XD

So anyways, heto na po ang karugtong ng Committed to Love You. I hope na sana patuloy kayong hooked sa kakulitan ni Grey at sa ka-bitteran ni Keith.

Ano ba ang meron sa new chapters? SPOILER ALERT.

Well, Keith will try to be nice with Grey. Susubukan din ng parents niya na magkabalikan. Unti-unti na ring babalik sa dati si Keith. At isang sikreto ang malalantad sa kanya.

Ano nga ba ang totoong dahilan ng pag-alis ni Grey sa Pilipinas almost five years ago? At anong sikreto ang tinatago ni Grey na ang parents lang ni Keith ang nakakaalam?

At bakit kung kelan handa na si Keith na ngumiti ulit at patawarin si Grey, saka naman darating ang mga taong makikigulo sa kanila? Pwede pa ba sila ma-fall sa isa't-isa even if they already have their own WRITTEN DESTINIES?

Habang nagkakaroon ng kasagutan ang mga malalabong tanong sa isip ni Keith, saka niya marerealize na maybe, after all these years, hindi na talaga sila pwedeng maging magkaibigan pa ni Grey. Because he knows that something deep inside him says that he is starting to fall for the most stubborn PA he ever had.

At kung ayaw niyang masaktan, kailangan na niyang pigilan ang nararamdaman niya habang maaga pa.

I'm looking forward to finish the story before February ends! Lovelots!

nJs_ashtone

•••

Keith's P.O.V.

December 24

Nasa mall ako at namimili ng kung anong mapagtripan ko. Naglalakad ako na may dala-dalang shake. Kakagutom kasi maglakad lakad dito.

Nagpaalam ako kina Grey na pupunta lang ako sa Mall. Busy kasi sila ngayon sa bahay para sa Noche Buena mamaya. At dahil kasumpa-sumpa ang luto ko eh hindi na ako nag-atubiling tumulong pa.

Nakabili na ako ng mga bagong damit at mga sapatos. Naka-isang pizza na rin ako pero bored pa rin ako. Boring naman kung mag-isa lang akong maglalaro sa WOF. Ayoko magmukhang tanga.

Si Grey..

Reregaluhan ko pa ba yun? Nasa harap na ako ng exit habang tinatantiya kung bibilhan ko ba yun ng regalo o hindi.

Naglakad na ako palabas ng exit. Pero nasa pinto na ako nung bigla akong napahakbang paatras.

Bibili ako o hindi?

Wag na lang..

Humakbang na ako papalabas pero natigilan na naman ako.

Aaaaaaaaaarrrrggghhhh!!!

Dali-dali akong tumakbo papasok sa Mall.

Natigilan na naman ako habang nakatingin sa mga boutique dun.

T-shirt?

Yuck.. So usual..

Necklace?

Kasagwaan..

Sapatos?

Cinderella lang?

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now