Prejudiced

8.7K 384 12
                                    

Prejudiced

Madilim na nung dumating sina Mommy at Daddy kasama si Tita Dianne. Malapit na ring matapos yung mga niluluto sa kusina. Samantalang ako heto, kaharap si Jade sa may garden ng bahay namin.

Nakilala ko nga siya nung malapit na ako mag-first year. Naging classmate ko pa nga siya dati eh. Kaso nung natapos na kaming mag-Second year eh lumipat siya ulit sa Japan.

Business partners ang parents namin. Kaya naman di na ako nagulat nung kulang na lang eh ipakasal nila kami ng wala sa oras.

"Kumusta ka na Keith? Are you doing good?" Tanong sakin ni Jade.

"Yeah. I'm fine," sagot ko naman habang sinusundan ng tingin si Grey na dumaan bigla sa harap namin.

"Dito ko balak mag-college," sabi pa ni Jade.

"Really? That's great," sabi ko naman, wala akong ibang maisip na isasagot.

Nakita ko naman sina Mommy at Daddy na pasimpleng tumatanaw samin mula sa sala. Si Ate Jasmine naman eh napatitig lang samin. Tinitigan niya ako ng makahulugan.

Nakita ko si Grey na kausap si Bianca sa may kusina. Nakangiti pa si Grey habang kausap si Bianca, maya-maya pa ay nakita ko silang nagtatawanan.

"Keith?" Tawag sakin ni Jade.

"Sorry. What?" Tanong ko naman.

"I'd like to take the same course as yours. Same school din tayo papasok," sabi ni Jade.

Huminga ako ng malalim. In love ba to o obsessed?

"Uhm.. Good. At least makakasama na kita," sabi ko naman.

Ngumiti naman siya.

"Do you still like me Keith?" Tanong niya bigla sakin.

"I- I don't know," sagot ko naman bago ko pa napigilan ang sarili ko.

Yumuko naman si Jade.

"I still love you Keith. Kahit ilang taon din tayong di nagkita di ka pa rin mawala sa isip ko," sabi niya.

Di ako nakasagot. Namumula na ako sa pagkapahiya.

"I really- well, thanks," sagot ko naman.

"I'll understand kung di mo pa ako liligawan, alam ko na busy ka sa school niyo. But I'll wait for you," sabi niya na nakangiti.

Napangiti na lang ako ng alanganin. Gusto ko sabihin sa kanya na wala akong nararamdaman sa kanya aside sa friendship. As in WALA. Pero ayoko naman siyang mapahiya. At malamang pag sinabihan ko tong di ko siya mahal eh para na rin akong nakipag-break sa kanya. Buhay nga naman..

"Dinner na raw po Sir Keith," sabi ng isang boses sa likuran ko.

Napalingon ako, si Grey lang pala.

Wait..

Po?

Sir Keith?

"Tara na sa loob Keith," sabi ni Jade.

"Susunod na lang ako. Mauna ka na, may kukunin lang ako," sabi ko naman.

Nung nakaalis na si Jade eh saka ko hinarap si Grey.

"Its urgent Sir Keith. Kailangan niyo na dung pumunta," sabi pa niya.

"Kelan mo pa ako tinawag na Sir Keith?" Irita at nagtataka kong tanong.

Di siya sumagot.

"At kelan ka pa nag-po sakin?" Dagdag ko pa.

"Ngayon lang," he said coldly.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now