Broken Once Again

7.3K 327 24
                                    

Broke Once Again

Patakbo akong bumaba sa sala. Pagkababa ko eh mangilan-ngilan na lang yung mga tao. Wala sa sala yung parents ko kaya nagtuloy ako sa garden namin. Dun ko sila naabutan kasama si Charles at Ate Jasmine..

"Ba't di ka pa matulog Keith? Baka pagod ka na," sabi sakin ni Mommy nung papalapit na ako sa kanila.

"Dad? I want to ask you something," sabi ko sa garalgal na boses.

Medyo natigilan si Dad. Napansin ko rin na nagtama ang tingin nila ni Mommy.

"W-what is it, anak?" Tanong sakin ni Dad.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Pinipilit ko na hindi manginig yung boses ko.

"What is your motive for appointing Grey as my PA?" Tanong ko sa kanila.

Pumikit si Dad at huminga ng malalim bago nagsalita..

"Alam mo naman di'ba na sensitive pa yung sakit mo sa puso nung bata ka pa. Sabi ng doktor na we need to give you a friendly environment, kaya naman pagbalik dito ni Grey ay in-assign ko siya na maging PA mo," sabi ni Dad.

"Yun lang ba?" Tanong ko pa sa kanila.

Tumitig si Dad kay Mommy.. Tumango naman si Mommy sa kanya..

"Well, may isa pa akong pinagawa kay Grey-"

"What is it?" Sabi ko.

"Look. Keith, anak. We did that kasi kapakanan mo ang iniisip namin, ayaw namin na lumala pa lalo ang sakit mo kaya napilitan kaming bumaling kay Grey-"

"What is it?!" Ulit ko pa. Nanginginig na yung boses ko.

"Forgive us Keith.. I- We told Grey to act that- that he loves you.. We're very sorry Keith, ayaw lang namin na lumala pa lalo sakit mo kaya namin yun ginawa," sabi ni Mommy na umiiyak na.

Para akong binagsakan ng kung ano sa balikat ko.. Napahawak ako sa isang bench na nandun dahil pakiramdam ko ay nawalan ako bigla ng lakas. Nanginig bigla ang tuhod ko at parang nagsisikip ang dibdib ko..

Tumitig lang ako sa kanila, gulat at di makapagsalita.. Namalayan ko na lang na tumulo na yung luha ko.

I opened my mouth to speak pero walang salitang lumabas.. Napaluhod ako sa damuhan.. Lumapit sakin si Ate Jasmine at niyakap niya ako..

"I'm sorry Keith.." Sabi niya na umiiyak na rin..

"B-bakit niyo n-nagawa sakin to?!" Bulong ko sa kanila na puno ng hinanakit.. Nanginginig na yung boses ko at di ko na napipigilan ang luha ko..

"Anak.. I'm sorry. Di namin sinasadya," sabi ni Mommy at lalapit sana siya sakin pero tinabig ko yung kamay niya.. Tumayo ako at tumitig sa kanila..

"A-ano bang kasalanan ang ginawa ko para ganituhin niyo ko?! Di ba ako pwedeng sumaya?! Pinanganak ba ako dito sa mundo para magtiis ng sakit?! Pinanganak ba ako para... para lang paasahin niyo?!" Sabi ko sa kanila..

"Keith- listen to me- mahal ka ng parents mo, mahal ka ni Grey.. Mahal ka namin! Kaligayahan mo lang ang iniisip namin kaya naman intindihin mo sana kung bakit yun nagawa ng parents mo," garalgal na sabi ni Ate Jasmine..

"NO! Hindi niyo ako mahal! Dahil kung mahal niyo ako di niyo ako papaasahin!! Di niyo ako sasaktan! Pare-pareho lang kayo!" Sabi ko sa nanginginig na boses, hindi ko maitago yung hinanakit na nararamdaman ko.

"Keith please forgive us! Sorry.." Sabi ni Mommy sakin..

"Akala ko pa naman sasaya na ako.. Akala ko pa naman magiging okay na ang lahat.. Akala ko mabubuo na ulit ako.. Umasa lang pala ako.. Nakakapagod na kasi eh.. Pagod na pagod na pagod na ako.. Ako na lang parati yung iniiwan, ako na lang parati yung nasasaktan," sabi ko sa nanghihinang boses.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now