Weak

11.5K 449 24
                                    

Weak

At dahil wala naman akong magawa the next day at next week eh Christmas Vacation na namin eh wala na sa isip ko pa ang mag-aral man lang. Kaya naman naisipan ko na mag-ayos dito sa bahay.

Ringtone..

From: Grey

Pupunta ako diyan ngayon. Nandiyan ka ba sa bahay niyo?  May dala ako rito.

Pumunta ka kung gusto mo dahil wala naman akong pake.

Chineck ko yung mga kwarto sa taas. Malinis naman. Kwarto ko lang ata ang magulo kaya naman naglinis ako ng mga kalat dun. May mga librong nagkalat, damit, at kung anu-ano pang mga gamit.

Sa baba naman eh kusina yung pinakamagulo kaya naman yun yung inayos ko. Kasalukuyan akong nagpupunas ng counter nung biglang may nag-door bell.

Door bell..

Door bell..

Door bell..

Pumunta ako sa gate at binuksan ko yun. Hawak ko pa yung basahan na gamit ko.

"Alam mo bang ginagambala mo ang buong village? Hindi ako bingi at busy ako," sabi ko naman diretso pasok sa bahay.

Si Grey lang naman ang bumulaga sa gate ko.. May dala dala na naman na kung ano..

"Ipagluluto kita ng lunch tsaka dala ko na yung handouts natin sa Physics," sabi niya na nakasunod sakin.

Nagulat siya pagkapasok niya ng bahay.

"Himala? Naglinis ka?" Sabi niya.

"Pinapakita ko lang na hindi ako dependent sayo! Kaya kong mag-survive kahit wala ka!" Sabi ko naman.

"Pa'no ka magsu-survive kung wala ka namang pagkain?" Sabi niya sabay bukas sa refrigerator kong wala namang laman.

"Nag-grocery na rin ako. Tatagal naman ata to ng one week," sabi niya sabay ayos nung pinamili niya.

"Hindi kita sinabihan na mag-grocery para sa - aray!" Sabi ko dahil nabagsakan ako bigla ng frying pan sa ulo.

"Yan, mag-iingat ka kasi," sabi niya na di sakin tumitingin.

Napahawak ako sa ulo ko. Ano ba yan.. Ang sakit..

Bihira na nga lang maglinis epic fail pa..

"Ano ang gusto mo for lunch?" Tanong niya.

"Gusto ko yung kakain ako na mag-isa at walang epal na kung sino," sabi ko sabay pulot sa frying pan.

"Magluluto ako ng nilagang baboy kaya maglinis ka lang diyan para marami kang makain mamaya," sabi niya.

Di na ako nagsalita. Nagpatuloy na lang ako sa paglilinis ko ng bahay. Kaya after ng isang oras, nung saktong malapit na maluto yung nilagang baboy, (kumukulo na yung tiyan ko) eh sakto naman na natapos na rin ako maglinis.

"Maliligo lang ako," sabi ko naman sabay talikod.

"Bilisan mo, malapit na to maluto," sabi naman ni Grey.

Pero saktong pagkatalikod ko eh biglang sumakit yung ulo ko kasabay nun ay umikot bigla ang paningin ko. Sumakit rin bigla yung dibdib ko at hindi ako makabwelong huminga.

Nagawa ko pang makahawak sa upuan pero nawalan ako ng lakas at bumagsak ako sa sahig bago nagdilim ang paningin ko.

•••

"Grey.." Sabi ko bigla pagkagising ko. Nagmulat ako ng mata at sa pagtingin ko sa paligid eh narealize ko na nasa kwarto ko pala ako.

Nakita ko si Grey na nakatayo sa may pinto. May kausap siya, pero nakita ko na si Tita Jessica lang yun at si Mommy.

Committed to Love You [Part 1]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora