Kabanata 1

25 0 0
                                    

Burning Red

Round

Tinitigan ko ng ilang segundo si Ali. Nahihiwagaan sa magiging kapalit ng laro. Don't get me wrong, the price was temping, I really love her car but... nevermind.

"Bakit Porsche mo ang kapalit? I mean, hindi mo nga ako hinahayaang magdrive tapos ngayon..." I trailed off. Kinukumpas ang mga kamay sa ere.

"May balak si Dad na bilhan ako ng car this month, bigay lang naman iyon ni Kuya pero kung ayaw mo..."

"No... ano bang ipapagawa mo?" Anas ko kaagad.

I poured another liquor on my glass and sipped on it.

"Simple lang, kita mo 'yong hunk sa taas?"

Tumingala ako at nakita ang tinuturo niya. Halos mapangiwi ako nang makitang parang businessman ang isang iyon. Ang coat ay nakasampay sa upuan at nakaputing button down shirt lang. Nakatagilid ang mukha niya sa amin kaya hindi ko makita ng buo.

But I can see that he has a very nice features. Napasimangot ako kay Ali. Kung sa iba sana ay pwede pa, bakit naman sa halos kaedad na ng Kuya niya. Kainis!

"You know... I prefer guys my age," pagtataray ko.

Humalukipkip lang siya at uminom.

"Okay, madali akong kausap."

Agad akong tumayo na ikinatawa niya. This bitch!

"Ano nga?!" Kailangan ko talaga ng sariling sasakyan kapag may lakad akong mag isa.

"Ang yaman niyo tapos kung makaasta ka ay para kang namumulubi... aminin mo, hindi ka na binigyan ng Dad mo ng pera 'no?"

"Iniinsulto mo ba ako?" Naiirita ko ng ani sa kanya. Nanliliit ang mata.

"No, It's just my thoughts. Masyado ka namang halata,"

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinabalik niya sa seryosong ekspresyon.

"Okay, here's the thing... sundan mo ang lalaking iyon and make out in his car, kapag nagawa mo then you'll have my Porsche, deal?"

She smiled confidently at pinaparating ng mga mata na imposible kong magawa ang sinasabi niya. It's easy! Sinong makakatanggi sa akin?

"Deal,"

Nginuso niya ang direksyon ng lalaki kaya lumingon rin ako. Tumayo na siya kaya agaran rin akong tumayo sa upuan ko.

I took a one last glance at her and smiled proudly."Ihanda mo na ang kotse bukas... I'll surely killed it."

Kumibit siya at confident sa sarili na imposible nga. Tinungga ko ang bote sa harap bago tumalikod at sundan ang lalaki.

Malalaki ang hakbang niya kaya kinailangan kong bilisan ang lakad. From where I was tailing ay napagtanto kong matangkad ang lalaki at malaki ang katawan, suki yata sa gym ang isang 'to.

Nang nasa parking lot na ay tumunog ang mamahalin at makintab na sasakyan sa malapit. On reflexes, binilisan ko ang lakad hanggang sa mauna ako sa harap ng sasakyan niya.

Inihanda ko ang ngiti bago humarap sa kanya. And there, I saw his full body inches away from me. Hindi nga ako nagkamali at mas gwapo nga ang isang 'to sa malapitan. He has that disheveled dark hair, bushy and perfect brows, pointed nose and very red thin lips, not to mention his angled and sharp jaw.

Oh my god! I'm seeing a real god in front of me!

Bumalik ang mata ko sa kanya. He has a dark, sharp almond eyes that looks attractive. Who is he? Bakit ngayon ko lang nakita ang ganito kagwapong lalaki?

Burning RedWhere stories live. Discover now