Kabanata 29

17 2 0
                                    

Burning Red

Personally

"Let's make a toast for Azealia!" Harry cheers as he lift the whole bottle of Jack Daniels.

"And Harry's downfall!" Pahabol ni Lin na nakangisi.

"Cheers!" I said, laughing, as we clinked our glass in the air.

Sabay sabay namin iyong ininom at mapapangiwi tuwing dadaan sa lalamunan ko. I winced at the bitter taste.

"Ayos lang 'no! Marami akong naipon dahil kay Azealia, hakutin ba naman lahat... maghahanap nalang muna ako ng mapapangasawa diyan."

"Hay, naku! Wala ng gwapong loyal sa mundo ngayon, kung meron man ay karamihan may sabit!" Si Lin at nagbuhos ulit ng alak sa baso.

"Sinabi ko bang gwapo ang gusto ko? Ikaw talaga ang judgemental mo, bitter ka? Tumitingin rin naman ako sa ugali 'no! Plus points nalang kung gwapo."

Dumampot ako ng nachos sa mesa habang nakikinig sa bangayan nila.

Napagkasunduan nila na icelebrate ang huling araw ko sa trabaho dito sa Forbes. An elite bar not far from where I work. Inantay ko nalang matapos ang kontrata ko sa pag m-model dahil iyon ang plano ko.

Maybe I can comeback when I feel like it. Sa ngayon ay ang business ko muna ang pagtutuunan ko ng pansin.

"Ikaw, Azea, nagkaboyfriend ka na?"

"Oo nga, simula nu'ng naging team tayo hindi ko pa nabalitaang nagka boyfriend ka... aside of course kay Vaughn... o kung ano mang tawag mo sa inyo."

Biglang nabaling ang mga ulo nila sa akin na tahimik na kumakain kaya hindi maiwasang magulat. Napaturo ako sa sarili at natawa.

I glanced at Vaughn sa may bar counter na busy sa kalandian niya ngayong gabi. Sinundan nila ng tingin ang mata ko.

"I... never had a boyfriend...? No. Wala. Vaughn and I were just good friends, too. Tingnan niyo nga ang lalaking pinagkakanulo niyo sa'kin. D'yan palang, ekis na siya sa listahan ko!" I pointed Vaughn na nakikipaghalikan na sa kanina lang niyang kausap.

Namahay naman sa isip ko ang naging tanong nila sa'kin. I actually don't know kung nagkaroon nga ba ako ng ganoon before I lost everything.

Naiwan ang tingin ni Harry sa akin at may pagtatanong ang mata sa hindi ko siguradong sagot ngunit hindi rin naman nagtanong.

Mabuti nalang at naiba rin ang pinag usapan nila kalaunan. Nang medyo makaramdam na ako ng hilo ay nag paalam na akong uuwi at balak nalang magpasundo sa driver.

"I can drive you home... wait up!" Biglang sulpot ni Vaughn sa gilid ko.

Binaba ko ang phone na dapat ay pang tawag ko sa driver at naghintay nalang sa kan'ya.

"Hindi ka lasing?" I asked nang makapasok sa kotse niya.

Namumula ang pisngi niya at may tama na yata ng alak pero nakakausap pa naman ng matino. Magulo ang buhok at may nakita pa akong lipstick stain sa may collar niya.

Ngumiwi ako.

"No, sa halik, maybe... damn, she's good." Bulong niya na narinig ko naman.

Ang landi talaga nito.

"Iw! Inuwi mo nalang sana iyon, pakiramdam ko tuloy naging abala pa ako sa inyo!"

Humalakhak siya."She had a boyfriend... not gonna happen, sugar."

"What? Are you nuts? Then... then, I saw you two kissed!" Nanlalaki ang mata ko sa kan'ya.

Natawa ako kalaunan sa hindi malamang dahilan.

Burning RedWhere stories live. Discover now