Kabanata 7

18 1 0
                                    

Burning Red

Accidentally

"Hi,"

Klane grinned at me and was about to peck on my cheek when Isaiah loudly cleared his throat.

Naalala ko naman ang sinabi ni Mom kaya ako na ang nagpatuloy. It must be Klane she's talking about since hindi nalalayo ang edad namin.

"Nice meeting you,"

Humiwalay ako at ibinaling naman ang tingin sa isa pa.

Ngumisi ako ng nakakaloko sa kanya at handa ng lumapit ngunit nauna niyang hinapit ang bewang ko at yumuko para humalik sa pisngi.

"You're so gorgeous, it makes me wanna steal you away from the crowd..." Bulong niya.

I caught a sight of his Dad na nakataas ang kilay sa amin.

Natawa ako nang humiwalay siya at nakita ang seryoso niyang mukha.

Asa!

Nagsimula ang party bandang alas dyes ng gabi at nagkakatuwaan na ang lahat. May nakaset up na dancefloor malapit sa pool area kaya nandu'n lahat ng mga nagsasayaw.

Si Kuya ay hindi ko mahagilap sa crowd while sila Mom ay nasa may garden area kasama ang magulang nila Klane.

Nang silipin ko ang pwesto nila ay may kasama pa silang ibang kaibigan rin. Isaiah was there also at mukhang seryoso ang usapan nila sa mesa base sa mga mukha nila.

Tumatango tango si Isaiah sa sinasabi ni Dad at maya't maya ang paghaplos ng buhok niya paatras na bumabalik rin naman sa dati.

"Saan ka?"

Bumaling ako kay Ali na namumungay na ang mata habang nakatingala sa akin.

"I'll be in my room, magpapahinga lang sandali. My feet hurts,"

Pinakita ko ang paa na namumula. She handed me a glass of tequila kaya mabilisan ko iyon tinungga para makaalis na.

Kasama niya naman ang mga kaibigan ni Kuya sa mesa. May mga babae rin silang kasama kaya iniwan ko na. Kaya na niya ang sarili niya.

I went upstairs at hinubad ang heels nasuot kanina pa. Ginalaw galaw ko iyon at nagpahinga sandali.

The loud music outside became muffled dahil sinarado ko ang sliding door from the terrace.

Bumaba rin ako to get some food to eat at sa kwarto nalang kakainin.

"Oh, bakit nakapaa ka nalang?" Si Nana.

"Masakit na po ang paa ko kanina pa kaya hinubad ko na. Kukuha lang po ako ng pagkain. I'll be eating upstairs..."

Dahil si Nana na ang kumuha ng pagkain ko ay umupo nalang ako sa tabi.

Pinagmasdan ko ang paglalagay niya ng chocolate cake sa plate at carbonara and and some orange juice. Nagpresinta na akong ako na ang magdadala dahil marami pa siyang ginagawa dito.

I went back upstairs at binuksan ang pinto. Sa pagharap ko ay nakita ko si Isaiah na comportableng nakaupo sa kama ko. Ang mata ay umiikot sa bawat sulok ng kwarto.

"Paano ka nakapasok dito?" Gulantang kong ani.

Mabilis kong inilock ang pinto sa takot na baka may mapadaan sa hallway at makita siya. What the hell?

Nasa labas pa siya kanina, ah? Ang bilis naman.

"I climbed the stairs?" Sarkastikong tinig na sambit niya.

Umirap ako sa kawalan at inilagay sa table ang tray. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang paghiga niya.

"Do you want something? Ikukuha nalang kita sa baba..."

Burning RedWhere stories live. Discover now