Kabanata 23

16 1 0
                                    

Burning Red

Party

"What's your plan after college?" Si Ali.

We're currently at school at ilang araw ng abala dahil marami kaming inaasikaso lalo na't nagsisimula na ring magpractice ng march for our graduation day.

Kumibit ako sa tanong niya."I don't know. Baka gumala muna ako sa States, alam mo na... mas mabuting i-enjoy ko muna ang sarili bago sumabak sa totoong trabaho. Ikaw?"

Mabilis ang mga araw at parang kahapon lang ay nagsusumikap pa akong mag aral pero ngayon ay malapit ko ng maabot ang pangarap ko. Ang katas ng sariling pagod. Ang kagustuhan kong gumawa ng sariling pangalan sa industriya ng hindi kinakailangan ng tulong ng apilyedong dala ko ang nagtulak sa aking sikapin ito.

Masarap lang sa pakiramdam na kaunting hakbang nalang ay mahahawakan ko na ang tagumpay.

"Dad wants me to handle our business... kahit hindi niya sabihin sa'kin alam kong ako pa rin naman ang hahawak nu'n..."

Ngumuso ako at hindi nalang nagkumento. Wala naman akong alam sa business nila kaya mas mabuting manahimik nalang ako.

Palabas na kami ng gate nang makasalubong namin si Kisha. Hindi ko na sana papansinin nang hinarang niya ang dinadaanan namin. Himala at mag isa siya ngayon.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagiging desperada niya na makuha si Isaiah na kahit siguro maghubad siya sa harapan niya ay gagawin niya para mapansin lang.

Huh! Try harder. I bet he wouldn't even take a single glance at her.

Mapang insulto niyang hinagod ang kabuoan ko at ngumisi. I saw Ali raised her brows at Kisha. Humalukipkip ako at tamad siyang tinignan pabalik.

"Kayo pa rin pala... congrats! Siya na yata ang pinakamatagal mong nakarelasyon,"

Ano na namang kawalaang kwenta ang pinagsasabi niya.

Mukhang hindi na rin nakatiis si Ali at sumabat na.

"Tama ka, kaya itigil mo na ang pagpapapansin kay Isaiah kasi nagmumukha ka lang desperada." Asik niya.

Kisha seemed cool with it at hindi manlang naging apektado. Nagawa pa ngang tumawa ng mapang asar. Maarte niyang ipinaypay ang mga kamay at bumaling sa akin. Pakiramdam ko ay puputok na ang ulo ko sa iritasyon sa kan'ya.

"Right. As much as I wanted to get him, ayoko rin namang makasira ng relasyon."

Hindi ko na napigilang matawa sa pinagsasabi niya. Anong tingin niya sa sarili, kung ganoon? Hindi ba iyon naman ang ginagawa niya sa amin ni Isaiah? Mahilig siyang pumasok sa relasyon ng iba at masyadong bilib sa sarili na kaya niyang manira para lang makaeksena. Maging dahilan ng pag aaway.

I call it a desperate move. Walang pumapatol kaya ganoon.

"Hindi pa ba paninira ang tawag sa ginagawa mo sa'min ni Isaiah? Bilib nga talaga ako sa pagiging desperada mong makuha siya. Nice try, Kish but... try harder." I tried to give her my most sinister smirk at lalagpasan na siya nang bigla siyang humagalpak ng tawa.

I grabbed Ali's hand to walk past this bitch but I heard her say,"Masyado ka rin namang bilib sa sarili mo, tingin mo ba ikaw ang tinutukoy kong girlfriend? Oh! I mean, girlfriend ka pala?"

"What do you mean?"

It can't be right? Nadala na ako sa patutsada niya. This is just one of her desperate moves. She's feeding me with lies again, wala siyang ibang ginawa kung hindi manghimasok kaya dapat ay masanay na akong hindi totoo ang lahat ng lumalabas sa bibig niya.

Burning RedWhere stories live. Discover now