Kabanata 15

17 0 0
                                    

Kinatok kami nila Janet para bumaba para sa early dinner namin. Nagpalit lang ako ng shorts and white loose statement shirt.

"Iyong sinabi ko sa'yo, ah?"

Siniko ako ni Ashley nang makapasok kami sa elevator.

"Ang kulit mo sabing hindi ko nga kilala ang mga iyon..."

"How about you ask your boyfriend their names... or he can introduce them to us. What do you think?" Itinaas baba niya ang kilay at nangingisislap ang mata.

He's not my boyfriend... I wanted to say but...

Whatever.

Tumango rin si Anne sa akin na nakikinig. Umirap ako at hindi nalang nagsalita.

Naabutan namin sila Isaiah na nag aantay sa amin sa mahabang mesa. Mula sa cellphone ay umangat ang tingin niya sa akin. He intensely watched every steps that I take like a hawk watching his prey.

Nang makalapit ay tumayo siya at ipinaghila ako ng upuan sa tabi niya. Sa harap ko si Ashley at Tia katabi ang isa sa mga kasama ni Isaiah. Janet on my left, Ali and Anne.

Dumating ang waiter at kinuha ang order namin. Habang abala ang iba sa order nila ay saka ko naman naramdaman ang paa ni Ashley sa ilalim ng mesa. Pinanlakihan niya ako ng mata at gumagalaw ang labi na parang nanggigigil.

Umirap ako at sinipa rin siya pabalik. I cleared my throat and faced Isaiah to whisper.

"Uhm, you haven't introduced us your friends... maybe you could tell me their names...?"

Kumunot ng husto ang noo niya at umiwas ng tingin. He brushed his hair back and clenched his jaw.

"Why would you wanna know their names? You don't need that... they're here for work."

"No, uhm... Ashley actually requested it I mean... the girls wanted to know them too."

I shrugged my shoulders at kunwaring hindi interesado. I actually wanted to be friends with them. Kahit ngayong araw lang. They seem harmless naman at kakilala sila ni Isaiah.

Sa huli ay napapayag ko siya sa gusto kahit na may pagtutol sa mukha. Nalaman kong si Ian, Dawson and Caiden were his buddies since college. They're close naman pala bakit ayaw niyang ipakilala sa amin. Konti nalang ay iisipin kong plastic rin itong si Isaiah.

They run their own companies too. Damian, his cousin, handles this resort. Kaya naman pala malakas ang loob ni Isaiah na ipasok kami rito.

Pangiti ngiti sila Ashley habang kumakain dahil naipakilala na. May binabalak na iyan, sigurado ako. Nagkakausap na rin ang iba kaya medyo maingay ang mesa namin.

"Water?"

I nodded at Isaiah habang binabalatan ko ang shrimp.

"Yes, please..."

Narinig ko ang malakas na pag ubo ng pinsan niya na humihingi rin ng tubig. He held his glass out ngunit hindi siya napansin ni Isaiah.

"I need a glass, man."

Ibinaba niya ang pitcher at bumalik na sa pagkain. Bumungisngis ako kay Damian na nakasimangot na.

"Use your hands... you're old enough to do it." Walang pake na ani niya.

"Tanginamo,"

Sa kalagitnaan ng pagkain ay nakuha ng atensyon ko ang pinag uusapan nila Janet sa tabi ko.

"I saw a group talking about it kanina... diyan lang daw sa malapit ang party."

"What party?" Sabat ko.

Burning RedWhere stories live. Discover now