Kanabata 28

20 1 0
                                    

Burning Red

Vaughn

I clutched my chest as I tried to keep up with my breath. Umupo ako at sinunod ang palaging paalala ng doctor. Napahilamos ako sa mukha at sinubukang huminga ng malalim.

I Inhaled. Exhaled and repeat for a couple of times but it didn't help. Isinubsob ko ang ulo sa magkadaop na tuhod at doon humagulgol.

For months, I keep on dreaming strange things. My childhood and blurry faces. Sa pag iyak ko nalang ibinubuhos ang frustrations ko kapag hindi ko maalala ang mga pangyayari. It's ironic how I calm myself in times like this. Nakakalma ko ang sarili kapag iniiyak ko ang lahat.

Minsan nagigising nalang ako na may bakas ng luha sa mata. I always ended up crying kahit anong gising ko. Nang itanong ko sa personal doctor ang kadalasang nangyayari sa akin ay sabi niya parte lang iyon ng ilang  emosyon at alaala bago ang aksidente.

I must have went through something heavy para makaramdam ng ganito.

Nang makalma ang sarili ay lumingon ako sa orasan. Four in the morning. Too early. I sighed and just went off the bed. Binuksan ko ang pinto sa may veranda at lumanghap ng malamig na hangin.

I stared at the black sky above. I sighed and closed my eyes. I want my memories back. It feels like I have left something important. Kontento naman ako sa kung anong meron ako. I am showered with things sa kahit anong aspeto. Sa pamilya, estado, pera at kung ano pa man iyan.

Pero kahit na ganoon ay hindi ko maiwasang makaramdam na parang may kulang. Hindi ko masabi kung ano. Hindi ko magawang maging masaya ng permanente. Ngingiti man pero hanggang doon lang. Hindi na lalagpas pa.

Hindi makaramdam ng totoong saya ang puso ko at para iyong lobo na may butas na kahit anong galing mo sa pag ihip para malagyan ng hangin at kumorteng bilog ay babalik pa rin sa dati at unti unting liliit.

Sucking the air out of the balloon.

Hindi mo makita kung saan ang mali pero makikita mo ang lobo na unti unting mawawalan ng hangin sa loob. You just have to watch it slowly get thin dahil wala kang magawa. Wala kang makitang dahilan kung bakit nagkaganu'n.

That's how I feel. And I feel so fucked up.

But when I opened my eyes, all I see is a dark starless sky. Walang bituin at walang kinang. Na kahit ang langit ay sumasalamin sa lahat ng pinagdaanan  ko ng ilang taon.

"Anong bibilhin mong regalo kay lola?" Tanong ko.

Nandito kami ngayon sa mall at nag iikot ikot. It's better this way than overthink in my room. I need some of this for once. Natigil kami sa gitna ng maraming tao habang umiikot rin ang mata ko sa mga stores.

It's Lola's birthday kaya naisipan kong pumunta rito para makapili ng tingin kong magugustuhan niyang regalo. I brought Hugh with me since she's bored in the house.

She grew up here in states pero ngayon ay naisipang umuwi at manatili muna upang makasama si lola at makabonding sandali.

I wiggled my arms na nakalingkis sa akin to get her attention."Ha?"

"Anong bibilhin mo para kay lola?" Ulit ko.

She shrugged,"I don't know. Kahit ano naman siguro iyan tatanggapin niya basta galing sayo,"

Hinila niya ang suot na crop cami top kaya nakita ko ang balat niya sa dibdib. I pouted and think of another present. Tama siya at tumatanggap naman ng kahit ano si lola basta galing sa amin but I wanted to give her something that came from my heart.

Iyong maalala niyang ako ang nagbigay noon.

"Pustiso kaya?" I suggested.

"May ngipin pa naman siya, ah! Baka ibig mong sabihin palagyan ng braces?" Untag niya.

Burning RedWhere stories live. Discover now