Kabanata 19

20 1 0
                                    

"This will be quick, sweetie. Ilang araw lang kami doon at kailangan ang presence namin ng Daddy mo..."

Martes nang mapadaan ako sa kwarto nila Mom at nakitang naghahanda siya ng mga damit sa maleta. Dad was in his office, doon lang naman nahahanap tuwing hindi ko nakikita sa bahay o kaya sa kwarto nila.

Imbes na bumaba at maghanda ng makakain ay pumasok ako sa kwarto suot pa ang pantulog ko. I watched Mom shove everything on her black luggage while I sit on their king sized bed.

"May problema po sa kompanya, Mom?"

Pumasok siya sa malaking walk in nila at kumuha ng mga damit ni Dad. Tinulungan ko siyang pumili ng ties and suits habang nag aantay ng sagot.

"No, baby. It's nothing serious, don't worry about it. Tatawagan ko naman kayo para kumustahin... I'm sorry we had to leave you here alone."

She sounded really sorry pero ayos lang naman na maiwan ako dito sa bahay. Parang hindi naman ako nasanay noong mga bata pa kami ni Kuya. I certainly can handle myself.

"It's okay, Mom. Ingat po kayo ni Dad."

Hinatid ko sila ng tingin nang umandar na ang sinasakyan nila palabas. I went to the kitchen para kumain ng agahan while thinking kung anong gagawin ko ngayong araw.

Kuya isn't here too at maagang umalis dahil tinawag ng trabaho ayon kay Nana. Nakahanda na ang pagkain ko sa mesa nang makarating ako kaya kumain na ako.

Isaiah and I were just texting for days at minsan ay tumatawag siya tuwing hindi busy. Tuwing natatagalan siyang magreply ay iniintindi ko nalang dahil alam kong marami siyang ginagawa.

Ngayong araw ay hindi pa siya tumatawag o kahit text. Not that I'm expecting it but I kind of get used to him sending me a text in the morning. But well, like I said, I understand him. Alam kong pagod siya palagi sa trabaho at kahit hindi niya sabihin ay iyon ang nakikita ko sa kanya.

He's a handsome hardworking businessman. He does a lot of meetings everyday kaya ayaw ko ng dumagdag sa kanya. I'm fine with our set up, with what we have right now as long as it's him. With me.

"Kailan daw sila uuwi? Sayang naman! Doon palang kasi available iyong bagong release na make up na gusto kong bilhin!"

Ungot ni Yna nang malaman ang lugar kung saan sila Mom pumunta. Inimbitahan ko ang mga pinsan para samahan akong lumangoy sa pool dito sa bahay dahil wala akong mapuntahan ngayong araw.

Sa malapit lang naman ang bahay nila kaya hindi rin naging mahirap ang pagpunta nila rito. Nagkataon rin na break din nila. So basically, the twins, Yna and Trina brought some of our boy cousins kasama ang iba pa nilang pinsan. Inasikaso naman agad sila ni Manang sa loob while I stay in the pool with the girls.

Kumibit lang ako sa tanong niya at sinilip ang phone sa tabi. Still got no text from him.

"Aren't you tired painting your face all the time? Kahit saan mo pa mabili ang make up, imported or not, cheap o branded, pare pareho lang naman silang pangkulay sa mukha kaya hindi ko maintindihan ang pinagkaiba nu'n. It's all crap." Boses iyon ni Trina sa kabilang parte ng pool hawak ang baso ng gawa niyang shake.

I don't know if she's just stating her opinion or what. Sa kanilang dalawa ay mas tamed itong si Trina kaysa sa kambal niya. They're identical but I can already see their differences. Sa unang kita ay malilito ka sa kanila but when you get to know them more, you'll spot the difference.

"There! Ikaw na mismo nagsabi ng pagkakaiba nila. Cheap make ups will ruin my face kaya sa trusted ako bumibili, duh! Di ka relate so, get lost!"

Pumagitna na ako sa kanila dahil akma ng susugod si Yna sa tabi ko na iritado ang mukha.

Burning RedWhere stories live. Discover now