Kabanata 30

18 1 0
                                    

Burning Red

Triggered

"He was a regular customer and uh, he requested for the owner to get his orders this time, I'm sorry, Ma'am, I already called our manager but--"

"Where is he, then?"

He must be so tough to call me, the owner, just to get his orders. That's very disrespectful on my part.

Tinuro niya ang banda malapit sa mga shelves na malayo sa ibang tao. That's the perfect spot to be in 'cause it's peaceful and comfy.

I saw our manager talking to a guy who's back was facing on us. Balikat at ulo lang ang nakikita ko. Mukhang nahihirapan siyang mag explain base sa paglukot ng mukha niya at pasulyap sulyap sa banda namin. Ang mata ay nanghihingi ng tulong.

"I'll go talk to him... you can go back to work."

Iniwan ko ang litong mukha ni Vaughn at nagmartsa palapit sa may sofa.

I caught Fina sighed in relief when she saw me approaching. I smiled to ease her obvious nervousness and gestured her to get back to work.

Saka naman ako humakbang paharap sa kausap niya kanina na nanatiling parang hari kung makaupo.

I was a bit caught off guard by his dark pair of eyes that has already met mine. Mabilis kong naayos ang sarili. Kaya pala ganoon nalang ang reaksyon ng empleyado ko.

It's odd that he had his expression changed the moment his eyes landed on me. Mula sa matapang na mukha ay bigla iyong huminahon.

He shifted on his seat at hindi naitago ang paglunok."Hi..." He said softly.

I honestly expected a worst outcome dealing with a very demanding customer like him but I thought wrong. I have never been in a situation where I had to deal with the war freaks one and I will never wish to have one.

Hindi ko rin alam ang rason niya kung bakit kailangan pang ako mismo ang lumapit sa kan'ya. Pero dahil hindi naman gulo ang mangyayari tulad ng iniisip ko ay naging maganda ang pag uusap namin.

Kailangan ko rin sanayin ang sarili sa ganitong interaksyon at makihalubilo minsan. Mas maganda ngang ako mismo ang tutuklas kung paano ang araw araw na takbo ng shop ko.

In order to run a business, you should be part of it hindi iyong titignan mo lang kung paano lumago iyon ngunit wala ka namang alam kung papaano ang naging proseso kung bakit sumikat. Iba ang gumagalaw at nagpapatakbo.

It's like watching a flower bloom but you never made an effort to sprinkle it with water everyday.

Sa'yo nga ang bulaklak ngunit iba ang nagdilig pero ikaw pa rin ang nakinabang sa huli. Kaya kailangan ako ang magl-lead at kailangang alam ko ang lahat ng bagay na ginagawa ng mga empleyado ko para ramdam ko at lasang lasa ko ang totoong katas ng paghihirap.

Pasulyap sulyap ako sa table mula dito sa counter matapos maibigay ang orders. He has his phone over the ears at may katawagan.

Nagtatagal minsan ang tingin ko tuwing nagsasalubong ang kilay niya dahil nagmumukha siyang galit habang kumikibot ang manipis na labi.

Malayo sa itsura nang makausap ko kanina.

My heart jumped in surprise when he caught my eyes. Agad akong nagbawi ng tingin at parang magnanakaw na hinahabol ng pulis sa bilis ng pag iwas ko. I bit my lip and focused my attention on the cups.

Parang may sariling isip naman ang mata ko nang magkusa iyong bumalik sa pwesto niya. I can't help but steal a glance at him. Parang naging bakal ang paningin ko dahil naaattract iyon sa mala magnet niyang mata at hindi napipigilan hangga't hindi dumadapo sa isa't isa.

Burning RedWhere stories live. Discover now