Kabanata 26

15 1 0
                                    

Burning Red

Blinding lights

"Why?"

Hindi ko maiwasang bumusangot sa harapan niya. Biyernes, pagkatapos sa eskwelahan ay dumiretso ako sa opisina niya. I was sitting in front of his desk. Nakapatong ang ulo sa ibabaw ng kamay ko.

"Hindi na ako nakakapunta sa condo mo dahil dito ka naglalagi. I missed your home cooked food. Sawa na ako sa mga restaurants." I pouted.

Tumigil siya sa pagtitipa sa laptop at bumaling sa akin. Hinilig rin ang ulo sa nakakumo niyang kamay. Ginagaya ako."I'm sorry... okay, we'll cook at your place after this."

"Why not at your place instead? Atsaka hindi pa ako nakakapag grocery kaya wala kang maluluto doon."

"We'll do some groceries, then."

"Whatever," irap ko.

Tumayo ako at nilapitan nalang si Clay sa may sofa. Narinig ko siyang tumawa. I fished my phone out to capture him sitting pretty like a boss. I heard Isaiah's footsteps but I chose to ignore him today.

"Come here..." He said.

"Have you heard it, Clay?" Kausap ko sa aso na nakatunghay sa akin at tila nakikinig.

Isaiah chuckled like everything's making him laugh."He can't talk, baby. It's a puppy."

Nabitawan ko si Clay nang inangat niya ako sa ere. Namilog ang mata ko nang mahulog siya sa sofa at gumawa ng ingay na parang nasaktan.

"Oh my god! He got hurt!"

Pilit akong bumaba sa lap niya but he held my waist tight at sinulyapan lang si Clay na nakatayo na."He's strong, he can't be hurt." Kibit niya.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil parang hindi manlang siya nakonsensya. Sa huli ay pinulot niya si Clay sa carpet at walang nagawa.

We went to a supermarket to cook something for our dinner at kumuha na rin ako ng mga kailangan. He's my chef for tonight. I suggested sinigang since I craved for filipino dishes.

Hindi kami nagtagal doon at nakapila kaagad kaya ngayon ay nasa parking lot na kami at pinapasok ang mga pinamili. I placed the donuts at the front seat at nag ambang tutulungan siyang buhatin ang mga bags but he swatted my hands off of it.

"These are heavy, just get your stubborn ass inside the car, please."

Whatever. Pumasok ako at sandaling sinilip si Clay sa backseat. Hindi ko siya sinama dahil bawal pala siya sa loob. I opened the box and munch a piece of donut habang nag aantay na matapos si Isaiah. Nakita ko sa side mirror na may kausap siya sa phone at nakapamulsa. Nakakunot ang noo at tila galit sa kausap.

Na-curious ako kaya binaba ko ang window."Everything's fine?"

Binaba niya kaagad ang tawag at nagpatuloy sa ginagawa."Yeah. Close the window up, baby, maraming lamok."

"Okay,"

"You're phone's ringing!" Anunsyo ko nang maabala ako sa ginagawa. Isaiah's in the kitchen at nasa sala ako. Finishing my final report.

Hindi niya yata ako narinig kaya pinulot ko iyon at balak na ihatid nalang sa kan'ya. My brows knotted when a name flashed on the screen. Shelby. Who could this be?

"Someone's calling you, kanina pa. Who's Shelby?" Ani ko nang makarating sa kusina. Namatay ang tawag bago ko pa man maibigay.

His throat bobbed up and down for a second bago tumikhim. Umangat ang kilay ko nang mag isip siya."She's a... colleague. A former schoolmate back in college... why?"

Burning RedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant