Kabanata 20

14 1 0
                                    

"Wow! Ang sarap mo namang maging kaibigan marami akong mahuhuthot na gamit sayo! I can even make a collection dito sa mga bigay mo!"

Umaalingawngaw ang boses ni Ali sa classroom habang hinahalungkat ang laman ng dala ko para sa kanya. Nakiusyuso na rin ang iba naming classmates sa kanya.

"Mamumulubi ka talaga kapag si Red ang naging jowa mo, pre! Gucci bags pa nga ang binibigay kahit walang okasyon!"

"Tumatanggap ka ba ng saging na saba bilang regalo, Red!"

"Gago! Baka ipakulong ka pa ng pamilya niya kapag nalason iyan!"

"Hindi naman nakakalason ang saging, bobo! Kabuhayan namin iyon!"

Nangingiti akong umiling sa asaran ng iba kong kaklase. I know what they're talking about. Nakakain na ako nu'n at hindi naman masama ang lasa. Nagluluto minsan ng ganu'n si Nana sa bahay kaya nakakain ako minsan ng hindi ko mga kilalang pagkain.

"Nakakain na ako ng ganu'ng saging. It actually taste good," komento ko.

Inusog nila ang upuan palapit at hindi makapaniwalang nakakain na ako nu'n.

"Iyon naman pala! Sa susunod bumili kayo sa amin bibigyan pa kita ng discount!" Halakhak ni James.

"Pinapakyaw rin naman namin ang tinda niyo pero hindi ka naman nagbigay ng discount!"

Tumawa ako at sumang ayon sa kanya. Hindi nagtagal ang pang uusisa nila sa akin dahil dumating na ang guro namin sa hapong iyon.

I keep on glancing my phone every minute at nagbabakasakaling may maligaw na text sa kan'ya. Dalawang araw na simula nu'ng pinatayan ko siya ng phone at simula noon ay wala na akong natanggap kahit na ano sa kanya and it's starting to piss me off.

Umaandar na naman ang pagkapraning ko na baka nagbago ang isip niya sa akin dahil mas gusto niya ang babae na nakasama niya sa party. I wanted to talk to him and just forget about what I saw pero may parte sa akin na gustong magalit dahil kumapit ako sa sinabi niya na ako ang gusto niya.

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.

Sa cafeteria ay tahimik lang akong kumakain at minsan susulyap sa phone ko na nakalapag sa tabi ng plato. Ali was giving me weird looks at naasiwa na sa akin.

"Wala pa rin? Hay, baka masaya na siya sa piling ng iba kaya nakalimutan ng umuwi sa'yo. Ikaw kasi ang bagal mo, palay na nga ang lumalapit pakipot ka pa. Ayan naagawan ka tuloy, kung ako sayo inangkin ko na ang lalaking iyon umpisa palang dahil marami talaga ang interesado sa kan'ya... akala siguro ng mga babae walang nagmamay ari kaya ayon..."

Natigil ang akma kong pagsubo dahil sa mahaba niyang litanya. Right, he can just pick anyone kung sino ang magugustuhan niya dahil marami namang nakapila sa kan'ya pero ako naman ang gusto niya kaya hindi iyon pwede.

Pero paano kapag nagbago ang isip niya at napagtanto niyang marami naman pala siyang pagpipilian sa kanila.

Kailangan ko na ba siyang bakuran? O kailangan ko ng higpitan ang tali ko sa kanya nang hindi na niya magawa pang tumingin sa iba. At para na rin malaman ng iba na ako na ang nag mamayari sa kan'ya.

"Ano bang gagawin para malaman ng iba na hindi na siya pwede?" I voiced out.

"Ay, hindi pa ba kayo sa lagay na iyon?" She sneered.

Bakit, mukha na ba kaming may relasyon dati? I wanted to voice out.

"There's one and only effective solution para doon. Make him your boyfriend! Bakuran mo nang wala ng makalapit na iba sa kanya."

Naisip ko na iyon nu'ng umamin ako sa kanya pero hindi ko lang isinaboses. I like him and I like him to be my boyfriend also. Iyon ang sinasabi kong gusto kong maging pagdating sa kanya. I already pictured ourselves as a real couple.

Burning RedWhere stories live. Discover now