Kabanata 24

17 1 0
                                    

Burning Red

Whipped

"Thanks, Dad!"

I went out of the car as soon as I bid my goodbye to them. Biyernes ng umagang iyon ay dumaan sila sa condo ko since Mom insisted it dahil nasa area lang ang pupuntahan nila kaya dito sila dumiretso.

Inantay kong umalis muna ang sasakyan bago ako pumasok sa loob. Window on the front seat opened and revealed Mom.

"Goodluck, honey! Know that we're always so proud of you." She smiled. Inilabas niya ng bahagya ang ulo sa bintana at tumunghay. The morning warm sun rays hitting her face that made her skin glow.

I know that, Mom. Nangingiti akong tumango at kumaway na. May napadaan sa gilid ko na lalaki since nasa tawid pa kami ng daan nakatigil. I moved on the side at nakita ko pang nagtagal ang titig niya kay Mom na nanatiling nakalabas ang mukha. Sinundan namin iyon ng tingin ni Mom na palingon lingon pa sa banda namin.

Natawa ako sa kalituhan na nakikita sa mukha niya. He's just a random passersby at parang nakakita ng artista kung makatingin. I can't blame him. Tulad nga ng sabi ni Ali, my parents never aged at all.

"He's weird..." Aniya.

"Tss. Pull the window up, Emerald. We gotta go, sweetie." Sabat ni Dad sa driver's seat at lumingon sa'kin.

Ngumuso ako sa pagiging grumpy niya agad. Oh-uh! I smell some jealousy. Tinatawag niya lang ang pangalan ni Mom when he's really upset about something.

"Nakikinig ka ba?"

Napabalik ako sa sarili nang bahagya niya akong hampasin ng hawak niyang face towel. I glared at Ali. Ibinulsa ko ang phone at itinuon ang atensyon sa kan'ya. I'm waiting for Isaiah's call kasi hindi niya ako natawagan kagabi. Nagbabakasakali lang.

I'm still guilty on what happened days ago. I'm thinking if I should tell exactly what happened or just leave it behind tutal ay hindi naman iyon importante.

Nanliliit ang mata ni Ali sa'kin nang harapin ko. She held out her phone to my face na ikinangiwi ko."You went to a party nang hindi ako sinasama?!" Eksaherada niyang ani.

Inilayo ko ang phone at kinuha iyon. Ngumiwi ako sa nakita. It was me and Max, kissing. It's just a short clip na sinadyang halikan lang ang makuha. Hindi ko kilala ang account kaya tingin ko ay isa sa mga dumalo ang kumuha.

Naasiwa ako so I brought the phone down. Iyon talaga ang pinobroblema niya ngayon. It's as if malaking kawalan na hindi ko siya sinama.

"I didn't party but I did go there. Binigay ko lang ang regalo kasi nangungulit si Max." Umiling ako. Sinilip ulit ang phone.

Still, no response from him.

"Kahit na! At may gana ka pa talagang makipaghalikan sa kalandian mo, break na kayo?"

Sinamaan ko siya ng tingin."Max likes me..." Sabi ko nalang.

"Ah, kaya lumandi ka muna habang wala pa boyfriend mo? Mas masarap ba si Max?" Umarte siyang nag iisip at inilagay ang mga daliri sa baba.

Hindi ko siya sinagot dahil walang kwenta naman ang lumalabas sa bibig niya. Inikot ikot ko ang phone sa kamay at humalumbaba.

Me:

You busy today? May sasabihin sana ako.

Me:

I miss you.

Kahapon pa ako nagpapadala ng mensahe pero ni isa ay hindi niya pinaunlakan.

Naisip kong sabihin nalang sa kan'ya iyon kaysa siya pa ang mauna. Pero siguradong magagalit parin iyon kung ako ang magsabi. 'Wag nalang kaya. It's all a misunderstanding, anyway.

Burning RedWhere stories live. Discover now