Kabanata 31

58 1 2
                                    

Burning Red

Seat

"Aasahan ko ang pagdating mo kung ganoon. Sapat na siguro ang ilang taon mo d'yan at ng makasama ka na namin ng ama mo dito."

"Oo naman, 'My. Maiiwan nga lang si Lola. Hindi ba siya pwedeng isama?"

"Hindi na sanay si Mama sa mahabang biyahe pero nagparating naman siya ng mensahe sa Kuya mo kaya h'wag mo na alalahanin iyon."

Tumango ako. Hindi rin nagtagal ang tawag namin nang ayain na siya ni Daddy dahil may lakad daw sila. I bid my goodbye at nag ayos rin para sa sariling lakad.

Natigil ako sa aisle ng mga chips nang tumawag si Vaughn. Sinagot ko iyon at itinulak ang cart paalis.

"Wala ka sa cafe mo?" Aniya.

"Bakit, nakikita mo ba ako d'yan?" Balik kong tanong. Nakangisi habang pumipili ng napkin.

"Where are you, then? May sasabihin sana ako, baka lang gusto mo rin."

"Nasa Mall ako malapit may binili lang. Ano ba 'yun?"

Lumipat ako sa kabilang aisle at namili rin ng pwedeng makuha."Sabihin ko mamaya. Papunta na ako." Binaba niya ang tawag kaya nagpatuloy ako sa ginagawa.

Maya maya lang ay namataan ko na siya sa dagat ng tao nang makalabas ako sa supermarket. Umirap ako nang sumabit na naman ito sa gilid gilid. Natigil siya nang may makasalubong na babae at nag usap sandali. Parehong malaki ang ngisi.

Kahit saan talaga ang isang 'to.

I bet when he was younger, natatagalan ang utos ng magulang niya dahil kahit saan sumasabit. Titilaok na sa uhaw ang magulang niya pero siya itong may kalandian na pala sa kalye.

"Alam mo, buti nalang hindi ka nagdoctor kung hindi ay mamamatay ang pasyente mo dahil ang dami mong anik anik sa tabi." Ani ko ng sa wakas ay matapos ang chitchat nila ng babae. Gusto pa yatang sumama ng isa kung sundan ng tingin.

"What do you mean? Wala naman akong balak mag doctor..." He asked. Confusion was written all over his face.

Nag order kami ng inumin nang makahanap ng upuan.

"Kaya nga, buti nalang wala kang interes dahil kapag nagkataon, sigurado akong matagal ka ng nakakulong ngayon. In other words, ikaw ang may kailangan sa'kin pero ako pinag antay mo. Ang kapal naman talaga ng apog natin 'no?"

Mukhang napagtanto niya ang ibig kong sabihin nang tumango tango ito sa sarili. Walang pagsisisi sa mukha na mahigit limang minuto niya akong pinag antay matapos lang ang kalandian nila bagkus ay nagawa pang ngumisi sa akin.

Umirap ako ulit.

"Oh! That was Gina nakilala ko raw sa isang event kaya kinausap ko sandali." Aniya.

See? Hindi pala niya kilala pero base kanina ay parang ilang taon na silang magkaibigan. Basta talaga nakasaya papatulan niya.

Pwede 'tong ibudol budol, eh. Madali makuha ang atensyon.

"Not interested." Totoong pahayag ko.

Dumating ang order namin kaya doon nabaling ang atensyon ko.

"Ano nga ulit ang pakay mo?" Naalala kong may gusto pala siyang sabihin sa'kin.

I sipped on my watermelon shake at pineapple naman ang kan'ya. Sumandal siya sa upuan at tamad na humalukipkip.

"Uuwi ako ng Pilipinas next week, may importanteng dadaluhan lang..."

"Oh? Anong kinalaman ko du'n? Eh, 'di umuwi ka hawak ko ba passport mo?" Sarkastiko kong ani.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Burning RedWhere stories live. Discover now