Kabanata 4

22 1 0
                                    

Burning Red

Own

"Ali! Red!"

Natigil kami sa paglalakad dahil sa tawag na iyon. Hindi pa man nakakalapit ay umikot na ang mata ko.

"Hi. We missed you, guys!"

Kisha and her friends went to us at nagawa pang bumeso sa amin ni Ali. I held my hand out nang lumapit ang iba pa sa akin.

Kisha laughed at my reaction.

"Ang arte talaga ni Red kahit kailan. Anyway, you guys weren't seen in some parties lately... may bago kayong pinupuntahan?"

Ba't namin sasabihin sayo.

"I'm sorry but we prioritize studies first over parties kaya hindi mo kami nakikita sa mga bar tuwing malapit na ang exams... how about you, girls?"

Nakangiti man ay nahihimigan ang pagka sarkastiko ni Ali sa tanong.

That's what I like about this girl! We never liked goldy girls like Kisha and her friends.

Pumuputok ang make up nila at kulang nalang kabugin na nila ang itsura ni Ronald McDonald.

Natawa ako. Pwede sila ipalit sa entrance ng fast food chain na iyon.

"Same naman pala tayo... mas matimbang rin ang studies sa amin, eh. Actually nga ay nababawasan ang pag party namin lately, it's just that, napansin ko lang na wala kayo sa mga pinuntahan namin dati..."

Maarteng inayos niya ang buhok at bumaling sa mga kasama niyang ngiting ngiti.

"'Di ba, girls?" Parang aso silang nagsitanguhan.

Maniniwala na sana ako kaso nakita ko ang posts nila kahapon na galing sila sa house party na tinanggihan ko. Parang hindi naman nabawasan ang attendance nila sa mga ganu'n.

I wonder if they still excel in school. Buti pa kami ni Ali. We still study before party.

Nagkibit lang si Ali at hindi na nakipagtalo. If I know, hindi rin iyan naniniwala.

"Lalabas kayo? Kami rin, eh! Sama nalang kami sa inyo..."

Iyon nga ang nangyari. We went to a coffee shop sa malapit na University at nakakairita man ang ingay at tinis ng boses nila ay wala kaming nagawa.

Hanggang sa makaupo kami ay hindi pa rin sila matigil sa usapan nila tungkol sa magaganap na birthday party ng kakilala.

Lately ay naging madalang ang pagpunta ko sa mga parties dahil nagkaroon nga ng exams at kailangan ko ipasa ang lahat ng subjects.

Kahit na minsan sakit ako sa ulo nila Mom at Dad ay hindi ko naman sila nadidisappoint when it comes to my studies.

Doon na nga lang sila nakakahinga ng maluwag dahil tutok pa rin ako sa pag aaral kahit na madalas ay party ang inaatupag ko.

They let me do things I want ever since I turned eighteen. Iyon ang kasunduan namin na tinupad naman nila kaya ngayon ay may sarili akong condo.

Takot lang nila kung sakali dahil alam nilang magrerebelde ako.

I always envy Kuya kasi kahit nu'ng minor pa siya ay pinapayagan na siya nila Dad na umuwi ng gabi samantalang ako ay kailangan pa umabot sa tamang edad.

I went ballistic nu'ng mabalitaan kong binilhan nila si Kuya ng dream car niya when he was just seventeen. That day ay hindi ko sila inimik ng ilang weeks. I felt betrayed and unimportant. Naramdaman kong may favoritism sila sa amin ni Kuya.

But it didn't last long naman since they promised me na bibilhan nila ako ng condo when I turned legal. I always wanted to have a place that I call my own the moment I stepped college.

Burning RedWhere stories live. Discover now