Kabanata 8

21 0 0
                                    

Burning Red

After all

"Dismissed,"

Nag inat ako ng katawan sa mahabang oras ng klase. My butt hurts sa kakaupo sa matigas na upuan.

"Grabe, wala akong naintindihan sa buong oras..."

I rolled my eyes at Ali.

Syempre, natutulog siya habang may nagsasalita sa harap. Mamaya mangungulit na naman sa akin iyan tungkol du'n pagdating ng exam.

Nalihis ang tingin ko sa kanya nang lumapit si Gerald sa akin. Nakangisi at inaayos ang buhok.

"Tuloy kayo mamaya?"

Nahihiyas siyang tumingin sa akin kaya kay Ali niya tinuon ang mata.

"Yes, wala naman kaming gagawin mamaya, eh. 'Di ba, Red?"

"Yeah, we'll be there. Happy birthday!" I greeted na ikinapula ng tenga niya.

Nang bumalik siya sa mga kaibigan ay kinantyawan siya nito at tinulak ng pabiro. May mapaglarong ngisi sa mga labi.

Kilala siya sa classroom dahil may gusto raw sa akin. Iyon ang naririnig ko sa mga kaklase na tingin ko ay totoo.

Ngumisi ako nang mahuli ako ng isa sa kanila.

"Naalala mo iyong dalawang lalaki na nagpakilala sa atin nu'ng isang araw? Du'n sa pool?"

Naglalakad kami sa may field nang biglang magtanongsi Ali.

"Oo, what about them?"

Naalala ko nga.

"The guy invited me dahil may house party daw sa kanila, ready na nga ako pumunta sa condo mo since du'n rin naman sila nakatira but I declined when he told me na lumipat na sila..."

"Bakit daw?"

"They got kicked out of the building for some personal reason... iyon ang sabi niya."

Kumibit rin ako at hindi na nagtanong. Hindi rin naman ako interesado sa kanila. I just entertained them because I got bored.

Naghiwalay kami nang makarating sa parking lot. I beeped my horn to say my goodbye before I let her go first.

Ready na akong patakbuhin ang sasakyan kasunod niya nang may kumatok sa bintana ko.

Nakita ko si Isaiah na swabeng nakasandal sa window at nakasilip sa akin. Binaba ko ang bintana para magtanong.

Hindi ba abala ang isang 'to sa kompanya nila?

"What is it?"

Imbes na sagutin ako ay iminuwestra niya ang kamay para buksan ang pinto. When I unlocked the door ay marahan niya akong  hinila palabas na ikinapiglas ko.

"Sandali! Saan mo ba ako dadalhin?"

I shut the door closed at pinatunog ang sasakyan para malock habang hinihila niya ako papunta sa isa pang kotse.

"Where are you taking me?" Ungot ko.

I flattened my skirt at nasira ang ayos nu'n dahil sa kanya.

Ito parang kabute. Bigla nalang susulpot kahit saan. Hindi ko siya nakita ng tatlong araw at hanggang text lang at tawag ang ginagawa niya na ipinagpasalamat ko.

Sa mga araw na iyon ay naging tahimik ang araw ko, walang nanggugulo pero ito na naman at manghihila kung kailan niya gusto.

"We'll eat outside," utas niya.

As usual ay naka button down shirt na naman siya at ang coat at tie ay nasa backseat, malinis na nakatupi.

His long fingers gripping the wheel at lumalabas ang ugat sa lantad na braso. The first three buttons ng shirt niya ay nakabukas at nakikita ko ang manipis na kwintas sa leeg.

Burning RedWhere stories live. Discover now