Kabanata 6

19 0 0
                                    

Burning Red

Nice

I gestured my fingers to my lips to stop Nana from announcing my presence. Itinikom niya ang bibig at mahinang humagikhik. She smiled genuinely and hug me.

"Na-miss kitang bata ka," maliit ang boses na aniya.

"Akala ko hindi ka darating dahil sabi ng Kuya mo..."

I hugged her back and kissed her cheeks.

"I missed you, too, Nana. Isosorpresa ko po si Kuya, asan siya?" Tanong ko.

"Nasa kusina sila at kumakain. Hala, sige, pumasok na kayo..."

"Thank you, Nana!"

Alam nila Dad na uuwi ako ngayon at hindi ko pinasabi kay Kuya. I wanted to surprise him. I like surprises. Baka hindi ako pansinin nu'n kapag hindi ako nakadalo.

Discreetly, I took a step towards the dining area at naroon nga sila. Nangingibabaw ang boses ni Kuya habang nag uusap sila.

"Hindi nga niya alam na birthday ko ngayon, Dad. Mab-busy daw siya sa thesis nila nung tinanong ko kung may gagawin siya ngayong araw..."

Tumawa si Mom and Dad sa sumbong ni Kuya na parang bata.

Nanatili akong nakikinig sa likod ng pinto habang humahagikhik.

"Kawawa ka naman pala at hindi naalala ng kapatid mo ang mahalagang araw na 'to." Natatawang bigkas ni Mom.

Ang mahinhin na boses ay nahihimigan ng panunuya.

"Maybe, she's just really occupied sa school kaya nakalimutan ang birthday mo...dadating iyon, don't worry, son." Si Dad.

"She's not! I'm sure she isn't... nagdadahilan lang iyon para hindi makapunta dito. At alam mo ba, Dad, feeling ko may lalaki ang anak niyo. I called her number once tapos lalaki ang sumagot and you know what he said? 'F off, you f son of a bitch!' tapos binabaan ako ng tawag."

"I really think you shouldn't bought her a condo, Dad. It was a wrong move dahil doon niya tinatago ang mga lalaki niya!" Pilit niya pa.

Nalaglag naman ang panga ko sa pinagsasabi niya. He's bluffing! Ito ba ang binabalita niya kina Mom tuwing wala ako?

"Red wouldn't do it. Baka nagkakamali ka lang ng tinawagan, she's very focused on her studies, tuwing tatawag ako sa kanya ay magpapaalam siya agad na may gagawin pang assignments..."

"No, Mom. Masyado niyo kasing inispoil ang batang iyon kaya lumalaki ang ulo,"

Si Daddy ay natahimik at mukhang nag isip sa binalita ni Kuya. Ano, naniniwala siya sa kanya? He's obviously lying! Sinisiraan niya ako kina Mom para makaganti sa akin!

Sa takot na baka bawiin ni Dad ang condo ko ay nagpakita na ako.

So much for a surprise. Mukhang ako pa ang nasurprise sa amin.

Nagulat si Kuya sa akin at nanlaki ang mga mata. Huling huli ka na. Bumaling rin si Mom and Dad sa akin at sinalubong ako ng halik.

I remained stoic at Kuya who can't look at me. Nagkunwaring busy sa pagkain.

"You're early! Oh my god, I missed our princess." Mommy fixed my hair and kissed my forehead. Lumapit ako kay Dad na may ngiti na sa labi.

"Hi, Dad."

"I missed you, sweetheart." He hugged me tight and kissed my hair.

"What is Kuya talking about?" Inosenteng tanong ko sa kanila kahit narinig ko na lahat.

"Oh, he's talking ill about you, baby but I don't believe everything he just said... sayo ako naniniwala, you're not hiding boys in your condo, right?" Si Mommy.

Burning RedWhere stories live. Discover now