Prolouge

1.2K 34 0
                                    

"i now pronounce you, husband and wife"

Nakangiti akong nakatingin sa kanya. Nakatitig siya sa'kin pero walang bahid na emosyon ang mukha niya.

Bakit.

Bakit ako nagpakasal sa lalaking to? Na para bang walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Ni hindi man lang marunong ngumiti.

"you may now kiss the bride" isang halik ang ginawad niya sa pisngi ko.

Rinig ko ang palakpak ng mga taong dumalo. Ang mama niya at mga kaibigan. Hindi naman church wedding kaya walang ibang dumalo. Parang hindi nga alam ng iba na kinasal siya.

Pero okay lang. Masaya naman ako.

I insisted on this wedding at ginusto naman ng mama niya kaya pumayag na din siya. More like, wala siyang pakialam kung makasal man siya o hindi.

"i'm sorry dad, pero hindi na ako babalik jan" sa lugar na kinamulatan ko.

Sa lugar na kung saan madilim ang daan.

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon