Chapter 76

57 3 0
                                    

(Hanson pov)
Lumabas muna ako para magpahangin. Nakakasakal sa loob ng kwarto.

"it's dangerous to wander alone, lalo na kung hindi mo kabisado ang buong lugar" napahinto ako at napalingon sa nagsalita.

"Jackson" nakapamulsa siya habang ngumunguya.

"hindi ka dapat lumalabas ng bahay. Who knows, baka mamaya may sumulpot na Van at pagbabarilin ka nalang" nanlamig ako bigla sa sinabi niya.

"nagbibiro ka ba? Sobrang dami niyong tauhan, imposibleng mangyare yun" napaismid nalang siya bago niya ako nilampasan.

Sinundan ko lang siya hanggang sa loob ng bahay.

"wag mo akong sundan, nakakairita" nilingon niya ako at tinitigan ng masama. Natatago sa likod ng mukhang suot niya, ang totoong hitsura niya.

"hindi kita sinusundan, dito din naman ang daan ko" he scoffed then continue his walk.

"wag kayong gagala sa labas. Hindi namin kayo mapoprotektahan"

"are you worried?" napahinto siya sa pag-akyat ng hangdan.

"what makes you think that i'm worried?" sarkastiko niyang tawa na ikina-ismid ko.

"maybe because...we're triplets?" kita ko ang pagkabigla niya bago naglakad palapit sa'kin.

"who said that?" napalunok ako sa lamig ng boses niya. Ibang-iba siya sa'min lalo na kay Larson kapag nagsalita.

"it doesn't matter who said it. Ang sa'min lang, bakit hindi mo sinabi---argh! Shit!" napaluhod nalang ako nang maramdaman ang sakit ng sikmura ko.

"wag mo akong simulan. Mainit ang ulo ko" dahan-dahan akong tumayo habang hawak ang sikmura.

"ayoko sanang gawin to, pero sinusubukan mo ako"

Pasensiyahan nalang tayo.

(Larson pov)
Nasaan ba si Hanson. Wala siya sa kwarto niya.

"sinusubukan mo talaga ako ah!" huh? Ano yun?

"talaga? Sorry sa nasira ko" si Hanson yun.

"anong ginagawa niyo?!" mabilis akong napatakbo sa pinanggalingan ng sigaw.

"Jackson! Anong ginagawa mo?!" nabigla nalang ako sa inabutan ko.

"hayaan niyo sila" hindi ako makapaniwala. Prenteng nakaupo lang si Orly at Alex habang nakatayo sa harap nila si Clarie.

"Hanson" nilapitan ko siya na nakapaibabaw kay Jackson habang hawak ang kwelyo niya. Puro sugat ang mukha nilang dalawa.

(Clarie pov)
"pwede wag ngayon! May problema tayo!" ang dami na nga ng problema dadagdag pa sila.

"anong nangyayare dito?" walang emosyong tanong ni Drake nang makapasok.

"kung gusto niyong magpatayan, dun kayo sa labas" tumalikod na siya kaya napahilot ako ng sentido.

"sa dami ng problema natin, nakuha niyo pang mag-away?" hindi ko na napigilan pa na maluha na ikinataka nila.

"tama na yan Jackson, maghanda ka na" tumalikod na ako kasunod si Alex at Orly. Aalis kami pabalik ng Japan.

(Hanson pov)
"ano ba kasing problema mo? Bakit mo ginawa yun?" inis na tanong ni Larson habang ginagamot ni Allisha ang sugat sa gilid ng labi ko.

"wala lang" hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun.

"let's go. Pupuntahan natin siya"

"what for?" tanong ko.

"mag-sorry ka sa kanya" hayy naku naman.

(Jackson pov)
"bakit mo na naman siya pinatulan?" mugto ang mata niya habang ginagamot ang sugat sa mukha ko.

"wala lang" na-badtrip ako.

"anong wala? Paano kung nakita niya ang mukha mo, anong gagawin mo?" ah, oo nga pala. Medjo nasira ang prosthetic ko. Sinadya niya talaga yun.

"alam niya ang tungkol sa'kin, at hindi ko alam kung sino ang nagsabi" nakakainis.

"what?!" gulat na gulat?

"it's fine. Wala akong pakialam kung sino man ang nagsabi sa kanya"

Walang magbabago. Hindi ako babalik sa kanila.

(Drake pov)
"we're ready"

"iiwan ba natin sila dito?"

Napahilot ako ng sentido habang nakaharap sa kanila.

"tumawag ang secretary ni dad. We will be the one to held the ceremony" tugon ko sa kanila na bakas ang lungkot sa kanilang hitsura.

"what about Darwin. Hindi ba natin sasabihin? I mean...anak pa din siya ni papa" isa pa yun.

"what about me?"

There he is.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon