Chapter 52

113 6 0
                                    

(Darwin pov)
Hindi ko alam kung anong problema niya at iya siya ng iyak. Pinainom ko nalang siya ng sleeping pills para makatulog agad. Mukha siyang pagod.

Kumuha ako ng tubig at nilapag sa bedside table.

Beep!
Lexie, we have a problem. Orly is in the hospital, please call back.

Nilingon ko si Lexie na mahimbing na natutulog. Hindi ko siya magigising. Bukas nalang siguro.

(Rexander pov)
Nasa loob kami ng kwarto ni Orly. Malalim ang tama niya sa sikmura.

"anong nangyare?" kakapasok lang ni Lexie at mukhang nagmadali siyang pumunta. Hindi siya matawagan kagabi.

"tinambangan ako ng hinayupak kagabi. Mga bwisit!" hay naku. Kagabi pa yan si Jackson, galit na galit.

"saan natin siya ililipat? Delikado dito. Baka mamaya bigla nalang silang pumunta" nakatingin lang ako kay Drake na nakatingin sa'kin. Anong problema niya.

"paniguradong si James ang may gawa nito. Mukhang nagsisimula na sila" tahimik lang ang iba sa sinabi ni Clarie. Tama siya. Nagsisimula na sila at mas malala pa ang mangyayare sa susunod.

Anong gagawin mo ngayon Lexie.

"dito nalang muna siya. Ako ng bahala sa mga bantay, magsalit-salitan nalang tayo sa pagbabantay sa kanya" sinundan ko lang siya hanggang sa magsara ang pinto.

Kailan kaya ako gagalaw. Masyado ng mahaba ang pananahimik ko. Gusto ko din ng aksyon.

(Clarie pov)
"i'll talk to Lexie" lumabas na ako at hinanap siya. May kausap siya sa phone. Sinundan ko lang siya. Hindi niya alam na nakasunod ako dahil medjo malayo lang ako.

Saan siya pupunta?

Hindi ko siya matawagan kagabi. Iniisip ko kung may nangyare ba, pero mukhang wala naman. Okay naman siya. Hindi alam ni papa ang tungkol dito.

"anong gagawin niya dito?" binuksan ko ang pinto ng rooftop at sumilip. Pumasok na ako nang hindi ko siya makita.

Nasaan na siya?

"it's fine. Ako ng bahala sa bagay na yan" rinig kong boses kaya sumandal ako sa pader. Sumilip ako at napakunot noo nalang sa nakita.

May kayakap siyang lalaki. Sa tingin ko doktor siya dahil sa suot niya. Hindi ko kilala. Hindi ko pa siya nakita kahit minsan.

"go back. Bumalik ka nalang pag kailangan mo ako, okay?" anong pinag-usapan nila.

"hindi ka ba sasabay?" umiling lang ang lalaki habang nakangiti.

"hindi nila tayo pwedeng makita. Alam mong may mga mata sa paligid. Ayokong madamay ka-"

"pero damay na ako sa simula palang" wala akong maintindihan.

"alam mo ba na hiniling ko na sana hindi ka na makaalala pa? Ayokong maalala mo ang nakaraan mo. Ayokong madamay ka pa. Ikaw ang importanteng taong natitira sa buhay ko Lexie, naiintindihn mo ba? Kung pwede lang na lumayo na tayong dalawa. Ayoko na may mangyare sa'yo" huh? May secret relationship ba sila? Pero sino yung lalaki.

"p-pero-"

"enough! Bumalik ka na"

Ilang segundo pa nang makita kong lumabas si Lexie at maya-maya ay yung lalaki.

Sino yun?

(Lexie pov)
Lumabas na ako at bumalik sa kwarto ni Orly. Wala si Drake at Rex at natutulog si Jackson sa sofa. Wala si Clarie at tanging si Alex lang ang nasa tabi ni Orly.

"sa tingin mo magigising pa siya?" i approached and tap her head. She's still a kid.

"of course. Malakas siya. Wala sa grupo natin ang namamatay agad sa bala" dahil naranasan ko na yan.

"then, matagal ba bago siya magising?" niyakap ko nalang siya.

"i don't know, pero alam kong gigising siya" hindi ko hahayaan na mawalan ako ng kagrupo.

"don't worry Alex. Ako ang bahala"

(James pov)
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

Kumusta na kaya si Lexie. I hope makita niya ang kalagayan ng kaibigan niya. Sayang, dapat patay na siya. Tsk!

"sino kaya ang isusunod ko?"

I sat on my chair at tinitigan ng mabuti ang mga litrato.

"ang hirap mamili" hindi ko alam kung sino ang isusunod ko sa kanila. Ihuhuli ko si Alexis para masaya. Kailangan pa siya ni daddy dahil sa yaman nila na hindi namin makuha-kuha.

"haa! Such trouble"

Kung sana lang nasa sa'min ang susi ng vault na yun. Yung vault kung nasaan ang assets nila. Lahat nalang pahirap.

Nakakabwisit!

A/N
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon