Chapter 75

55 4 0
                                    

(Clarie pov)
"sa tingin mo, babalik pa ba si leader sa'tin?" napahinto ako sa pagta-type dahil sa tanong ni Alex.

"i...i don't know"

Kasama ko siya sa kwarto ko habang kinakalikot ko ang computer. I'm trying to locate her nang may biglang lumitaw na vidoe file.

Agad akong napakunot-noo nang mabuksan ang file.

"leader?" nakatutok lang kami ni Alex sa kuha ng cctv.

"p-papa" agad akong napatakip ng bibig nang makita ang sumunod na nangyare.

"b-bakit?" hindi ko namalayan ang luha na dumadaloy sa pisngi ko habang namimilog ang mata. Narinig ko nalang ang iyak ni Alex sa tabi ko.

P-paanong nangyare to.

(Darwin pov)
"i won't be coming to work for a few days. May aasikasuhin ako. Ipadala mo nalang sa bahay ko ang mga papel"

"okay sir"

Binaba ko ang tawag at hinilot ang sentido. Hindi ako makapagfocus sa trabaho ko dahil kay Lexie.

"anak?" napamulat ako ng pumasok si mommy.

"dapat nagpapahinga kayo" naupo siya sa kaharap kong puwesto.

"let's talk about your father" napabuntong-hininga ako.

"ano pa ba ang dapat pag-usapan?" wala na akong gustong malaman. Maliban sa iniwan niya kami, nagkaroon siya ng ibang pamilya at naging ama ng mga tinuruan niyang humawak ng baril. Ano pa bang dapat kong malaman.

"wala siyang kasalanan anak. Ginawa niya lang yun para sa'tin. Hindi ko siya gustong iwan pero wala akong magagawa. Siya mismo ang gumawa ng paraan para protektahan tayo, kahit kapalit nun ay palayuin niya tayong dalawa. Ayokong magtanim ka ng galit sa kanya. Hindi ko hinihingi na patawarin mo siya ngayon, pero sana naman, kahit kausapin mo lang siya. Pakinggan mo siya kahit sandali man lang, para sa'kin"

"fine. Para sa'yo mom, kakausapin ko siya, but don't expect me to forgive him now. Papakinggan ko kung ano man ang ibang dahilan niya" ngiti lang ang sagot ni mom bago hawakan ang kamay ko.

"thank you Darwin"

Para kay mom, kakausapin ko siya kahit ayaw ko.

Lumabas ako para kausapin si Drake. Hindi ko kasama ang magkambal dahil kailangan ko siyang kausapin mag-isa.

"sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ng maid na kasalubong ko.

"nasaan si Drake, gusto ko siyang kausapin"

"nasa computer room po sila pero sa tingin ko hindi niyo siya makakausap ngayon" napakunot ang noo ko sa tanong ng maid.

"bakit? May problema ba?"

"siguro po, nagkakagulo po sila kanina pa" nagkakagulo? May nangyare na naman ba?

"okay, thanks" umalis na ang maid kaya nagtuloy na ako sa computer room nila.

Kinakabahan ako.

Kumatok ako pero walang nagbukas kaya binuksan ko na at naabutan silang nagkakagulo.

"what's happening here?" agad silang napalingon sa gawi ko. Umiiyak ang dalawang babae habang parang nababahala naman ang iba.

"anong nangyare?"

(Drake pov)
Hindi ko maproseso ang nakita ko.

"paano niya nagawa to?"

"s-si papa"

Kahit sila hindi makapaniwala sa nangyare. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo-halo ang nararamdaman ko.

"anong nangyare?" napakuyom ako ng kamao bago naupo. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa.

Bakit humantong sa ganito.

(Larson pov)
Kasama ko si Hanson at Allisha sa kwarto. Hanggang ngayon, iniisip ko pa din ang tungkol kay Jackson.

"paano natin sila kakausapin?" tanong ni Allisha na bakas ang lungkot sa boses.

"all this time, pinapatulan ko ang kapatid ko" hindi ko lubos maisip na kapatid namin siya. Ni hindi niya sinabi sa'min ang tungkol sa kanya.

"sasabihin ba natin sa mommy natin?"

"for now, kausapin muna natin sila bago natin sabihin sa mga mommy natin" siguro mas maganda yun.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon