Chapter 42

158 8 0
                                    

(Allisha pov)
Nasa bar ako ngayon. Umiinom mag-isa. Hindi ko matawagan si Darwin, hindi ko alam kung nasan siya. Umalis ako ng bahay dahil umiiyak na naman si mommy. Iniisip niya na naman ang pagkamatay ni dad at ng kapatid ko. Kinalimutan ko na ang nangyare dahil matagal na yun, pero hindi si mommy.

Kung buhay man ang kapatid ko, kahit isang beses lang, sana magpakita man lang siya. Kahit isang beses lang.

"bakit ka umiiyak?" mabilis akong nagpunas ng luha bago siya nilingon.

"Alex?" siya yung kasama ni Lexie dito sa club.

"bakit umiiyak ka?" napailing nalang ako sa tanong niya

"nothing. Naisip ko lang si dad at ang kapatid ko. Wala na kasi sila"

"ganun ba? Wag ka ng umiyak. Safe na sila kung saan man sila nandun" bigla nalang gumaan ang loob ko at napangiti.

"thank you" ngumiti lang siya bago ako bigyan ng lollipop.

"favorite ko yan, sa'yo na. Wag ka ng umiyak, maganda ka pa naman" napatawa nalang ako bago pinagmasdan ang lollipop.

"favorite to ng kapatid ko. Strawberry, mahilig siya sa lollipop" lagi niya tong kinakain nung bata pa siya. Laging nagagalit ni mommy dahil baka daw masira ang ngipin niya.

"hehe. Sa'yo na. Sige ah, babye" sinundan ko lang siya ng tingin bago ko balingan ang hawak ko.

Comfort food ba to? Ang weird niya.

(Drake pov)
"anong plano natin?"

Nandito kami sa cloud bar at pinag-uusapan kung anong gagawin sa pagsugod namin sa members ng dark x. Nasa plano na din yun ni dad kaya pumayag siya.

"hindi ba talaga natin isasama si leader?" umiling nalang kami sa tanong ni Alex.

"hayaan niyo muna siyang magpahinga dahil may misyon siya pagbalik niya" sagot ko nalang sa kanila.

"ano nga ba ang misyon niya. Walang sinabi si papa tungkol dun" oo nga. Walang sinabi si dad tungkol sa plano.

"confidencial ba yun?" hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ni dad at ayaw sabihin sa'min ang plano niya.

"sa ngayon, isipin muna natin ang plano para mamayang gabi" simple lang naman. Sa isang abandonadong lugar kung saan nakatago ang mga armas nila. Mga bantay lang ang nandun at sinigurado namin na wala ang grupo ni James.

"then it settled" tinapos na namin ang pag-uusap bago kami umuwi.

I hope it went well.

(Lexie pov)
Sinurado ko na tulog na si Jonas bago ako pumasok sa hidden door. May mga baril at mga screen na nakaconnect sa satellite. Nakaconnect din to sa buong bahay hanggang sa loob ng kwarto. I tracked them down na nasa abandonadong lugar na malayo sa city. Tumawag si Drake kanina na ngayon sila pupunta. Sinigurado naman nila na wala si James kaya nagpunta sila. Isa ang lugar na to kung saan nila tinatago ang mga armas nila. Masyado silang magaling. Hindi lang isang bodega ang lalagyan ng mga armas.

I connected myself through their ear piece.

"Drake"

"yeah, bakit napatawag ka?"

"i'm watching from here. Mga 40 lang naman ang mga bantay jan"

"hi leader!"

"kumusta bakasyon"

"grabe siya, hindi man lang nag-aya"

Rinig ko ang ingay sa kabilang linya.

"isasama ko kayo sa susunod. Dark may paparating sa kanan, Mist sa kaliwa mo. Snipe may hagdan sa kabilang pader, umakyat ka. Mas sanay ka sa long distance kaya mas maganda na nasa taas ka"

"oh shit! Hindi mo sinabi na lima yun?!"

"geez Dark, wag ka magreklamo"

"thanks leader"

Naiiling nalang ako sa ingay nila kahit sa gitna ng laban.

"Night"

"okay na leader. Nakapaglagay na ako ng bomba, push-the-button nalang ang kulang"

Magaling.

Pinanuod ko lang sila hanggang sa matapos.

"huh?"

I zoomed in.

"guys. Umalis na kayo jan. May mga paparating. May exit sa likod, dun kayo dumaan"

Shit! Bakit nanjan siya.

"why?"

"nasa labas si Aldrine. Alis na"

May kasama siya. Isa siya dun sa mga kasama ni James.

"Night"

"okie dokie!"

Napasandal ako habang pinapanuod si Aldrine at ibang kasama niya na mukhang nagulat sa nangyare.

"woooh!"

"oh yes!"

Rinig ko pa ang sigaw nila.

"great job guys"

Pinatay ko na ang connection at pinanuod lang sila. I'm sure makakarating to kay James. Nakikita ko na kung pano siya magalit.

"nagsisimula palang ako. Sisiguraduhin kong mauubos kayo"

Hindi ko mapigilang mapangisi sa kung ano man ang mangyayare sa hinaharap.

"mommy?" napatingin ako sa isang screen. Mukhang nagising na siya. Aalis na sana ko nang bumukas ang pinto.

"where's mommy?" pinanuod ko lang sila. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Kahit siya hindi niya alam kung nasaan ako.

"nasa labas si mommy. Matulog ka na"  hindi ako pwedeng lumabas dahil makikita nila ako, kaya no choice ako, baka dito na ako matulog pag hindi pa siya lumabas ng kwarto.

Ayayay.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon