Chapter 72

57 4 0
                                    

(Darwin pov)
"sa tingin ko hindi. Galit siya dahil pinoprotektahan kayo ng daddy niya, which is daddy mo din" tss.

"anong kinalaman ko dun. Hindi ko hiniling na protektahan niya kami"

"yun na nga eh, nagalit siya sa daddy niya dahil sa inyo. Did you know na hiniwalayan niya ang mother mo para protektahan kayo? Nalaman niya yun at yun ang lalong nagpagalit sa kanya"  paliwanag niya.

"pero wala naman kasalanan si Darwin at si tita para magalit siya diba?" tumango siya sa sinabi ni Hanson.

"yes but...hindi niyo siya masisisi. Namatay ang mother niya sa harap niya mismo, at hindi siya naprotektahan ng daddy mo. Alam niya sa sarili niya na wala kayong kasalanan pero hindi mo maiaalis ang galit sa kanya. Siguro naisip niya na kung ginawa ba ni papa ang ginawa niya sa inyo, na hiwalayan at ilayo ang mother niya, siguro baka buhay pa ang mother niya" napahilot ako ng sentido dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasalanan pero bakit nakokonsensiya ako.

"next. Orly Sanchez, codename Dark. He is a happy-go-lucky guy, masama siyang magalit, kahit sobrang masiyahin niya. He is also a plastic surgeon"

"wow, doktor pala siya"

"hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa inyo to pero...i hope they'll understand me"

"Clarie Aragon codename Mist. Former cover model. She is the brain, the computer genius in the group. Not much information on her so there's nothing to be explained further"

"next"

"Alex Garcia, real name Alex Alcatraz, codename Snipe. She is also the youngest in the group, her father died in an accident, the Phoenix took her in and trained her. She is the sniper of the group, a long-range fighter. She is also, the Alcatraz's youngest child" napalingon kami kay Allisha na nakatulala.

"k-kapatid?" kapatid niya?

"oh yeah, i remember. Kaya pala familiar ang picture sa locket niya. Yun ang daddy ni Allisha. Kaya pala" sagot ni Larson.

"yeah, pero hindi niya alam ang tungkol sa inyo dahil bata pa siya nun"

"w-what? All this time akala ko patay na siya? K-kaya pala magaan ang loob ko sa kanya"

"hm"

(Hanson pov)
"next" huh?

"t-teka lang. B-bakit nanjan ang mukha namin?" tanong ko kay Rex habang nakatitig kami ni Larson sa nakalagay sa screen.

"Jackson Benitez, codename Night, may pagka-childish just like Alex, kaya magkasundo sila, he is childish but not to be taken lightly, a bomb expert in the group. Dala siya ng papa niya paalis ng pinas pero nung namatay ang ama niya  kinuha siya ng Phoenix. You're not twins bro, you're triplets" what?

"t-triplets kami? Pero bakit hindi namin alam? Hindi sinabi ni mommy" nakatulala lang kami ni Larson sa profile niya.

"dahil akala ng mommy niyo na patay na din siya kaya mas pinili niyang ibaon nalang sa limot ang tungkol sa kanya at piniling hindi sabihin sa inyo" so, all this time, nakikipag-away ako sa kapatid ko?

"hindi din ba niya alam?" tanong ni Larson na ikinailing niya.

"alam niya sa simula pa lang" alam niya pero hindi niya sinabi sa'min?

"pero bakit hindi niya sinabi sa'min?" hindi naman kami magagalit kung sasabihin niya. Matutuwa pa si mommy kapag nalaman niya.

"as i've said. Lahat ng kasali sa organisasyon ay wala ng pamilya o mas pinili nalang na huwag ng bumalik sa kanilang dating buhay" dahil ba sa trabaho nila?

"alam niyo naman siguro ang mga organization diba? May hint naman siguro kayo sa mga ginagawa namin?"  don't tell me.

"so, pumapatay talaga kayo?" tumango siya ng walang pag-aalinlangan.

"the what about Lexie?" tanong ni Darwin.

"She's the worst"

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon