Chapter 45

143 9 0
                                    

(Lexie pov)
"Anton Smith. Gambler and businessman. Isa din siya sa galamay ng Dark X. Siya ang kasalukuyang nagpapatakbo ng illegal gambling at patagong nagbebenta ng drugs. May mga kasama pa siya pero siya muna ang unahin niyo" haa! A foreigner.

"illegal business. Then isa siya sa mga humahawak ng pera na ibinibigay sa organisasyon?" tango lang ang sagot ni papa.

Nandito lang ako sa kwarto habang kausap sila. Pinagpaplanuhan namin ang gagawin mamayang gabi. A party will hold in a Starlight Cruise at nandun siya.

"Drake, Orly at Lexie. Kayo na ang bahala sa kanila. I've already contacted our men para sa invitations" sa wakas. Makakalabas na ulit ako.

"si Clarie na ang bahala sa cctv" okay.

"be careful Lexie. Paniguradong nandun si James at iba niyang kasama. You just need to take an opportunity and strike" seryoso si papa. I know the possibility na nandun siya.

"kung ganun. Bakit silang tatlo lang papa. Diba masyadong delikado ang mangyayare? Mas madaming kalaban sa pupuntahan nila" tama si Jackson.

"don't worry, ako ng bahala" sagot ni Orly. May prosthetic na siyang nagawa para dito. Mabilis gagawa ang gago.

"leave it to us. We won't dissapoint you" sumang-ayon nalang ang iba sa sinabi ni Drake.

"then, mag-ingat kayo"

Mukhang magiging masaya ang gabi ko. I'm thirst for blood.

"Lexie" lumapit ako sa pinto at binuksan.

"yes boss?" inabot niya sa'kin ang card.

"Starlight Cruise?" teka.

"come with me. Hindi kita pwedeng iwan mag-isa mamayang gabi kaya sasama ka sa'kin" patay na. Dun din ang punta ko.

"ayaw mo ba?" napangiti nalang ako at umiling.

"sasama ako" tumango lang siya.

"i'll order you some dress"

"no need, ako na bahala. Okay bye" mabilis kong sinara ang pinto at pinakatitigan ang card.

"haist!" bakit hindi ko naisip na pupunta siya dun. Businessman siya. Madaming businessman ang dadalo, bakit nakalimutan ko siyang isama. Nawala sa isip ko, bwisit naman oh.

(Drake pov)
"siguro naman hindi tayo makikilala diba?" ang galing gumawa ng gago.

"ang galing mong gumawa Dark" hay naku. Lalaki na naman ang ulo niyan.

krriinngg!
Lexie Calling!

"hey"

"change of plans, hindi na ako sasabay sa inyo"

"what? Anong ibig mong sabihin?"

Nilingon ko ang iba na nakatingin sa'kin.

"Darwin got an invitation at gusto niya akong isama. Kayo na bahalang pumunta dahil kasama ko siya"

Him again. Bakit ba lagi nalang siya. Kaya ayaw ko siyang bumalik dito. Naiintindihan kong misyon niya na bantayan si Darwin, pero naiinis ako dahil magkasama na naman sila.

"what about your disguise?"

"dalhin niyo"

"okay. Kami na bahala"

Binaba ko na ang tawag at nilingon sila.

"sino yun? Si leader ba?" tumango nalang ako bago naupo at hinilot ang sentido.

"anong sabi?"

"kasama niya si Darwin kaya tayo ang magkasamang pupunta" businessman nga pala siya. Posible talaga na kasama siya dun sa party.

"sa tingin niyo may gusto si Darwin sa kanya? You know. Nakita niyo naman dati diba? Kung paano niya tignan si Lexie sa club, parang may kakaiba" natahimik ako sa sinabi ni Clarie. Tama naman siya, iba talaga siya tumingin, lalo na sa asawa niya. Bakit kasi bumalik pa siya. Ano ba kasing tumatakbo sa isip ni papa at ibinalik siya dito.

"oo nga. Tapos magkasama pa sila magbakasyon" nabigla naman ako sa sinabi ni Alexis.

"what?" anong magkasama? Hindi ko yata alam yun.

"magkasama sila magbakasyon. Wala ka dito nun kaya hindi mo nakita. Siya yung sumagot sa tawag" damn it! Kasama siya si Lexie nung nakaraan. Sumosobra na talaga ang lalaking yun.

(Clarie pov)
Naiiling nalang ako habang nakatingin kay Drake na mukhang frustrated. Wala kasi siya nung tumawag ako kay Lexie. Mukhang nagseselos.

"hay naku" naiiling nalang kami habang nakatingin sa kanya na umalis.

"that reminds me. Bakit tinawag ni Darwin na Alexis si Lexie?" nagkibit balikat lang sila sa tanong ko. Ngayon ko lang ulit naisip. Tinatawag ni Darwin at nung mga kasama niya na Alexis si leader. Bakit nga ba?

"do you think...kilala niya yung mga yun bago siya naaksidente?" posible ang sinabi ni Jackson dahil pinagsabihan kami ni papa na wag na wag kaming magtatanong tungkol sa nangyare dati. Hindi namin alam kung anong buhay meron siya nung umalis siya ng organisasyon bago ang aksidente. Pinagbawalan kaming sundan ang galaw niya kaya hinayaan namin siya.

Posible ba na may alam sila tungkol kay leader? Kung ganun nga. Bakit pinagbawalan kami ni papa. May alam din ba si Drake dito?

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon