Chapter 50

131 5 0
                                    

(James pov)
"i am so dissapointed! What have you been doing! I told you to take care of them!"

Hilot ko ang sentido habang kausap si dad.

"i'm sorry dad, i'll make sure to clean this mess"

This is all your fault...Shadow.

"dapat lang. Hindi kita pinadala para maglaro lang. Ikaw ang pinagkatiwalaan ko imbes na ang walang kwenta mong kapatid! Now clean that mess!"

Bwisit!

"yes dad"

I hung up the phone bago kumuha ang alak. Kasama ko sila dito sa hotel. Ako ng gagawa nito at hindi si Aldrine. Wala siyang kwenta.

"bwisit! Sinasabi ko na nga ba!" naibato ko nalang ang baso dahil sa inis.

"chill ka lang bro. Hindi naman kawalan ang Anton Smith na yun. Madami tayong pwedeng ipalit sa kanya" haa!

"hindi siya kawalan kundi ang pera. Anong nangyare sa bank account niya?" bwisit na mga yun. Talagang sinusubukan ako.

"ahh. It's blank. We saw traces of transferring the money on charity...all of it" bwisit!

"sinusubukan ka talaga nila. Anong gagawin mo?" sinusubukan ako?

"right. Bakit hindi pa natin simulan diba? Masyado tayong tahimik. Bakit kaya hindi tayo mag-ingay" nilingon ko sila na nakatingin lang sa'kin.

"then let's start making noise"

Pagsisisihan mong kinalaban mo ako.

(Drake pov)
"are you okay?" nakahawak lang siya sa noo habang nakaupo sa kama.

"tsk! Masakit lang ang ulo ko" binuksan ko ang drawer at kinuha ang naiwan niyang gamot dito.

"here, buti nalang at may naiwan kang gamot" kumuha ako ng tablet at binigay sa kanya.

"ah. Nagpalit na ako ng gamot. Para kasing lumalala ang sakit ng ulo ko jan" pinakatitigan ko ang medicine bottle. Bilog ang tablet at walang label.

Biglang sumagi sa isip ko ang narinig ko kay Rex tungkol sa gamot.

"saan mo nabili ang gamot?" hindi ko gustong maghinala pero hindi ko maalis sa isip ko ang narinig ko kay Rex.

"ah. Si Rex ang nagbigay niyan. Binili niya" nakatingin lang ako sa kanya na ininom ang tablet.

"may problema ba?" ngumiti lang ako at umiling.

"akin na. Iuuwi ko nalang" mabilis kong tinago ang gamot sa drawer.

"iwan mo na para may reserba, baka kasi mamaya makalimutan mo na magdala ng gamot. In case of emergency" kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"okay" nakatingin lang ako sa kanya na inaayos ang baril.

"i just wanted to ask kung...nakilala mo na ba si Darwin dati? Maybe nagkita na kayo once?" gusto kong malaman kung may naalala na siya.

"why do you ask" may halong lamig ang boses niya.

"nevermind" mukhang wala siyang na-aalala.

"i'll go home. Call me if you need me" tumango lang ako bago siya lumabas ng kwarto.

Kinuha ko ang isang tablet at nilagay sa plastic. I want to know what this medicine is for. Ayokong mag-isip ng masama pero...hindi ako mapakali dahil sa gamot na'to.

Sana lang mali ang hinala ko na may kinalaman ang gamot na'to.

(Allisha pov)
"wala pa ba kayong balak magpakasal?" tanong ni mommy kay Darwin.

Nandito kami sa restaurant.

"mom. Don't pressure us. Hindi pa kami handa, we want to enjoy our life" gusto ni mommy na maikasal kami. Alam ko naman na ayaw ni Darwin lalo na ngayon na kasama niya na si Alexis...kahit hindi siya maalala.

"hay naku. Hayaan muna natin sila, darating din ang panahon" pero hindi ko gusto na pilit lang ang lahat.

"excuse me. Ladies room lang ako" tumayo na ako at lumabas na. Nasasakal ako sa loob. Pumasok ako sa ladies room at nag-ayos.

"haa. Dapat masaya ako...pero bakit nabuburden ako sa sitwasyon ko ngayon?" nababaliw na yata ako. Kausap ko ang sarili sa salamin.

"hay naku" lumabas na ako at lumiko ng daan pero agad akong napaatras dahil sa pagtama ko sa matigas na bagay.

"ouch!"

"i'm sorry miss, are you okay?" nakakabwisit! Inangat ko ang tingin at sa lalaking...

"miss? Okay ka lang ba?" ...gwapo. omg. Bakit ng gwapo niya at mabango pa. May iba sa kanya. Ang lakas ng karisma.

"i-i'm fine" napatulala ako sa adonis na mukhang anghel na lalaki sa harap ko.

"oh, okay. I'm sorry, nagmamadali kasi ako, excuse me" sinundan ko lang siya ng tingin habang kagat ko ang ibabang labi.

Ang gwapo niya. Ang ganda ng boses, ang ganda ng smile. Mukhang nakita ko na ang 'the one' ko.

"are you okay?" tanong ni Darwin sa tabi ko habang nag-uusap si mommy at tita. Nakangiti kasi ako pagkatapos ng faithful encounter namin nung guy.

"i'm fine" really fine.

"sure?" nilingon ko si Darwin at nginitian bago tumango.

"we're going home. You two will stay here and talk okay?" tumayo na si mommy at tita.

"yes mom" sagot ni Darwin na parang walang pakialam sa mundo.

Bigla kong naisip yung lalaki. Sana magkita pa kami.

A/N
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon